Chapter 14

438 10 0
                                    

Nasa sea wall sila ngayon, parehas silang nakaharap sa dagat. Nasa pagitan ng legs ni Clinton naka-upo si Autumn, habang yakap-yakap siya nito mula sa likod. Nasa buhok nito ang ulo niya kaya amoy na amoy na naman niya ang amoy ni Autumn.

"Clinton Gabriel, may itatanong ako sa'yo." Sabi ni Autumn. Kinuha niya ang kamay ni Clinton na nasa tiyan niya at nilaro-laro ito.

"Kahit ano." Sagot naman nito.

"Gusto mo ba 'kong makakita?" Agad napalingun si Clinton sa kanya.

"Anong klaseng tanong 'yan? Syempre, oo. Bakit mo naman natanong?"

"Eh kasi... may inalok sa 'kin si daddy. Actually, dati pa 'to, bago pa kita makilala." Napahinto muna siya sandali, pero nakikinig pa rin si Clinton sa kanya. At nagpatuloy siya. "May kakilala siyang doctor na gumagawa ng gamot para sa mga bulag. Para raw hindi na kami mangailangan ng corneal transplant. Nasubukan na raw nila ito sa mga hayop at naging successful naman daw. Kailangan na lang daw ng isang tao talaga para masubukan kung effective nga ba ang gamot." Napahinto ulit siya.

"At inalok ka ng daddy mo na ikaw ang taong pagsusubukan nila ng gamot na 'yun?" Panghuhula ni Clinton sa susunod niyang sasabihin.

"Ganun na nga. Nung una, ayokong pumayag. Kasi baka dahil jan ay umasa ako sa wala, baka kasi hindi gumana."

"Well, at least, masusubukan mo. At malay mo, gumana talaga. Ano ba'ng nakapagpabago ng desisyon mo?"

"Kasi gusto kong makita kung ano ang itsura ng sea wall." Paninimula niya. "Gusto kong makita ulit si mommy at daddy. Gusto kong makita si Jenny, pati na rin si Ate Gia at ang parents mo. Gusto kong makita ang grandparents mo at ang grape plantation ng lolo mo. Makita kung pa'no mapiga 'yung mga grapes na tinatapakan natin. Pati kung ano ang itsura ng paligid kapag nagba-bike tayo. Tyaka..." Biglang napahinto si Autumn.

"Tyaka...? Ano?" Tanong ni Clinton. Habang sinasabi 'yun lahat ni Autumn ay nakatingin lang siya sa magandang mukha nito, na laging nakatingin sa malayo.

"Ikaw." Sagot ni Autumn. Natigilan naman si Clinton sa sinagot nito.

"Ako?" Pagtataka niya.

"Oo, ikaw, Clinton Gabriel. Gusto kitang makita. Gusto kong makita ang sinasabi mong gwapo mong mukha. Gusto kong makita kong pa'no nililipad ng hangin ang buhok mo kapag nagba-bike ka. Gusto kong makita kung pa'no ka mag-paint. Kung pa'no ka tumawa, ngumiti, at kung pa'no mo 'ko tingnan gamit ang kulay asul mong mata."

Napangiti sa saya ng naramdaman niya si Clinton nung narinig niya ang sinabi ni Autumn. Hinalikan niya sa pisngi si Autumn at pagkatapos ay sa gilid ng ulo kung sa'n nanatili na dun ang labi niya kahit nung nag-salita siya.

"Gusto ko ring makita mo kung ga'no kita kamahal, Autumn. At gusto ko rin makita mo kung gaano ako sasaya kapag nakita mo na ang mga gusto mong makita." Sincere at mula sa puso niyang sagot rito. "Kailan nga pala nila ita-try sa'yo ang gamot?"

"Bukas, alas tres ng hapon. Operation rin daw ang proseso."

"Agad-agad pala." Hinarap ni Autumn si Clinton at niyakap ito ng napaka-higpit.

"Pwede ba'ng bago ako operahan ay nandun ka?"

"Kahit hindi mo sabihin, gagawin ko talaga 'yan." Humiwalay siya mula kay Autumn. At hinalikan ito sa noo, "I..." sa pisngi, "love..." sa ilong, "you..." at sa labi kung saan pinaka-matagal ang halik niya "My Autumn."

Hinalikan din siya ulit ni Autumn sa labi. Gusto niya ring makita ang labing 'to na kasing-lambot ng unan, na laging puno ng pagmamahal kapag nalalapat sa labi niya.

"I love you, too, Clinton Gabriel." Nakangiting nakatitig lang sila sa isa't-isa ng may biglang naalala si Clinton.

"Oo nga pala, may dala akong camera."

"Camera? Anong gagawin natin sa camera?" Pagtataka niya.

"Magpapa-picture tayong dalawa. Sinabihan kasi ako ni mama na gusto niyang magkaroon ng picture nating dalawa sa bahay." Sabi niya habang hinahanda 'yung camera na pinadala ng mama niya. "Ikaw daw kasi ang una kong girlfriend at parte ka na rin ng pamilya kaya dapat may picture ka dun sa bahay."

"Ang sarap sa pakiramdam na halos lahat ng member ng pamilya mo ay tanggap ako. Alam mo ba'ng bago mo 'ko pinakilala sa kanila, eh, natatakot ako na baka hindi nila ako magustuhan."

"Kahit hindi ka nila nagustuhan, kailangan ka pa rin nilang gustuhin. Tyaka ano namang idadahilan nila kung hindi ka nga nila nagustuhan?" Natapos na niyang i-ayos ang camera sa tripod sa harap nilang dalawa kaya umupu na ulit siya sa tabi ni Autumn.

"Maaring dahil sa kapansanan ko." Pagpapatuloy ni Autumn.

"Kung ganun nga ang nangyari, baka first time kong makapektus ng kapamilya ko." Parehas naman silang natawa sa birong ito ni Clinton. "O sige na, nagsisimula na 'yung timer." Parehas nilang hinanda ang sarili. At nung bumilis na ang tunog ng timer, meaning na malapit ng mag-capture, parehas na silang nag-smile.

"Say I-love-you-so-much-Autumn-Gutierez" Natawa naman si Autumn, pero sinabi niya pa rin ito, sa sarili niyang version.

"I-love-you-so-much-Clinton-Gabriel-Arellano" 

Blink --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon