Chapter 38

394 9 4
                                        

"Autumn?" Nagising si Autumn sa mahinang boses na ito.

Sobrang stiff ng katawan niya pag-gising niya. Para bang ilang weeks or months siyang nakahiga. Ganito rin ang naramdaman niya nung nagising siya mula sa una niyang eye operation sa America.

"Autumn? Gising ka na ba?" Pinilit ni Autumn na igalaw kahit ulo niya lang. And after so many efforts, nagawa niya rin. Naramdaman niyang may kung anong nakatabon sa mata niya.

"Autumn, anak?" Boses ng mommy niya. "Are you fine? May nararamdaman ka bang sakit?"

"I'm... fine... mom." Pinilit niyang sabihin. Masyado itong mahina pero parang narinig naman ng mommy niya dahil napahinga ito ng malalim.

"Maghintay muna tayo for two hours bago natin tanggalin ang benda sa mata niya." Boses nung gumising sa kanya. Na-recognize niyang kay Dra. Felman iyon.

"I have a question, doc." Boses ng Tita Sonia niya. "'Yung first operation niya sa mata, inabot ng one month bago tinanggal 'yung benda. Why is it now, it just takes two weeks?"

"Meron kasi kaming nilagay na gamot sa mata niya para sa 'pag tubo ulit ng nerves. At 'yung gamot rin na 'yun ang dahilan kung bakit madaling nag-heal ang wounds niya."

"Does her eye color really changed?" Boses ni Ada.

"Yes. Eye color comes from iris. So whatever the eye color of the donor, that will be her new eye color." May halo ba talagang lungkot sa boses ni Dra. Felman o dahil lang ito sa kakagising pa lang si Autumn?

"Ihahatid ko na po kayo sa labas." Boses ni Sophie. At narinig niyang bumukas at sumara ang pinto. Narinig niya na lahat ng boses pero 'yung nag-iisang boses na gusto niyang marinig, hindi pa rin.

"Do you want something, anak?" Tanong ng mommy niya.

"Wala naman po mom." Hindi pa rin masyadong malakas ang boses niya pero nakakapagsalita na rin naman siya ng maayos. "Mom, where's Clinton Gabriel?"

Natahimik sandali. Para ba'ng napahinto silang lahat sa kung ano man 'yung ginagawa nila dahil sa tanong na 'yun. Narinig ulit ni Autumn na bumukas-sara 'yung pinto. "Umm... Autumn, I think you should eat. It's been two weeks since your operation." Sabi ni Ada matapos ang mahabang katahimikan.

"But can I just hear his voice? Can you please tell to him that I'm already awake?"

"Later, Autumn." Sabi ni Sophie. "And Ada is right. You should eat first."

Pagkatapos niyang kumain, inexpect niyang pinuntahan na nila si Clinton para sabihin ritong gising na siya dahil narinig niyang bumukas ang pinto. Ngunit nagdaan na ang dalawang oras, ni hininga o mga yapak man lang nito, hindi niya narinig.

"Hi Autumn." Narinig niyang bati ni Dra. Felman. "Are you ready?"

Tumango si Autumn. Gusto niyang magtanong kung nandyan ba si Clinton. At kung wala, gusto niya ito ipatawag. Gusto niyang hawak ang kamay nito habang tinatagal ang benda niya. Pero merong kung ano na pumipigil sa kanyang gawin ito. At ayaw niya rin sa nararamdaman niya simula nung nagising siya at hanggang ngayon. Pakiramadam na para ba'ng wala ang presensya ni Clinton. Na kahit saang lugar, wala si Clinton.

Parang deja vu ang nangyayari. Ang pamilyar na tunog ng paggupit sa benda at ang pamilyar na pakiramdam habang unti-unting numinipis ang benda. Sana lang, hindi lang 'yung mga taong una niyang nakita sa una niyang operasyon ang makikita niya ngayon.

"Slowly open your eyes." Sabi ni Dra. Felman pagkatanggal ng cover sa mata ni Autumn. Ginawa niya naman ito at kagay ng dati, parang sanggol na unang beses nakakita ng liwanag ang naramdaman ni Autumn.

Pagkahupa ng liwanag, blurry figures naman. Hanggang sa unti-unting naging clear ang lahat. Ang una niyang nakita ay ang nakangiting si Dra. Felman. Pero may kung anong lungkot sa presensya nito. Na para bang ngumingiti lang ito for the sake na kaya pa'ng ngumiti, hindi dahil masaya siya. Ganun rin sa mga sumunod niyang nakita, ang mommy niya, si Tita Sonia, Sophie, at si Ada. Inikot niya ang buong paningin niya, may nakita rin siyang isang babaeng nurse, ngunit kahit anino man lang ni Clinton, hindi niya nakita. Dito na siya sinimulang kabahan.

"Si Clinton Gabriel?" Tanong niya in no specific person dahil hinahanap pa rin ng bago niyang mata ang gusto nitong makita.

Nagulat siya nung imbis na sagot, inabutan siya ni Dra. Felman ng salamin. Nagtataka niya itong inabot at tiningnan ang sarili sa salamin, at ang una niyang napansin ay ang mata niya. Ang dating kulay abo, naging kasing-asul na ng malalim na dagat... katulad ng kay Clinton. Nanlaki ang mga mata niya at nanginginig na hinahawakan ang salamin. What I'm feeling is wrong... r-right?

"Clinton gave his iris to you." Naluluhang sabi ni Dra. Felman. Mas grumabe ang panginginig ni Autumn at tuluyan na niyang nabitawan ang salamin. Lumingon siya kay Dra. Felman at doon na nila nakitang tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha nito.

"H-how? What happened?" Parang bulong na na tanong ni Autumn. Parang nawala ang lakas niya sa sinabi nito. Para bang gusto niyang bumalik sa pagkatulog at baka lahat ng ito'y masamang panaginip lamang. Na pag-gising niya, ang unang boses niyang maririnig at ang unang mukha niyang makikita ay ang kay Clinton.

"Naghahanap siya ng taong pwedeng mag-donate ng iris for you." Sagot ni Dra. Felman na nagsimula na ring mapa-iyak. Nasanay siyang makita ang asul na matang 'yun sa mata ng itinuring niyang anak. Kaya mahirap sa kanyang makita ito sa ibang tao.

"Hindi kasi natuloy 'yung suppposed to be na magdo-donate for some family reason." Pagpapatuloy ni Dra. Felman. "Kaya pinuntahan niya lahat ng hospital na alam niya para maghanap ng new donor. Gabi na nun, nasa kalagitnaan na siya ng pagpunta sa next hospital nang napadaan siya sa isang intersection, at dun bumangga ang isang truck sa kotse niya. At bumangga ito sa side ng driver's seat. Brain and Lung hemorrhage ang naging reason ng pagkamatay niya. But before he died, may nasabi pa siya sa ambulance nurse. Five words: "Ang mata ko, kay Autumn"."

Napahawak ng mahigpit si Autumn sa bed sheet. Hindi niya kayang dalhin lahat ng narinig niya ngayon. Namatay ito kakahanap ng donor para sa kanya, at kahit sa huling hininga nito, siya pa rin ang inisip nito. It's all her fault, 'yan lang ang tumatakbo sa isip niya ngayon.

"Autumn? Autumn, are you okay?" Tanong ni Dra. Felman nang biglang hindi makahinga si Autumn. "Kumuha ka ng pampatulog." Sabi niya naman sa nurse na agad tumakbo para kunin ang pinag-utos.

"Doc, what's happening?" Tanong ng mommy ni Autumn na nasa tabi na nila ngayon.

"Masyado siyang nabigla sa narinig niya. Kailangan niya lang mag-relax kaya papatulugin lang namin siya sandali."

Agad bumalik 'yung nurse na may dala-dalang silver plate at may nakapatong na syringe. Agad tinurukan ni Dra. Felman si Autumn, at unti-unti itong nakatulog.

Blink --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon