Chapter 24

423 16 1
                                    

Kakatapos lang tingnan ni Clinton ang mga pasyente niya at gumagawa na lang siya ng ilang paper works. May plano na sana siyang gawin pagkatapos ng biglang dinalaw siya ni Donna at inayang samahan ito mag-lunch. Naglalakad na sila sa hallway nung nasalubong nila si Dra. Felman.

"Good afternoon Dr. Arellano and Dr. Mendez" Bati nito sa kanila.

"Good afternoon, doc." Bati rin nila.

"By the way, how's your training, Arellano?"

"Still fine pa naman po. Nanghihinayang nga lang po ako kasi hindi ako makakasama sa medical mission dahil sa training." Sagot niya. Simula kasi nung kahit intern pa lang siya, lagi na siyang sumasama sa mga medical mission. Mas marami kasi siyang nakakahalubilong tao kesa rito sa hospital na may mga araw talaga na walang dumadating. Kaya nanghihinayang siya.

"Don't worry, Arellano. Pagkatapos mong mag-training, pwede ka ng sumama sa lahat ng medical mission ng hospital. Diba sasama ka rin, Mendez?"

"Yes, doc. Isa ako sa mga sasamang pediatrics."

"I also heard na ikaw rin ang napupusan ni Dr. Perez na inheretor niya? Magkaparehas na magkaparehas talaga kayo ni Arellano."

"Masyado pa po'ng matagal 'yan para pag-usapan."

"Oh! By the way, Arellano, I almost forgot." Sabi ni Dra. Felman nang biglang may maalala. "May ipagkakatiwala ako sayo'ng pasyente. Ikaw muna ang hahawak sa kanya habang nasa medical mission pa ako."

"Sino po ba siya?" Tanong ni Clinton. Kinuha ni Dr. Felman ang calling card nito mula sa bulsa niya at binigay kay Clinton. Tinanggap niya naman ito at nilagay rin sa bulsa niya ng hindi man lang tinitingnan.

"She's from U.S. and you should handle her with care. Dahil binilin lang din siya sa 'kin ng isang magaling na ophthalmologist from U.S. Tawagan mo na lang siya para malaman mo kung ano ang mga kailangan mo'ng gawin."

"Don't worry, doc."

"From U.S.?" Singit ni Donna. "Siya po ba 'yung babae kahapon na naka-suot ng glasses at naka-dress ng color pink?"

"How did you know, Mendez?" Gulat na tanong ni Dra. Felman.

"Naligaw kasi siya kahapon kakahanap sa clinic niyo. Ako po ang naghatid sa kanya. And I just realize na hindi ko natanong ang pangalan niya."

"Her name is Autumn." Biglang natigilan si Clinton sa narinig niya. Ganun rin si Donna. Autumn? Galing U.S., galing ibang bansa? Hindi kaya... "O sige na. Ma-una na 'ko at baka nakaka-distorbo na 'ko sa inyong dalawa." Pagka-alis na pagka-alis ni Dra. Felman, agad kinuha ni Clinton ang calling card sa bulsa niya. At nanginginig niyang hinawakan ang calling card nung nakita niya ang pangalan nito.

"Sa itsura mo pa lang parang siya nga ang hinihintay mo." Ang tanging nasabi ni Donna.

Hindi nakapag-concentrate si Clinton sa mga ginawa niya kanina, pagkatapos niyang na-discover na si Autumn ay magiging pasyente niya. Kamakailan lang ay inaalala niya pa kung makikita niya pa ba 'to ulit. May itinakdang panahon talaga para sa lahat ng bagay. At ito na 'yung tamang panahon na itinakda para sa pagkikita ulit ni Autumn at Clinton. Hindi rin malaman ni Clinton kung ano ang nararamdaman niya. Syempre nandun ang saya, pero may halo. Hindi niya ma-distinguish kung alin sa kaba at takot. Iniisip rin niya kung ano ang magiging itsura ni Autumn kapag nag-kita na sila ulit. Magiging masaya kaya ito? Magugulat? Iiyak? O baka... wala lang? Bigla siyang natigil sa pag-iisip ng may biglang kumatok sa office niya. Pinapasok niya at bumungad si Donna. Sumandal ito sa pinto at nanatili lang dun.

"Iniisip mo pa rin kung pa'no kayo magkikita?" Tumango si Clinton.

"Iniisip ko kung magiging masaya ba siya. O baka wala lang sa kanya ang pagkikita namin ulit. Nire-ready ko na nga ang sarili ko na baka may dalhin siyang lalake, boyfriend niya ba or... asawa."

"Wala siyang dadalhing lalake, Clinton." Confident na sabi ni Donna.

"Pa'no mo naman nasabi 'yan?"

"Habang hinahatid ko siya kahapon sa clinic ni Dra. Felman, nagka-kwentuhan kami. Nasabi niya sa 'kin na umuwi raw siya rito for vacation and finding someone. That someone is 'yung hindi niya nasabihan na aalis siya patungong U.S., 12 years ago." Lumiwanang ang mukha ni Clinton sa narinig. Kung takot man ang una niyang naramdaman kanina, bigla itong nawala at napalitan na ng excitement. "Parehas niyong hinahanap ang isa't-isa."

Napasandal si Clinton ng ulo niya sa upuan. Sobrang nasarapan siya sa pakiramdam na hinahanap rin pala siya ng taong hinahanap niya. Pero kinakabahan pa rin siya, hindi niya kasi alam ang mga mangyayari kapag nagkita na sila ulit. Pa'no kung hinahanap lang pala siya nito para humingi ng tawad at 'yun lang? Gusto niyang mabalik ang dati nilang samahan pero pa'no kung wala na itong nararamdaman para sa kanya?

"Clinton?"

"Ano 'yun, Donna?" Tanong ni Clinton habang nabalik ang atensyon niya rito. Sinagot siya nito ng mahinang tawa bago nag-salita.

"Nothing. I need to go. Tawagan mo na siya." Sabi nito sabay sira ng pinto at alis. Nagtaka si Clinton at inisip kung ano'ng ibig sabihin dun ni Donna, ng biglang tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya naman ito kahit unknown number.

"Hello?"

"Good evening. Is this Dr. Clinton Gabriel Arellano?" Tanong ng babae na may accent sa kabilang linya. May naririnig rin si Clinton na tunog ng piano na nasa kabilang linya rin.

"Speaking. Who's this?"

"My name is Ada and I'm Autumn's manager." Natigilan si Clinton sa narinig.

"A-Autumn?" Nauutal niyang sabi dahil halos hindi niya malaman ang gagawin niya.

"Yes, Autumn. Autumn Gutierez. Her doctor texted your number and your name in her phone, also stating that you will be her temporary doctor. I was holding her phone when the text came and I asked Autumn who is this "temporary doctor" and she explained it to me."

"O-oh." Ang tanging nasabi ni Clinton.

"Are you informed about you being her temporary doctor?" Tanong nito na may pagdududang tono.

"Yes! Yes I... I am." Hindi niya mapakaling sabi. Tumayo siya at nagpalakad-lakad. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya.

"Oh, okay. Well, she should be the one talking to you right now but she's busy so I'm here to represent her. I called to ask if what is her schedule in her check-up's? When can she--"

"Tomorrow." Sabi ni Clinton kahit hindi pa tapos ang manager nito na mag-salita. "I mean, she can visit my clinic tomorrow so that... uhm... we can talk about her schedule."

"Well, tomorrow then. 1 PM, is that okay with you?"

"Yes, of course. It's fine."

"Good. Thank you and good night." At pinatay na nito ang linya.

Napahinga naman ng malalim si Clinton sabay upo, ngunit malakas pa rin ang kabog ng dibdib niya. Napangiti rin siya sa sobrang saya ng nararamdaman. Makikita ko na si Autumn. Sa wakas. After 12 years.

Blink --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon