Chapter 4

801 20 2
                                    

Binuksan nang babae ang pimtuan ng balkonahe at naglakad papalapit kay Clinton. Hindi rin alam ni Clinton ang gagawin niya, at hindi niya rin alam kung bakit bigla siyang nanigas sa kinatatayuan niya. Huminto ang babae sa mismong harap niya, sobrang lapit nila sa isa't-isa. Mas lalong hindi nakagalaw si Clinton. Ano ba'ng nangyayari sa 'kin?

Akala ni Clinton hindi na siya tuluyang mabubuking, pero biglang tumunog ang cellphone niya.

"Sino ka?" Tanong nung babae.

Natatarantang pinatay ni Clinton ang cellphone niya. Pahamak na James!

"Kuya Bert, ikaw ba 'yan?" Tanong ulit nung babae. At 'di na nagdalawang-isip na umalis si Clinton. Bigla na siyang nakagalaw at agad-agad sumakay ng bike at lumabas ng bahay.

Kinabukasan. Naka-upo sa sea wall si Clinton. Sini-sketch niya ang dagat, ang magagandang bundok, isang highway na sa baba nito ay isang dalampasigan, at ang kulay apoy na sunset. Isa kasi 'to sa naisip niyang i-paint para sa final project nila. 'Yung isa naman ay 'yung grape plantation ng lolo niya. Napag-desisyunan niyang i-paint ang dalawa at tatanungin niya ang pamilya niya kung sa'n ang mas magandang ipasa para sa final project.

Ang pamilya niya kasi ang judge ng mga paintings niya, lalo na ang bunso niyang kapatid na si Jenny. Kapag nakikita niyang nagpi-paint ang kuya niya, tinitingnan niya kung pa'no ito mag-paint at jina-judge pa ito. May isang beses nga, ginawa niyang model ang bahay ng kapit-bahay nila, pero ginawa niyang abstract ang painting. Kaya si Jenny, sabi ng sabi na mali daw ang painting niya at hindi raw ito katulad ng bahay ng kapit-bahay nila. Sinabihan naman siya ni Clinton na talagang hindi ito katulad ng bahay ng kapit-bahay nila dahil abstract ang ginagawa niyang painting.

"Eh ba't ka pa naghanap ng magiging model kung 'di mo rin pala gagayahin?"

"Ganyan talaga 'pag artist, ginagawa mong kaka-iba ang ordinary."

"Eh diba sabi mo na 'pag artist ka, kailangan mong mag-isip ng kung ano-ano. Dapat nag-isip ka na lang. Kaysa naghanap ka ng model pero 'di mo naman ginaya. Parang 'di mo na rin in-appreciate ang kagandahan at uniqueness ng bagay na 'yun."

Tapos ay umalis si Jenny. Seven years old palang ang batang 'yun pero parang 70 years old na kung mag-isip. Pero may point rin naman si Jenny. Kasi lahat ng bagay sa mundo ay unique na kailangan nating i-appreciate.

Nagpatuloy lang sa pag-sketch si Clinton ng biglang may nakita siya sa peripheral vision niya na papunta sa kinaroroonan niya. Napalingun siya rito. Habang papalapit ang babae, nare-recognize rin siya ni Clinton. Bakit lagi na lang niyang nakikita ang babaeng ito?

Umupo ang babae sa sea wall. Nakaharap ang babae sa may kalsada habang si Clinton naman ay sa dagat. 'Di ma-alis ni Clinton ang tingin sa babae. Parang may kung anong magnet sa babae. Hindi nagsasalita si Clinton, kaya nagulat siya ng biglang nag-salita ang babae.

"Hi" Sabi nung babae.

"Ahh... hi." Hindi siguradong tugon naman ni Clinton. Napansin ni Clinton na biglang napa-isip ang babae pagkatapos niyang mag-salita.

"Pamilyar ang boses mo. Nagkita na ba tayo dati?" Nagulat naman si Clinton na naalala pa nito ang boses niya. Nagdadalawang-isip rin siya kung magpapakilala siya rito o hindi.

"Ah! Naalala ko na!" Biglang sabi nung babae. Bigla namang kinabahan si Clinton. "Ikaw 'yung nakasakay sa bike na binigyan ko ng band aid."

"Bulag ka ba talaga?" Tanong ni Clinton na hindi man lang nag-iisip. Napatawa naman ng mahina ang babae.

"Oo, bulag ako. Matalas lang talaga ang memorya ko pagdating sa boses at tunog kahit isang beses ko pa 'tong naririnig."

"Eh ba't nalalaman mong may tao sa harap mo kahit hindi naman sila nagpapa-ramdam sa'yo?" At pinagsisihan agad ni Clinton na tinanong niya 'yun. Ang tanga ko rin noh! Baka malaman nito na ako 'yung nasa bahay nila kahapon!

"Kahit hindi sila nagpaparamdam, nararamdaman ko naman ang presensya nila." Hinintay ni Clinton na may sabihin pa siya tungkol sa bahay nila kahapon. Pero wala na itong iba pang sinabi kundi 'yun lang. Mukhang 'di pa siya nakikilala nito.

"Ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong ng babae.

"Ahh... ano... Clinton. Ikaw?"

"Autumn."

"Autumn?" Tumango ito.

"Ipinanganak kasi ako sa panahon ng tag-lagas. Tyaka paboritong panahon ng mommy ko ang autumn."

Kasing-ganda mo rin ang tag-lagas. Agad naman pinigilan ni Clinton ang sarili niya sa pagsabi nun at ang tangi niya na lang sinabi ay "Ahh."

"Ikaw? Sa'n galing ang pangalan mo?" Ang rami ring tanong ng Autumn na 'to ha. Pero sa 'di malamang dahilan, gusto ni Clinton na nagtatanong siya, o kahit magsalita lang. Napaka-ganda kasi pakinggan ang mala-anghel sa hinhin niyang boses.

"Galing sa dalawang lolo ko. Clinton Gabriel kasi talaga ang pangalan ko."

"Ang ganda naman ng pangalan mo. Malalim pa ang pinagkunan."

"Sa'yo rin naman ha." Sabi ni Clinton na hindi na naman nag-iisip.

"Talaga?" Halata sa boses ni Autumn ang pagka-sabik.

"Ahh... oo. Bagay sa mukha mo." Again. Bakit ayaw makipag-cooperate ng utak ko sa bibig ko ngayon?!

"Ha? Pa'no mo naman nasabi 'yan?"

"H-ha? A-anong ibig mong s-sabihin?"

"Sabi mo kasi na bagay sa mukha ko ang pangalan ko."

"S-sinabi ko b-ba 'yun?" Pagmama-angmangan ni Clinton.

"Bulag lang ako, Clinton Gabriel. Hindi ako bingi."

Napabuntong-hininga si Clinton.

"K-kasi..." Paghe-hesitate niya. "Kasi... ano... katulad ng tag-lagas kung sa'n kinuha ang pangalan mo... maganda rin ang mukha mo."

Yumuko si Clinton pagkatapos niyang sabihin 'yun para itago ang namumula niyang pisngi. Na para bang makikita ito ni Autumn. At nung ini-angat niya ulit ang ulo niya, may hangin na dumampi sa buhok ni Autumn at natabunan nito ang maganda niyang mukha.

"Ano nga pala ang ginagawa mo rito?" Tanong ni Autumn matapos ang mahabang katahimikan.

"Ipipinta ko sana ang dagat."

Parang napukaw ang atensyon ni Autumn nung narinig niya ang salitang pinta.

"Nagpipinta ka?" Sabik niyang tanong.

"Oo. Bakit, pangarap mo ba ang mag-pinta?"

"Oo. Kaso nga lang, bulag ako, kaya hindi pwede."

Nahalata ni Clinton ang lungkot sa boses ni Autumn. Napa-isip siya bigla. Ang hirap siguro i-sacrifice ang pangarap dahil lang sa may kapansanan ka na hindi mo ginusto. Or 'yung kahit anong circumstances na kailangan mo talaga itong i-sakripisyo. At habang iniisip niya 'to, biglang may pumasok na idea kay Clinton.

"'Wag kang gumalaw." Out of the blue na sinabi ni Clinton.

"Ha? Bakit?" Pagtataka naman ni Autumn.

"Basta 'wag kang gumalaw hangga't 'di ko sinasabi."

"Baka hoholdapin mo 'ko ha. Wala akong dalang pera." Pagbibiro ni Autumn.

"Hindi noh. Basta 'wag ka lang gumalaw." Medyo natatawa namang sagot ni Clinton.

Pinunit ni Clinton ang nasimulan niyang sketch kanina mula sa kanyang sketch book at itinapon. Ngayon, sure na siya kung sino ang magiging model niya para sa final project.

"Pwedeng mag-salita?" Tanong ni Autumn.

"Oo, mas maganda nga kung magsasalita ka." Para maganahan ako sa pagpinta.

Blink --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon