Chapter 37

395 9 0
                                    

Nagising si Autumn dahil sa bulungan na naririnig niya. At first, hindi niya narinig ang mga pinagsasasabi nito. Ganito naman lagi simula nung mabulag siya uli. Kapag kakagising niya lang, masyadong mahina ang ingay sa paligid, minsan nga wala siyang marinig. Pero bumabalik naman pagkatapos ng mga ilang minuto. Kakabit rin nito ang panghihina ng katawan at pag-sakit ng ulo niya. Pakiramdam niya tumakbo siya magdamag dahil sa sobrang hina at sakit ng katawan niya, at 'yung ulo niya na minsan halos mabasag na ang bungo sa sobrang sakit. Pero hindi pa 'yan ang pinaka-malalang sakit ng ulo na naranasan niya simula nung magka-sakit siya. Ang pinakamalala ay parang pinupokpok ng lahat ng mabibigat na bagay sa mundo ang utak niya kasabay isunog ito sa kumukulong apoy.

Matapos ang ilang minuto, na-recognize ni Autumn ang mga boses. Galing kay Sophie at Donna. At ang narinig niya na lang ay ang pagbanggit nila sa pangalan ni Clinton.

"Sophie?" Pagtawag niya sa pinsan. Narinig niya namang lumapit ito papalapit sa kanya. "Anong oras na? Ba't gising pa rin kayo?"

"Malapit ng mag-eleven, cous. Matulog ka na lang ulit. Alam mo namang nocturnal 'tong cousin mo." Hindi sigurado si Autumn pero parang may tensyon siyang naririnig mula sa boses ng pinsan.

"Ikaw naman Donna? Ba't nandito ka pa rin?"

"Umm... m-may emergency sa isa niyang pasyente kaya hindi pa siya makaka-uwi. Kaya binisita ka na lang muna niya sandali." Pagsagot ni Sophie imbis na si Donna.

"Si Clinton Gabriel?" Tanong niya nung maalala ang kasintahan at ang pangako nitong babalik agad. Pagkatapos ng pag-uusap nila sa telepono, nakaramdam kaagad siya ng kaba out of nowhere. Pero binalewala niya lang ito dahil ayaw niyang mag-isip ng masasamang bagay. Pinangako niya 'yun kay Clinton. Natahimik muna sandali at sa sandaling iyon, may narinig siyang nag-sniff. Umiiyak?

"N-nakabalik na s-siya nung natutulog ka pa. Kaso... u-umalis muna agad sandali. Kaya sige na, matulog ka na lang --" Napahinto sa pagsasalita si Sophie ng biglang napasigaw si Autumn. Umaandar na naman ang sobrang sakit ng ulo niya. Naramdaman niyang hinawakan siya ng pinsan at maya-maya lang, narinig na niya ang boses ni Dra. Felman.

"Sinabi niyo ba?" Tanong ni Dra. Felman.

"No, doc." Sagot ni Donna na ang boses ay parang kakagaling lang sa pag-iyak.

Maya-maya lang din ay may naramdaman siyang tumusok sa balikat niya. At bago nawalan ng malay, naramdaman niyang binigkas niya ang pangalan ni Clinton.

Pagkatulog na pagkatulog ni Autumn ay lumabas agad ng kwarto nito si Donna kasabay na rin si Dra. Felman. Dumiretso sila sa ICU, kung saan nandun si Clinton.

Nasa kalagitnaan ng paghahanap ng iris donor si Clinton nung biglang binangga ng isang truck ang minamaneho niyang kotse. At bumangga pa ito sa driver's seat. Si Ryan ang unang nakaalam ng pangyayari. Napadaan kasi siya sa emegency room habang papa-uwi at nakita niya doon si Clinton na walang malay at duguan. Agad niyang pinalitan ang doctor na umaasikaso nito at siya ang nag-handle. Sa kabilang bayan daw nangyari ang trahedya pero sa kanila napunta ang emergency call dahil hindi naman daw ito masyadong kalayuan.

Pagkarating nila Donna sa ICU, nandun na ang buong pamilya ni Clinton, pati na rin ang barkada nila. Umiiyak ang nanay ni Clinton habang nandun naman ang papa nito para patahanin ang asawa. Ngunit halata sa mukha nito ang takot at pag-aalala. Umiiyak rin sa takot at pag-aalala si Jenny at Gia na nandun rin naman ang asawa para i-comfort ito. Napansin naman sila ni James at agad silang nilapitan nito.

