Chapter 27

472 11 0
                                    

Nasa clinic niya si Donna at nagliligpit na ng mga kailangang dalhin para sa medical mission ng biglang dumating si Clinton. May dala itong pagkain.

"O, anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Donna.

"Sabay tayong mag-lunch." Sagot ni Clinton habang pinapakita ang mga pagkain niyang dala. Natawa naman si Donna.

"Malapit na kaming umalis."

"Tss. May isang oras pa bago kayo umalis." Sagot naman ni Clinton habang nilalapag ang mga pagkain sa table ni Donna. "Let's just say despedida party mo 'to."

"Despedida Party? Isang buwan lang po ako mawawala, Dr. Arellano."

"Kahit na!" Sabi niya habang binubuksan ang mga pagkain. Sinamahan naman siya ni Donna. "For that one month wala akong makakasabay mag-lunch."

"Pwede mo namang makasabay si Sandra ha. O sila Vince, nasa 5th floor lang naman ang Dermatology Department."

"Parang hindi mo naman alam na parang mundo rin ng showbiz 'tong hospital. May kasama lang babaeng nurse o doctor ang isang lalakeng nurse rin o doctor, kakalat kaagad ang tsismis. Tyaka, may mga love life na 'yung sila Vince at Ryan."

"Speaking of love life, si Autumn. Pwede mo siyang makasabay mag-lunch." Lumiwanag ang mukha ni Clinton nung narinig niya ang pangalan ni Autumn.

"May practice rin siya kaya hindi kami laging magkakasabay."

"At least, diba? And if I know, sisiguraduhin mo talaga na lagi kayong magkasama for 3 months stay niya rito."

"'Yun na nga 'yung pinag-iisipan ko ngayon eh."

"Pinag-iisipan?" Tanong ni Donna.

"3 months lang siya rito at pagkatapos, mananatili na naman siya U.S. Ayoko na siyang mawala ulit sa 'kin kaya pinag-iisipan kong sumama na lang sa kanya." Napalapag ng kutsara niya si Donna dahil sa gulat.

"Alam ba 'to ni Autumn?" Halos hindi niya makapaniwalang tanong.

"Hindi pa. Pero ipapa-alam ko naman sa kanya. Siguro sa ika-dalawang buwan niya rito."

"Eh... p-pa'no ang promotion mo? Magiging head ka na ng O.D." Eto lang ang ma-isip ni Donna para hindi na umalis si Clinton. Ang makita na lang ito araw-araw ang hinihingi niya, kahit hindi na nito suklian ang pagmamahal niya. Tapos, aalis pa ito?

"Pwede naman akong maging head dun, diba? Tyaka, naalala mo 'yung offer ng isang hospital sa New York? Hindi pa nila binabawi 'yung offer kaya tatanggapin ko na lang."

"Sigurado ka na ba talaga jan?" Tanong ni Donna habang nag-iisip pa ng dahilan para manatili siya.

"Sigurado na 'ko, Donna. For the past 12 years, hinintay ko siya at hinanap. At ngayong nandito na siya, I'll make sure na hindi na ulit mangyayari ang 12 years na 'yun. Dahil sigurado akong hindi ko na kakayanin pa ang kahit isang segundo lang na hindi siya kasama."

"Pa'no kung 'di siya pumayag?"

"Ayos lang. Pagkarating niya sa U.S., susunod ako. At wala na siyang magagawa pa kapag nandun na 'ko. Kumain ka na."

May gusto pa'ng sabihin si Donna, gusto niya pa'ng magdahilan para hindi ito umalis. Pa'no na 'ko? Iiwan mo 'ko? Gusto niyang itanong 'yan. Pero, ano ba siya kay Clinton. Colleague at kaibigan, 'yan lang at wala ng iba. Kaibigan na magagawa niyang talikuran dahil mas may importante pa kaysa sa kanya.

Blink --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon