Chapter 29

407 9 0
                                    

Papuntang ICU si Clinton nung napadaan siya sa clinic ni Donna at nakitang nakabukas ang pinto nito. Nagtaka siya, dahil walang dapat pumasok sa clinic or office ng mga doctor rito sa hospital maliban sa doctor mismo at ang nurse secretary nito, lalo na kung nasa medical mission ito. Imposible rin namang ang secretary ni Donna dahil sinama niya ito sa medical mission.

Sumilip muna sandali si Clinton bago siya pumasok. Bubuksan na sana niya ang pintuan ng office nito ng bigla itong bumukas at tumambad sa kanya si Donna kasama ang secretary nito.

"Good afternoon po, doc." Bati ng secretary ni Donna pagkakita niya kay Clinton.

"O Clinton, anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Donna.

"Diba dapat ako ang magtanong sa'yo niyan?" Pagtataka ni Clinton. "Hindi pa tapos ang medical mission ha." Pinapasok muna ni Donna si Clinton sa office niya at dun niya na sinagot ang tanong nito.

"Nagka-dengue kasi ang pamangkin ko. So, bumalik muna ako rito." Sagot niya pagka-upo nilang dalawa. "Tyaka, nabalitaan namin 'yung bagong eye disease na na-discover sa London. Gusto ni Dr. Perez na ako muna ang mag-represent sa Pedia Department sa mga meetings na ihe-held rito, dahil nga may kailangan siyang puntahan na conference sa Malaysia. Ano nga pala 'yung disease na 'yun? Hindi ko pa kasi nababasa 'yung information about dun." Tanong niya pagkatapos.

"Partially, Grayson Disease pa ang tawag nila dun. Si Dr. George Grayson, from London, kasi ang naka-discover ng disease na 'yun. 'Yun 'yung sakit kung sa'n may kumakain na virus sa nerves na kumokonekta sa mata at utak."

"Nerves na kumokonekta sa utak at mata? Nakakamatay pala talaga 'yan." Halong pagkamangha, pagkagulat, at pag-aalalang sabi ni Donna.

"Kaya nga pinaalam na sa mga hospital sa buong mundo para mabilis makahanap ng gamot. Anyways, 'wag mo ngang baguhin ang topic." Natawa naman si Donna sa pagrereklamo ni Clinton.

"Nagtatanong lang naman ako eh!"

"Nakakapanghinayang rin na umuwi ka." Halong pagka-lungkot at disappoint na sabi ni Clinton.

Kahit hindi pa si Donna ang umalis at hindi tinapos ang medical mission, 'yan pa rin ang mararamdaman niya. Paminsan-minsan na lang kasi matingnan ng mga doctor ang mga residente sa mga liblib na probinsya nilang napupuntahan. Kaya naaawa siya sa mga ito kapag nababawasan pa ang mga doctor na tumitingin sa kanila, lagi pa namang kulang ang mga doctor na pumupunta sa mga medical mission nila. Wala kasi itong bayad kaya ganun.

"I know na 'yan ang sasabihin mo, and I'm sorry, Clint."

"May valid reason ka naman eh, kaya okay lang."

"Valid reason? Ano kita, teacher?" Pagbibiro naman ni Donna.

"Pagdating sa medical mission." Birong sagot rin ni Clinton habang natatawa. "Sabay tayong mag-lunch bukas ha." Sabi ni Clinton kay Donna bago lumabas sa office nito. Napabuntong-hininga naman si Donna pagkalabas nito.

Isa rin sa mga dahilan ni Donna kung bakit siya bumalik ay si Clinton. Kailangan niyang makagawa ng paraan para hindi ito umalis patungong U.S.

Kinabukasan. Papunta sa clinic ni Clinton si Donna ng nakasalubong niya sa hallway si Autumn.

"Miss Autumn!" Pagtawag ni Donna rito.

"Dr. Mendez?" Pagdadalawang-isip pa ni Autumn kung ito ba 'yung doctor na tumulong sa kanya dati.

Blink --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon