Parang isang kwarto ng ukay-ukay na ang kwarto ni Clinton ngayon dahil sa mga nakakalat na damit. Naghahanap kasi siya ng damit kasi makikipag-kita siya sa parents ni Autumn bukas. Gustong-gusto niya kasi talagang makapunta ito sa debut ng ate niya. Gusto niya ring makilala ito ng pamilya niya at marinig ulit itong mag-piano. Higit sa lahat, gusto niya itong makasama.
"Clint, may—woah!" Pag-ilag ng ate niyang si Gia sa katatapong damit lang ni Clinton.
"Ay! Ate, sorry."
"Ano ba kasing ginagawa mo? At... ba't ang kalat nitong kwarto mo?" Tanong ng ate niya habang tinuturo ang mga nakakalat na damit.
"Naghahanap kasi ako ng damit." Sabi ni Clinton habang napakamot na lang ng ulo.
"Damit para sa...?"
"May kikitain kasi ako."
"Sino?"
"Ate naman! Ang rami mong tanong eh."
"Aba! Kailangan kong malaman kung sino 'yang kikitain mo noh! Baka nagiging drug dealer ka na ng hindi namin nalalaman. Tyaka, alam ba 'to nila mama at papa?" Pangungusisa ng ate niya.
"Hindi. Tyaka ate, hindi drug drealer or ex-convict or kung ano pa man ang iniisip mo ang kikitain ko."
"Eh bakit ayaw mong sabihin sa 'kin kung sino ang kikitain mo? Aba marunong ka ng maglihim ngayon ha."
"O sige na, sasabihin ko na kung sino. Mga parents."
"Mga parents nino? Nang girlfriend mo? Sinasabi ko na nga ba eh! May girlfriend ka na!" Excited na sabi ni Gia. "MA! PA! SI CLI—" Agad tinabunan ni Clinton ang bibig ni Gia.
"Ate, wala nga akong girlfriend!"
"Eh kaninong parents ba ang kikitain mo na paghahandaan mo talaga ng damit? Diba isang special someone?" Sabi ni Gia with matching nakakalokong ngiti at tingin.
"Hay ate naman! Bahala ka basta hindi ko pa siya girlfriend." Sabi ni Clinton habang nagpatuloy na lang sa paghahanap ng damit.
"Pa? So may balak? Ahh, gets ko na. Makikipagkita ka siguro sa parents niya dahil magpapa-alam ka na manliligaw ka noh? Ayieee! Ang kapatid ko pumapag-ibig na." Pang-iinis ni Gia. Kumuha ng isang black coat at brown long sleeve polo si Gia at binigay kay Clinton. "O ayan! 'Yan ang suotin mo! Masyado kang kinakabahan sa pakikipag-kita sa future parents-in-law mo 'di mo na namalayang nakita mo na pala ang tamang damit." Sabi ng ate niya sabay alis.
Kompletong nakabihis na si Clinton at ang pag-alis niya na lang ang kulang. Pero sa sobrang kaba niya, ang tangi niya lang magawa ay magpabalik-balik ng paglalakad sa isang pwesto to another. At habang ginagawa niya 'yun, nagdadalawang-isip na siyang pumunta. Bigla siyang huminto.
"Hindi!" Sigaw niya sa sarili. Humarap siya sa salamin at tinitigan ang sarili.
"Clinton Gabriel Arellano, ngayon ka pa magbaback-out eh nandito na 'to? Magpaka-lalake ka! Dapat mo siyang puntahan dahil naghihintay siya sa'yo at ine-expect ka niya! Tyaka, diba gusto mo siyang makasama? O, ayan na ang chance mo! Kaya tatagan mo ang loob mo, okay? Kaya mo 'yan, Clint! Kaya ko 'to!" Parang tangang sabi niya sa sarili. Huminga muna siya ng malalim bago siya lumabas ng kwarto niya.
Dahan-dahan siyang bumaba dahil ayaw niyang makita siya ng pamilya niya. Alam niya kasing tatanungin siya ng mga ito kung bakit pormal na pormal ang damit niya. Ang haba pa ng explanation na kailangan niyang sabihin at malapit na rin siyang ma-late.
"Clint!" Napahinto siya sa paglalakad. Hay eto na. Interview na naman 'to.
"Ano 'yun Pa?" Sabi niya habang hinahanda na ang explanation sa papa niya at kay Autumn. Pero nagulat siya nung iba ang itanong ng papa niya.
"Magba-bike ka?" Tanong ng papa niya habang nagbabasa ng dyaryo. Nandun rin ang mama niya na namimilo, at si Jenny at Gia na nagbabasa.
"Ahh... opo Pa. Bike naman po talaga ang lagi kong ginagamit diba."
"'Di bagay sa damit mo ang bike, Clint, mas bagay ang kotse. Nandyan ang susi sa foyer table."
"Okay. Sige po Pa." Kinuha ni Clinton ang susi sa foyer table na nasa tabi lang ng pintuan nila at aalis na sana ng biglang may sinabi ang mama at ate niya.
"Tatagan mo ang loob mo Clint!" Sabi ng ate niya.
"Kaya mo 'yan Clint!" Sabi naman ng mama niya.
"Sinabi ni Ate Gia sa 'min na pupuntahan mo raw ang parents ng girlfriend mo. Tyaka narinig ka naming nagsasalita mag-isa sa kwarto mo." Pambubuking ni Jenny. Biglang namula at nahiya si Clinton habang ang pamilya niya naman ay nagpipigil ng tawa.
"H-hindi ko nga siya girlfriend." Huling sinabi niya sa mga ito sabay alis. Minsan talaga pinapahiya siya ng pamilya niya. Pero okay lang, at least, nandyan sila para sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/61741170-288-k445772.jpg)
BINABASA MO ANG
Blink --- COMPLETED
Romance[TAGALOG STORY] A love story that happened in a blink of an eye. ***Again, pagpasensyahan ang WRONG GRAMMAR, TYPOS, at kung ano ano pa HAHAHAHA XD