Chapter 6

642 13 0
                                    

"Hmph! Nagsisinungaling ka naman eh." Sabi ni Autumn. Napadilat naman si Clinton.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ka naman gwapo. Ang panget mo nga eh."

"Aba! Baka mali lang 'yang pagramdam mo sa mukha ko. Hindi mo ba alam na maraming nagkakagusto sa 'kin sa school namin."

"Ang yabang mo!" Natatawang sabi ni Autumn.

"Hindi naman ako magyayabang kung hindi mo sinabing panget ako, insult kaya 'yan sa lahi namin!"

"Sinasabi ko lang naman kung ano 'yung tingin ko sa mukha mo."

"Sus. Kung hindi ka lang maganda eh." Bulong ni Clinton.

"Ha?"

"Wala."

"Anong wala? Narinig ko kaya."

"Narinig mo pala ba't mo tinanong?"

"Ang pilosopo mo" Sabi ni Autumn sabay pout.

"'Wag mo na kasing alamin." Natatawang sabi ni Clinton.

Biglang may nag-text kay Clinton kaya napahinto sila sa pag-uusap. Nag-text ang ate niya na pinapa-uwi na siya ng papa niya.

"Ahh Autumn, kailangan ko ng umalis. Pinapa-uwi na kasi ako sa 'min." Medyo nanghihinayang na sabi ni Clinton. Ayaw niya pa kasi talagang umalis, at sandali pa lang silang nagkakasama ni Autumn.

"Ganun ba. Okay, ingat ka ha."

"Sige, bye." Tumayo na si Clinton at sumakay na sa bike niya ng biglang...

"Sandali lang Clinton Gabriel!"

"Bakit? May sasabihin ka pa?"

"Pupunta ka rin ba rito bukas?"

"Oo. Sabi ko naman sa'yo lagi ako rito diba?"

"Sus! Alam kong hindi totoo 'yun."

Nagulat si Clinton. Pa'no niya nalamang nagsisinungaling ito?

"P-pero t-totoo 'yung dahilan ko ha." Pag-amin na lang nito. 'Yun lang naman kasi ang totoo sa dalawang 'yun at ayaw niyang masabihan siya na sinungaling ni Autumn. Ayaw niyang masira ang image niya rito.

"Sabi ko na nga ba." Natatawang sabi ni Autumn

"Pero promise! Nandito ako bukas, same time."

"Promise?"

"Oo, promise!"

"Sige, hihintayin kita."

Biglang napatigil si Clinton sa sinabing iyon ni Autumn. Hihintayin niya raw ako?

"'Wag kang mag-alala, 'di kita bibiguin." At sa isang saglit, nagpasalamat siyang bulag ito dahil hindi nito nakita ang pamumula niya at ang lumabas na ngiti mula sa mga labi niya.

***

"Sa'n ba hilig ang pamilya mo?" Tanong ni Autumn kay Clinton. Nasabi kasi nito sa kanya na siya lang ang mahilig sa arts sa pamilya nila.

Ilang araw na ring nagkikita lagi si Clinton at Autumn sa sea wall. Sa parehang oras pa rin, tuwing uwian ni Clinton mula sa school. Nagtataka na rin ang pamilya ni Clinton kung bakit natatagalan ito sa pag-uwi. Halos lahat sa kanila ay naniniwalang may tinatago itong girlfriend. Nagsasawa na nga siya sa kakasabi ng "Wala nga akong girlfriend!". How I wish na totoo 'yang sinasabi niyo.

"Sa side ng papa ko, pagtatanim ng kung ano-anong prutas. Family business na nila 'yan. Bawat isa sa kanilang magkakapatid ay may mga pinamana talagang mga lupa para sa plantation nila. 'Yung ate ko ang nagmana sa papa ko. Sa side naman ng mama ko, halos karamihan sa kanila mga abogado. Kahit 'yung mama ko, lawyer rin siya dati. Tumigil lang siya nung nag-exist na kami. At mukhang sumusunod sa yapak niya ang bunso kong kapatid. Ang galing kasi mag-analyze at ang talino rin. At kahit hindi mo pa sinasabi, alam niya na ang sasabihin mo."

"Ilang taon na ba ang bunso niyo?"

"Seven"

"Talaga?! Wow! Gusto kong makilala 'yang kapatid mo!" Hangang-hanga na sabi ni Autumn.

"Sige ba! Isasama ko siya rito kapag may oras."

"Sige ha, aasahan ko 'yan."

"Ikaw, ano ba hilig mo?"

"Music. Marunong akong mag-piano." Hindi na nagulat si Clinton sa sinagot ni Autumn. Alam niya na kasi at nakita niya na rin itong mag-piano.

"Talaga?" Pagpapanggap ni Clinton na ngayon niya lang nalaman. "Pa'no ka naman natuto?"

"Kung si Beethoven nga nagawa pang mag-piano kahit bingi na siya, ako pa kaya."

"Eh nakakakita parin siya kaya medyo madali."

"Malakas nga ang pakiramdam ko diba."

"Eh...? Kahit na, parang 'di ko ma-imagine." Kahit nakita na ng mismong dalawang mata niya na nakakapag-piano si Autumn, malaking tanong pa rin sa isipan niya kung pa'no ito natuto.

"Clinton Gabriel, kung gusto mo 'yung ginagawa mo, walang kahit anong kapansanan ang makakapigil sa'yo."

Napa-isip si Clinton. Totoo nga naman, lalo na kung pangarap mo talaga 'yun at 'yun ang makakapag-pasaya sa'yo.

"Pwede ba kitang marinig tumugtog ng piano?" Tanong ni Clinton ng hindi man lang nag-iisip. Nagulat pa nga siya sa sarili niya.

"Oo naman!" Masayang sagot ni Autumn. "Kailan mo ba gusto?"

"Kailan ba pwede?"

"Kahit anong araw naman pwede ako eh."

"Ganun?" Napa-isip sandali si Clinton. At naalala niya ang debut ng ate niya. "Ah! Alam ko na, pumunta ka na lang sa debut ng ate ko."

"Debut?"

"Debut, 18th birthday, pagdadalaga! Isabay na lang din natin ang pakikipagkita mo sa bunso namin."

"Gusto ko sana kaso..."

"Kaso...?" "Kaso 'di ako papayagan" Sana naman 'wag 'yan!

"...kailangan ko munang magpa-alam." Nakahinga naman ng maluwag si Clinton. "Kaso..."

"Kaso na naman?!"

"...kailangan ikaw ang magpa-alam sa kanila." At bumalik ulit ang kaba ni Clinton, mas sumobra pa.    

Blink --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon