Chapter 25

463 14 0
                                    

Papunta ngayon sila Autumn at ang manager niya sa clinic ng magiging temporary doctor niya. Tinawagan kasi ito ng manager niya kagabi at sinabihan silang pumunta kinabukasan para mapag-usapan ang schedule niya. Nasa nurse counter na sila para tanungin kung sa'n ang clinic nito ng biglang tumunog ang cellphone ni Autumn. Tumatawag ang mommy niya.

"I'll just answer this call, it's mom." Pagpapa-alam niya sa manager niya sabay layo rito.

"Hello mom?"

"Autumn! How are you my baby?"

"I'm fine mom. 'Wag kang masyadong mag-alala dahil kasama ko naman si Sophie at Ada."

"Exactly! Puro lang kayo babae jan at walang lalake na magtatanggol sa inyo."

"Mom, malalaki na kami at kaya na naming ipagtanggol ang mga sarili namin." Paga-assure niya sa mommy niya. Tapos ng mag-tanong si Ada sa mga nurse kaya tinatawag na siya nito. Sinenyasan niya naman ito na maghintay lang sandali.

"Hindi ba talaga ako pwedeng sumunod jan, anak?"

"Mommy, napag-usapan na natin 'to diba? Diyan ka na lang at samahan mo na lang si Tita Sonya. 3 months lang din naman kami rito."

"Pwede ko namang isama ang Tita Sonya mo jan."

"Mom!"

"Okay, okay. Nasa'n ka ba ngayon? May kasama ka ba?"

"Nasa hospital po ako ngayon and kasama ko si Ada. Pupuntahan namin 'yung magiging doctor ko para pag-usapan ang schedule."

"That's good! Sige na at pumunta na kayo. Mag-iingat kayo diyan ha. I love you Autumn."

"I love you, too mom. Bye." Pinatay na ni Autumn ang cellphone niya at pumunta na sila sa clinic ng doctor niya. Ngayon niya lang na-realize na hindi niya pa pala alam ang pangalan nito.

"What's his name, by the way?" Tanong ni Autumn kay Ada.

"Who?"

"My temporary doctor."

"Oh. Uh... I only remember his last name which is Arellano."

"Oh, okay. We will know his name later, though."

Nung nakarating na sila sa clinic nito, pinatanggal ni Ada ang glasses ni Autumn at pagkatapos ay pumasok na sila, kaya hindi masyadong nahagilap ni Autumn ang pangalan ng doctor sa may pinto.

"Good afternoon. What can I do for you?" Tanong ng secretary ng doctor.

"I'm Ada and this is Autumn Gutierez. We're here to meet Dr. Arellano."

"Yes, he's expecting you. But he's still not around because he's taking his lunch. Can you please wait for a while? It's already one o'clock so I think he's done."

"Yes, we can" Sagot ni Autumn.

"You can wait for him in his office." Sabi ng secretary nito sabay bukas ng pinto papunta sa office ng doctor. Papasok na sana silang dalawa ng biglang tumunog ang phone ni Ada.

"It's the management company. I should take this, excuse me." Sabi nito sabay labas ng clinic. Si Autumn na lang ang pumasok sa office.

Blink --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon