Chapter 36

395 10 0
                                    

"WHAT?! How did that happen?! Napag-usapan na natin 'to diba?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Clinton.

Tinawagan kasi siya ng chairman ng Eye Center at sa tono pa lang nito sa kabilang linya, alam na niyang hindi ito maganda. Pero nanatili pa rin siyang positive. Siguro na-sobrahan siya sa pagiging positive kaya naging negative talaga ang resulta. Nag back-out kasi ang pamilya nung iris donor at wala ng iba pang donor sa Eye Center.

"Pero hindi ko naman pwedeng pigilan ang pamilya kung gusto nilang mag back-out. Diba sinabihan na kita dati na hindi 100 percent sure 'tong donor dahil ayaw nung tatay." Napasabunot si Clinton sa sarili niyang buhok dahil sa sobrang frustration.

"Oo pero sabi mo gusto nung patient. Wala ba siyang donor card?"

"Meron pero ayaw i-present nung father. Tinago yata o kung ano man. Kaya hindi namin mapatunayan na gustong makapag-donate ng patient." Hindi mapakaling napatayo si Clinton sa kina-uupuan niya at nagpalakad-lakad. "I'm really sorry Dr. Arellano. Tatawagan ka na lang namin kapag may mag-donate ulit."

"HINDI NA NAMIN 'TO PWEDENG PATAGALIN PA!" Hindi napigilang pagsigaw ni Clinton. Napansin niya naman ang ginawa niya kaya kinalma niya muna sandali ang sarili bago muling nag-salita. "Alam mo naman kung anong sakit ni Autumn, diba? Hindi nakakapaghintay ang virus sa mata niya. Wala ka na ba talagang magagawa para baguhin ang isip ng family niya?"

"Wala na talaga. Kina-usap ko ng masinsinan 'yung father ng patient pero talagang matigas. Tinanong ko kung ano ang dahilan, hindi niya naman ako masagot ng diretso. I really did everything I can para mapilit siya na pumayag pero ayaw talaga."

"Ako ang kaka-usap. Sa'n ko ba sila makikita?" Desperado ng tanong ni Clinton.

"I don't know. Ipapakita sana namin 'yung papeles na nagpapatunay na gustong mag-donate ng anak niya kaso hindi na namin sila ma-contact. Nung pinuntahan naman namin 'yung address na naka-register sa kanila, wala na ring tao dun, kahit maids wala."

Napa-upo ulit si Clinton. Hindi niya na alam ang gagawin. Eto na ang last chance nila eh.

"Dr. Arellano, kung gusto mo talaga ng mabilisan, mag-ikot-ikot ka na lang sa mga hospital at baka may mahanap ka na gustong mag-donate ng iris. 'Yan na lang ang pinaka-mabilis kong naiisip. I'm really sorry."

Halos napuntahan na ni Clinton lahat ng hospital dito sa syudad. Kahit 'yung mga maliliit at public hospitals, pero walang makakapag-donate ng iris. Karamihan cornea lang ang dinodonate. Ayaw niyang mawalan ng pag-asa, kaya pupunta siya sa kabilang syudad para maghanap. Tinawagan niya na rin ang mga kilala niyang doctor sa iba't-ibang hospital sa loob at labas ng bansa para humingi ng tulong. Karamihan nagsabi na rin na wala raw'ng donor, kaya 'yung ilang natitira na lang ang pag-asa niya.

Pagkarating sa kabilang syudad, agad niyang pinuntahan ang pinaka-malaking ospital doon. Pero wala. Agad siyang pumunta sa iba, wala pa rin. Sa iba rin, wala. Ilang beses na siyang nireject ng mga hospital, pero hindi siya mapapagod na maghanap. Kahit abutin pa siya ng buong magdamag maghanap lang ng iris donor, gagawin niya.

Magga-gabi na nung natapos puntahan ni Clinton ang pinaka-huling hospital sa syudad na pinuntahan niya. Isang beses lang siya nakakain sa araw na 'to kaya ramdam niya na ang pagod at gutom. Pero hindi siya pwedeng tumigil. Kung titigil siya, wala siyang mahahanap. At kapag wala siyang mahanap, manganganib si Autumn. Nangako siyang hindi na mangyayari ang nangyari 12 years ago. Kapag natapos rin naman 'to, makakakain at makakapagpahinga siya hanggang kailan niya gusto, na kasama si Autumn at wala ng pinoproblema. Kaya titiisin niya 'to hanggang sa makakaya niya.

Nasa loob na siya ng kotse ng biglang tumawag sa kanya si James. Pero pagsagot niya, si Autumn ang nasa kabilang linya.

"Nasa'n ka?" Concern na tanong ni Autumn.

"Ahh... may inaasikaso lang." Pagpapalusot naman ni Clinton. Si Dra. Felman pa lang kasi ang nasabihan niya tungkol sa nangyari. At sinabihan niya rin ito na 'wag ng sabihin sa iba lalo na kay Autumn at sa pamilya nito. Gumagawa na rin naman siya ng paraan kaya hindi na dapat pa pag-alalahanin ang iba. "Sinong mga nandyan?" Pag-iiba niya ng topic.

"Si James at Donna. Nandito rin si Sophie at mommy. Nasa'n ka ba kasi talaga? Pag-gising ko pa lang wala ka na." May halong lungkot sa boses nito na naging dahilan ng pagbuntong-hininga ni Clinton.

"Don't worry. Pagkatapos ko nito, pupunta agad ako jan. At hindi na ako aalis ulit. I promise that." Pinilit niyang itago ang pagkapagod sa boses niya para hindi ito mas lalong mag-alala.

"Okay. Basta mag-ingat ka jan ha."

"Ikaw rin. 'Wag kang magpapuyat. I love you."

"I love you, too."

Imbis na ibaba ang telepono, nanatili lang sa linya ang dalawa. Para bang gusto lang muna nilang maramdaman ang isa't-isa, kahit wala ng salita-salita. Para bang kapag ibinaba nila ang telepono, 'yun na ang magiging huli nilang pag-uusap.

"Sige na." Pangunguna ni Clinton. "Kumakain ka muna bago ka matulog ha."

"Opo." Sarcastic naman na sagot ni Autumn. "I love you, Clinton."

Napatawa naman ng mahina si Clinton. Pangalawang beses na siyang nag-I love you, pero okay lang. Gusto niya naman eh. Kung pwede nga lang higit sa pangalawang beses sila mag-I love you-han. "I love you, too Autumn. So much."

Sa pagbaba nila ng telepono, may naramdamang mali at kaba si Clinton. Pero hindi niya na lang pinansin dahil baka dala lang iyon ng pagod niya. Nag-drive na siya patungo sa susunod na syudad.

Blink --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon