Chapter 17

408 10 0
                                    

Nasa Waiting Room si Clinton. Nakahanap siya ng outlet kaya sinaksak niya ang charger rito at sabay nanginginig na tine-text ang parents niya na matatagalan siya sa pag-uwi. Sobrang lakas kasi ng aircon rito at basang-basa pa siya, pakiramdam niya malapit na siyang mag-yelo sa kinauupuan niya.

"Mag-bihis ka na muna, Clinton." Sabi ng mommy ni Autumn na may dala-dalang damit para kay Clinton, na kakapasok lang din.

"Sa'n... niyo po nakuha ang... mga damit na... 'yan?" Tanong ni Clinton habang nanginginig.

"Pinabili ko sa driver namin. Sige na, mag-bihis ka na at baka magka-sakit ka pa."

"Salamat po." Sabi ni Clinton sabay kuha sa damit at punta ng rest room. Medyo binilisan niya ang pagbihis dahil baka lumabas na 'yung doctor. Pagkabalik niya, nakita niyang nakalabas na ang painting niya at tinitingnan ito ng mommy ni Autumn ngayon. Nakita naman siya nito agad.

"Tapos ka na pa lang mag-bihis." Napansin ng mommy ni Autumn kung sa'n nakatingin si Clinton kaya agad siyang nagpaliwanag. "Pasensya ka na kung pinaki-alaman ko ang gamit mo. Medyo nakabukas kasi 'yung bag mo at nakita ko ang mukha ni Autumn sa painting, kaya kinuha ko at tiningnan."

"Ayos lang po." Sagot niya habang umuupo sa bakanteng upuang nasa harap ng lamesang pumapagitna sa kanila.

"Alam ba niyang pinaint mo siya?"

"Hindi ko po sinabi sa kanya."

"Para sa'n ba 'to?"

"Final project po namin 'yan."

"Talaga? Ano ba'ng concept niyo at si Autumn ang naisipan mong i-paint?"

"Sino or ano po raw ang pinaka-magandang bagay para sa'yo." Napangiti naman ang mommy ni Autumn sa sinagot nito.

"Salamat nga pala ha."

"Para sa'n po?" Pagtataka ni Clinton.

"Para sa pag-punta rito. Hindi mo inalinta ang ulan at kung mababasa ka man, basta makapunta ka lang dito. Alam mo ba'ng hinintay ka talaga niya."

"'Yan po ang dahilan kaya sinikap ko ang pagpunta rito. Kasi ayokong mag-hintay siya sa wala at madisappoint."

"Salamat rin sa pagmamahal mo sa kanya, Clinton." Nata-touch na sinabi ng mommy ni Autumn.

"Hindi niyo na po kailangang mag-pasalamat. Kasi willing naman po akong mahalin siya ng walang kahit ano mang kapalit."

Na-interrupt sila sa pag-uusap ng biglang pumasok ang daddy ni Autumn kasama ang doctor na nag-opera sa kanya. Mukhang natapos na ang operation. Napatayo naman si Clinton at ang mommy ni Autumn ng pumasok sila.

"Kumusta po ang anak ko?" Tanong agad ng mommy ni Autumn sa doctor.

"Successful naman po ang operation, kaya maayos po ang lagay ng anak niyo. Hintayin na lang natin ang magiging resulta. At kapag naging succesful ang operation na ito, paalala lang ulit na kailangan niya pa ring magpa-check-up once a week. At magpapatulo na rin ng eye medicine para hindi lumabo ang paningin ng pasyente."

"Ano po ba'ng mangyayari kung hindi maging successful 'yung gamot?" Tanong ni Clinton.

"Wala namang side effects ang gamot kung hindi magiging successful. Kaya wala kang dapat alalahanin." Napansin ng daddy ni Autumn ang hawak ng asawa niya na painting at nagtaka ito, at the same time, parang na-impress rin.

"Pwede na ba namin siyang makita?" Tanong ng mommy niya.

"Sure. Nandun na siya sa room niya." Agad lumabas si Clinton at ang mommy ni Autumn patungo sa room nito. Habang ang daddy niya ay nanatili sa Waiting Room kasama ang doctor.

Pagkarating nila, agad tinabihan ng mommy niya si Autumn. Nakatabon ng bandage ang mga mata nito pero halatang wala itong malay. Hinawakan ng mommy niya ang kamay nito. Hindi ito nag-salita, tinititigan lang nito ang anak niya. Maya-maya lang, tumayo na ito at hinarap si Clinton. Halatang umiyak ito dahil sa namamagang mata.

"Clinton, pwedeng dito ka muna sandali? May kukunin lang ako sa labas." Request nito.

"Sige po, tita." At lumabas na ang mommy ni Autumn mula sa kwarto.

Umupo si Clinton sa upuan sa tabi ng higaan ni Autumn. Kinuha niya ang kamay nito at hinalikan. Para siyang anghel kung matulog.

"Hi Autumn." Bati niya rito. "Kumusta ka? Kumusta ang operation mo? Masakit ba? Sana hindi masyado. Pero siguradong nakaya mo naman diba?" Biglang may naalala si Clinton na kailangan niyang ibigay kay Autumn, kaya kinuha niya 'to agad sa bulsa niya.

"Siya nga pala, Autumn. Pina-develop ni mama 'yung mga picture natin pagkabigay ko sa kanya. Dalawang copy bawat isang picture, kasi para sa'yo 'yung isa. Eto o." Nilagay niya sa kamay nito ang envelope na kinalalagyan ng mga picture. "Para kung nami-miss mo 'ko, tingnan mo lang 'yan. At tutal makakakita ka na rin naman diba?" Nilagay niya ang ulo niya malapit sa tenga ni Autumn, para malapit rito ang bibig niya. Amoy na amoy niya na naman ang amoy strawberry nitong buhok. At hinding-hindi siya magsasawang ma-amoy ito mula kay Autumn.

"Excited na 'kong makakita ka, Autumn. Gusto ko ng makita kung ano ang magiging itsura mo kapag nakita mo na ulit ang mundo, 'yung sinabi mong gusto mong makita, at makita ako." Huminga siya ng malalim at hinalikan si Autumn sa pisngi. At inulit-ulit niyang binigkas ang salitang "I love you".

Blink --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon