Chapter 13

535 10 0
                                    

Dadalhin ngayon ni Clinton si Autumn sa plantation ng lolo niya. Nalaman na kasi ng mga ito na ang nag-iisang lalake nilang apo ay may girlfriend na at hysterical na tinawagan siya kagabi at sinabing kailangan daw makilala na nila ito agad-agad. Dasal lang ngayon ni Clinton na sana hindi katulad nung sa bahay nila ang mangyayari, ayaw niya na kasing madagdagan ang mga embarrassing moments niya kay Autumn. Kahit sinabi na nga ni Autumn na nakakatuwa silang tingnan.

Pagkarating nila, wala pa ang lolo niya dahil nag-iikot pa raw sa plantation, kaya ang lola niya ang sumalubong sa kanila. Excited na excited ang lola niya nung nakita nito si Autumn, halos 'di na nga napansin ang apong si Clinton. Pagkatapos ay dumiretso na sila sa kusina.

"Gusto mo bang matikman ang specialty kong grape pie, hija?" Tanong ng lola ni Clinton kay Autumn.

"Sige po." Agad namang kumuha ng grape pie and lola nito para ibigay sa kanila.

"Pinapatikim ka niya ng grape pie, ibig sabihin gusto ka niya." Bulong ni Clinton kay Autumn nung nawala ang lola niya sa paligid.

"Bakit? 'Yung mga gusto niya lang ba ang pinapatikim niya ng grape pie?"

"Oo. Baka raw kasi malaman ang secret ingredient niya. Tss, mga paniniwala talaga ng mga matatanda."

"Siguro ganun talaga ka-sarap ang grape pie ng lola mo, kaya ganyan niya protektahan ang recipe niya."

"Sinabi mo pa. Wala rin naman kasing niluluto na hindi masarap 'yang si lola, lalo na 'yung bacon niya."

"Mahilig ka sa bacon?"

"Hay naku, hija! Sobrang hilig talaga ng apo ko sa bacon!" Singit ng lola ni Clinton. 'Di nila namalayang nakarating na pala ito at narinig na sila. "Alam mo ba'ng siya lang ang nakaka-ubos ng bacon sa bahay nila, at pati rito sa 'min? Gustong-gusto niya 'yung malutong tyaka sobrang nipis."

"Eh ngayon, La, lulutuan mo ba 'ko ng bacon?" Tanong ni Clinton na may pagmamaka-awang tono.

"Oo. Pero kapag na-ubos niyo lang 'tong grape pie." Sagot ng lola niya sabay hapag ng pie sa lamesa nila. Agad naman itong tinikman ni Autumn.

"Mmm! Ang sarap nga!" Compliment ni Autumn.

"Syempre, ako pa!" Pagmamalaki ng lola ni Clinton. "Osha, sige, ubusin niyo na 'yan at magpi-prito na 'ko ng bacon."

Pagkatapos nila sa kusina, niyaya ni Clinton si Autumn na pumunta sa mismong plantation. Nakita nila dun ang lolo ni Clinton na nakasakay sa kabayo habang nag-iikot. Bumaba naman ito mula sa kabayo nung nakita sila. At gaya ng iba, ang unang sinabi nito kay Autumn ay sobrang ganda daw nito.

"Ano'ng pangalan niya, Clint?" Tanong ng lolo niya.

"Siya po si Autumn."

"Autumn? Teka, ikaw ba 'yung nagpatugtog ng piano sa birthday ni Gia?"

"Ako nga po."

"Napaka-galing mo nun ha. Halos kaming lahat, 'di makapaniwala sa nagawa mo."

"Thank you po." Nahihiya ngunit masayang tugon ni Autumn. Marami ng nakakapansin at naniniwala sa talent niya, at dahil 'yun lahat kay Clinton.

"Pasensya na nga pala't hindi ko kayo nasalubong kanina. Naglilibot kasi ako rito sa plantation."

"Meron po ba kayong nakitag mali, Lo?"

"Wala naman, Clint. Safe and sound pa naman ang plantation. At total nandito na rin kayo, ilibot mo na rin si Autumn rito. Gamitin niyo na 'tong kabayo." Inabot ng lolo niya ang tali ng kabayo na tinanggap rin naman ni Clinton. "Puntahan ko muna ang lola mo, Clint. At Autumn, sana mag-enjoy ka sa paglilibot rito."

Blink --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon