Pagkarating ni Clinton sa sea wall, nandun na si Autumn. Naka-upo siya habang nililipad ng hangin ang buhok niya. Napangiti si Clinton nung nakita niya ito. Laging lumalakas ang kabog ng puso niya kapag nakikita niya si Autumn. Pero hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa saya. Nilapitan niya 'to agad.
"Clinton Gabriel? Ikaw na ba 'yan?" Tanong ni Autumn nung papalapit pa lang si Clinton sa kanya.
"Oo, ako 'to." Lumiwanag ang mukha ni Autumn nung narinig niya ang boses ni Clinton. "Pinaghintay ba kita ng matagal?"
"Hindi naman, ngayon lang din kasi ako rito. Dala mo ba ang bike mo?"
"Hindi, nag-kotse ako. So, alis na tayo?"
"Sige. Ituturo ko na lang sa'yo sa daan ang bahay namin." Um-oo na lang si Clinton. Hindi niya na sinabi na alam niya na kung nasa'n ang bahay nito dahil hindi niya pa nasasabi ang tungkol dito.
Habang nasa daan, tinanong ni Autumn si Clinton kung bakit hindi ito nag-bike.
"'Di raw kasi bagay sa damit ko sabi ni papa. Kaya pinahiram niya sa 'kin ang kotse."
"Bakit, ano ba'ng suot mo?"
"Ahh... naka-formal kasi ako." Medyo nahihiyang sagot ni Clinton.
"Talaga? Pinaghandaan mo pala talaga 'to. Sayang 'di kita makita." Kahit nakangiti pa rin ito, halata na naman sa boses ni Autumn ang lungkot. At kapag nangyayari 'to, pakiramdam ni Clinton nasa isang planeta siya na siya lang mag-isa, sobrang lungkot.
"'Wag kang mag-alala, 'di naman ako pumapangit kapag naka-formal ako eh" Tumawa si Autumn. Ayan. Mas maganda pakinggan ang tawa mo.
"Pwedeng mag-request?" Tanong ni Autumn matapos ang mahabang katahimikan.
"Sure. Kahit ano." Basta ikaw.
"Pwedeng bike lang ang lagi mong gamitin?"
"Ha? Bakit naman?" Pagtataka ni Clinton.
"'Yung bell kasi ng bike mo ang palatandaan ko na paparating ka na."
"Diba sabi mo nararamdaman mo ko at nalalaman mong ako 'yun kahit hindi ako magparamdam sa'yo at magsalita? Ba't kailangan mo pa ng bell ng bike ko?"
"Nararamdaman lang kita kapag malapit ka na. Pero kapag malayo ka pa, ang bell ang nag-aassure sa 'kin na ikaw 'yung dumadating. Kapag naririnig ko ang bell ng bike mo, pakiramdam ko safe na 'ko kasi alam kong nandyan ka na." Napangiti si Clinton. Nagustuhan niya kasi ang sinabi ni Autumn, pakiramdam niya siya ang guardian angel ni Autumn dahil sa sinabi nito.
"O sige, promise ko sa'yo lagi na 'kong magba-bike."
"Thank you." Always "Teka, nasa'n na pala tayo?"
"Nasa may gasoline station, malapit sa 7/11"
"Kapag may crossing tayong nadaanan, kumaliwa ka. Pagkatapos..." Habang dinedemo ni Autumn ang daan, sinasabi rin ito ni Clinton sa isip niya.
... may puno ng balete sa kanto at kakanan ka tapos may makikita kang white gate.
"'Yung white gate, 'yun na 'yung bahay namin." Napatawa na lang ng mahina si Clinton dahil kahit isang beses pa siyang nakapunta sa bahay nila Autumn, memorize niya parin ang daan patungo rito.
"Ba't ka napatawa?" Tanong ni Autumn.
"Bilib kasi ako sa'yo. Kahit bulag ka, alam mo pa rin kung ano ang mga daan patungo sa bahay niyo." Pagdadahilan ni Clinton. Pero kahit papa'no totoo pa rin naman. Lagi naman kasi talaga siyang pinapabilib ni Autumn.
BINABASA MO ANG
Blink --- COMPLETED
Romance[TAGALOG STORY] A love story that happened in a blink of an eye. ***Again, pagpasensyahan ang WRONG GRAMMAR, TYPOS, at kung ano ano pa HAHAHAHA XD