"Kumusta si Autumn?" Unang tanong nito.

"Umatake sandali ang sakit. Pero tinurukan na namin ng pampatulog." Pagod na sagot ni Donna.

"Kumusta na si Clinton, Dr. Ramirez?" Tanong ni Dra. Felman kay Ryan na sumunod pala kay James.

"May internal bleeding sa brain at lungs. Kanina pa namin sinusubukang pigilan pero humihina lang pagkatapos, bibilis ulit." Mukhang kalmado pang ito kung magsalita, pero halata sa mukha nito ang takot at pag-aalala para sa kaibigan. Mas lalo naman silang nag-alala lahat dahil sa sinabi ni Ryan.

"Puntahan ko muna ang family ni Clinton." Paalam ni Ryan sabay pumunta sa mga ito.

"Ako rin. Puntahan ko lang sila Sara." Ganun rin si James sabay alis. Nanatili lang sa kinatatayuan nila sila Donna at Dra. Felman ng biglang may nag-approach sa kanila. Sa itsura ng damit nito ay parang isa itong ambulance nurse galing 911.

"Kasama po ba kayo ng pasyente?" Tanong nito sa kanila.

"Yes. Kaibigan niya kami. May kailangan ka ba?" Sagot at tanong ni Donna rito.

"Isa po ako sa nurse na gumamot sa kanya habang papunta kami rito sa hospital. Before po kasi siya nawalan ng malay, may pinapasabi po siya sa inyo." Sagot nito.

"At ano daw 'yun?" Pagtataka ni Dra. Felman. Nag-isip muna sandali and nurse na para bang inaalala ang mga binigkas ni Clinton.

"Ibigay niyo po raw ang iris niya kay... Autumn." Pagkatapos nitong sabihin ito, agad na rin itong nagpaalam para umalis. Habang si Dra. Felman at Donna naman, natigilan sa sinagot nang nurse. Hindi rin makapaniwala si Donna na tototohanin ni Clinton ang sinabing kaya nitong isakripisyo ang buhay para lang kay Autumn. Hindi niya rin maiwasang isipin na baka sinadya pa nga 'to ni Clinton lahat para lang mabuhay ang kasintahan.

Napansin nila Donna at Dra. Felman na nagpapanic na pumasok sa loob ng ICU room si Ryan at kasabay nito ang pagpapanic na rin ng pamilya ni Clinton. Nilapitan nila ito at kitang-kita nila mula sa glass window ng kwarto ang mabilis na paga-asekaso ng mga nurse at ni Ryan kay Clinton para malipat sa Operating Room.

"Another internal bleeding." Halos mangiyak-ngiyak na bulong ni Dra. Felman. Parang alam niya na ang susunod na mangyayari pagkatapos nito, matapos niyang malaman ang huling habilin nito.

Si Donna naman, nakatitig lang kay Clinton. Ka-colleague niya, kaibigan niya, mahal niya. Ang unfair mo Clinton. Sabi niya sa isipan niya. Hindi lang naman si Autumn ang nagmamahal sa'yo. And for sure, ayaw niya rin na mangayari sa iyo 'to. Everyone might see this as a selfless act, but this is selfish Clinton. Hindi mo na inisip ang nararamdaman nang iba, sadya man 'to o hindi.

"I never thought I will hate you like this, Arellano." Bulong ni Donna sa sarili na naging sanhi ng paglingon ni Dra. Felman sa kanya.

"He just really love her so badly." Sabi sa kanya ni Dra. Felman.

"But that doesn't mean na kailangan niyang gawin 'to." Galit na bulong ni Donna.

"Love and sacrifice are connected, Donna. One can't sacrifice if he or she is not in love."

At sa sinabing iyon ni Dra. Felman, may na-realize si Donna. Dapat siya ang mas nakakaintindi sa gagawin ni Clinton dahil ginawa niya na rin ang ginagawa ngayon nito. Sacrificing because of love. Nagawa niya ng i-sakripisyo ang sarili niyang nararamdaman para lang sa lalakeng mahal niya, para lang sa kaligayahan nito.

"His decision might be hard for our part. But if that what makes him happy, we can't do anything about it."

Blink --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon