Chapter 19

432 10 0
                                    

Umuwing litong-lito at maraming tanong sa isipan si Clinton. Hindi raw kasi nasabi sa mga katulong nila kung saang bansa sila pupunta kaya hindi niya alam kung nasa'n si Autumn. Walang nasabi sa kanya ang mommy ni Autumn kahapon na aalis sila pa-ibang bansa. Ni hindi man lang din ito nag-iwan ng address nila sa ibang bansa. Hindi lang din siya nalilito, nasasaktan rin siya. Ng sobra. Akala niya, siya ang gusto nitong unang makita? Pero bakit ganun? Bakit umalis siya ng hindi man lang nagpapa-alam? Kailan ka pa naging sinungaling? Kailan mo pa 'ko sinaktan ng ganito?

Nung napadaan si Clinton sa sea wall, napahinto siya sa pagbaba-bike at umupo rito sandali katabi ang bike niya. Kung dati, kapag nandito siya saya lang ang nararamdaman niya. Pero ngayon, may halo ng sakit, at mas nangingibaw pa. Pa'no na tayo? Pa'no na 'ko?

Napalingon siya sa bike niya at nakita ang bell nito na tinutunog ng hangin. At naalala niya ang sinabi ni Autumn: "...ang bell ang naga-assure sa 'kin na ikaw 'yung dumadating. Kapag naririnig ko ang bell ng bike mo, pakiramdam ko safe na 'ko kasi alam kong nandyan ka na." At kahit tumutunog na ito, ginalaw niya pa rin. Gusto niyang tumunog ito ng malakas para kahit saang lupalop pa man ng mundo si Autumn, maririnig niya ito. Para malaman niya na nandito siya, naghihintay sa kanya. At inaasahang makita na siya nito. Ginalaw niya ito ng ginalaw, nilakasan niya ng nilakasan, pero walang nagpa-kitang Autumn. Wala. At bigla siyang tumayo sabay buhat ng bike niya at tapon. Biglang lumabas ang sama ng loob niya out of nowhere. Halos matanggal na rin ang buhok niya sa sobrang lakas ng hila niya rito ngayon. Biglang natuon ang mata niya sa painting. Kinuha niya ito at sisirain na sana ng bigla siyang napahinto. Parang may kung ano na nagpatigil sa kanya: ang konting kaligayahan na nararamdaman niya kapag nandito siya sa sea wall. Kaya nabitawan niya na lang ito at napa-upo ulit. Sinandal niya ang mukha niya sa kamay niya sa sobrang bigat at sakit ng nararamdaman niya. Gusto niyang umiyak, para malabas niya lahat ng sama ng loob niya. Pero walang lumalabas na kahit isang patak lang.

Umuwi siya sa bahay nila na naglalakad lang dahil nasira ang bike niya. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad papunta sa kwarto niya at hindi namalayang nakita na pala siya ng pamilya niya at binati pa siya nito.

"Anong nangyari dun?" Tanong ni Gia nung hindi man lang sila pinansin ng kapatid niya.

"Baka nagka-problema sa school." Hula ng papa niya na halata ang pagka-concern sa boses.

"Bago siya umuuwi rito sa bahay, nagkikita pa sila ni Ate Autumn. At diba na-operahan na si ate? Baka may nangyaring masama." Concern at mangiyak-ngiyak na hula naman ni Jenny dahil sa pag-aalala.

"Tama na ang hinala at pupuntahan ko na lang si Clint." Sabi ng mama niya. Binigyan muna niya si Jenny ng encouraging smile para mawala ang pag-aalala nito bago siya umakyat para kausapin ang anak.

Pagkarating niya sa taas, naka-bukas na ang kwarto ni Clinton kaya sumilip muna siya sandali. Nakita niyang nakahiga ito at nakakatitig sa kisame. Halata sa mukha nito na may pinagdadaanan itong mabigat. Pumasok siya at umupo sa gilid ng kama. Hinawakan niya ang kamay ni Clinton.

"May problema ba, anak?" Motherly question niya rito pero hindi ito sumagot. "Sa school ba?" Matagal bago siya sinagot nito ng iling. "May nangyari ba kay Autumn?" Hindi nag-salita sa Clinton. Huminga lang siya ng malalim at napapikit.

"Alam mo anak, nag-aalala si Jenny dahil baka may nangyari raw'ng masama sa Ate Autumn niya."

"Wala po'ng nangyari kay Autumn, Ma." Sagot ni Clinton habang nakapikit pa rin.

"Well, anong nangyari?" Tanong ulit ng mama niya, pero hindi na naman niya ito sinagot. "Clint, mama mo 'ko. Pwede mong sabihin sa 'kin ang mga problema mo. Para naman ma-ilabas mo 'yan kahit papa'no." Napabuntong-hininga ulit si Clinton at binuksan ang mga mata niya. Umupo siya at hinarap ang mama niya.

"Ma."

"Hmm?"

"Umalis siya." Biglang nabasag ang boses ni Clinton at nag-init ang mga mata niya. Nahalata naman ito ng mama niya kaya kahit hindi maintindihan ang sinasabi ng anak, concern niya itong tiningnan at mas lalong hinigpitan ang hawak sa kamay nito.

"Umalis siya ng hindi nagpapa-alam sa 'kin. Sabi niya, ako ang gusto niyang unang makita, pero ba't ganun? Umalis siya. Galit ba siya sa 'kin dahil na-late ako sa pagpunta kahapon? Ayaw niya na ba sa 'kin? Hindi... hindi niya na ba 'ko mahal?" Tuloy-tuloy lang ang pag-agos ng luha ni Clinton. Sa sobrang sakit ng nararamdaman niya, hindi niya na ito mapigilan. Pakiramdam niya, trinaydor siya ng first love niya. Naramdaman ng mama niya kung ga'no ito nasasaktan. Kaya niyakap siya nito ng napaka-higpit.

"Ma, ba't ganun? Ba't siya umalis?" Kahit alam niyang hindi nito alam ang sagot, tinanong niya pa rin ng tinanong. Dahil 'yan ang tanong na nagpapabigat sa damdamin niya na gusto niyang ilabas at kung pwede lang, masagot rin.

"Clint, alam kong sa ginawa ni Autumn, magdududa ka sa pagmamahal niya sa'yo. Pero 'wag. Kasi may dahilan ang lahat. Mahal ka niya. At dapat mas alam mo 'yun dahil alam ko, alam namin."

"Pero Ma... ang sakit ng ginawa niya."

"Alam ko, anak. Alam ko."

Si Gia ang unang nakakita ng pagbaba ni Jenny mula sa taas. Pagka-akyat kasi ng mama niya, nagpa-alam sa kanila si Jenny na may kukunin lang ito sa kwarto niya. Pero ang totoo, nakinig ito sa usapan ng kuya at mama niya.

"O Jenny, ang tagal mo yata? Ano ba'ng kinuha mo?" Tanong ni Gia. Matagal bago siya nakasagot.

"Ngayon ko lang nakitang umiyak si kuya." Malungkot niyang sabi. Nagkatinginan naman si Gia at ang papa niya.

Blink --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon