Chapter 26

449 11 0
                                        

Papunta ngayon si Donna sa clinic ni Clinton. Bukas na sila aalis para sa medical mission kaya gusto niyang maka-bonding ito ngayon. Isang buwan niya rin kasi itong hindi makikita. Ngunit nagulat si Donna ng hindi lang ang secretary ni Clinton ang nakita niya, pati isang babaeng foreigner.

"Uhh... sino siya, Sandra?" Tanong niya sa secretary ni Clinton.

"Manager po siya ng pasyente ni Dr. Arellano, doc." Sagot nito.

"Manager? Ano'ng pangalan nung pasyente?"

"Autumn Gutierez po, doc." Nakalimutan niyang ngayon pala magkikita si Clinton at Autumn.

"Nandyan ba sila sa loob?" Tanong ni Donna.

"Wala po. Pumunta po sila sa garden."

"Ahh. Sige, salamat." Lumingon siya sa foreigner at binati ito, binati rin naman siya nito. At lumabas siya ng clinic para pumunta ng garden.

Hinanap niya pa ang mga ito sandali bago niya nakita na naka-upo sa bench, sa parteng wala masyadong tao. Magkaharap sila sa isa't-isa at nakatalikod si Autumn mula sa kanya kaya kitang-kita niya si Clinton. Nakapulupot ang kamay nito sa bewang ni Autumn at si Autumn naman ay sa balikat ni Clinton. Nag-uusap sila ng mahinhin at kitang-kita ni Donna ang masayang mukha ni Clinton mula sa kinatatayuan niya.

Ngayon niya lang nakitang ganito kasaya si Clinton. Lagi niya itong nakikitang nakangiti pero iba ang lumalabas na ningning mula sa mga mata nito. 'Yung sayang kahit siguro ipagsama-sama mo ang liwanag na nagmumula sa buwan, araw, at mga bituin ay hindi pa rin mapapantayan ang liwanag ng kasiyahan niya ngayon. Hindi niya nakita ang ganitong saya mula kay Clinton kahit nung nag-top 1 ito sa board exam at nung binalita sa kanya na siya ang papalapit kay Dra. Felman sa pagiging head ng O.D.

And the way ito tumingin kay Autumn, parang tinitingnan niya ang pinakamagandang dyosa sa buong mundo. 'Yung tingin na kung si Donna siguro ang tinitingnan ngayon ng ganito ni Clinton, parehas siyang matutunaw at makakaramdam na siya na ang pinaka-swerteng babae sa buong mundo. Lahat siguro ng taong tatanungin mo ngayon na makakakita kay Clinton, sasabihin nilang mukhang kontento na ito na ganun na lang habang-buhay.

Tahimik na umalis sa garden si Donna at bumalik sa clinic niya. Bakit nga ba siya pumunta dun? Alam niyang si Autumn ang kasama nito kaya dapat, alam niyang masasaktan siya sa madadatnan niya. Eto ang mahirap kapag nagmamahal ka ng tao na may mahal ng iba. Kahit nakatatak na sa isip mo na masasaktan ka, pipilitin pa rin ng puso mo ang napakaliit na expectation na hindi ka masasaktan at ang napakaliit na posibilidad at pag-asa na mamahalin ka rin ng taong iyon na gaya ng pagmamahal mo sa kanya. Gusto mo mang sundin ang utak mo, hindi mo matitiis ang kakulitan ng puso mo. Kaya sa huli, lagi mo ring dapat asahan ang sakit na mararamdaman mo. Kasi sinusunod mo ang puso mo na umaasa sa wala. Gusto ma'ng ipag-sigawan ni Donna ang nararamdaman niya para kay Clinton at kung anong sakit ang dinudulot nito ngayon sa kanya, wala rin naman itong kahahantungan.

Magga-gabi na kaya kailangan ng umuwi nila Autumn. Kahit papa'no, nasingit naman nila na pag-usapan ang schedule niya sa check-up. At ngayon, hinahatid ni Clinton sila Autumn sa parking lot. Pina-una na ni Autumn si Ada sa kotse dahil mag-uusap pa sila sandali ni Clinton.

"You're just talking in our whole stay here. Still not tired of listening to your voices?" Pagbibirong tanong ni Ada.

"We will never get tired of each others voices, Ada." Sagot ni Autumn. At umacting na parang naduduwal si Ada.

"Ugh! Autumn, you know I hate cheesy things." Sabi nito sabay pasok sa loob ng kotse.

"Wala ba siyang boyfriend ngayon? Ang bitter niya ha." Natatawang sabi ni Clinton.

"3 months na silang hiwalay ng ex-boyfriend niya kaya ganyan niyan. Tyaka hindi lang talaga mahilig sa cheesy things ang mga Amerikano. Anyways, Dr. Arellano, I have one last question."

"Anything, Miss Gutierez."

"Can I still visit you here even though hindi schedule ng check up ko?" Napangiti naman si Clinton sa tinanong nito.

"You can visit me anytime you want, Miss Gutierez. Pwede rin ba kitang bisitahin sa inyo?"

"Pwedeng-pwede. Kasi nag-aalala rin si mommy sa 'min dahil wala kaming kasamang lalake."

"Kung ganun, magiimpake na lang ako mamaya tapos dun ako titira sa inyo para may kasama na kayong lalake." Napangiti naman si Autumn. Pagkatapos ay tinititigan niya na lang si Clinton. "Bakit? May dumi ba sa mukha ko?"

Umiling si Autumn at hinalikan si Clinton sa labi. Pagkatapos ay niyakap niya ito at binaon ang ulo niya sa leeg nito. "Sana hindi 'to panaginip." Sabi ni Autumn. Humiwalay si Clinton sa pagkakayakap at hinalikan ulit sa labi si Autumn.

"Hindi 'to panaginip... at kung panaginip man 'to... eto na ang pinakamagandang panaginip... at mas gugustuhin ko pa'ng... matulog na lang habang buhay." Sabi ni Clinton between their kisses.

Blink --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon