Chapter 39

509 8 0
                                        

Nagising si Autumn dahil sa kamay na humahaplos sa kanyang pisngi. Napalingon siya rito at nakita niya ang pamilyar na mukha ni Clinton. Napangiti siya at hinawakan ang kamay nito mula sa pisngi niya.

"I thought iniwan mo na ako." Sabi ni Autumn. Napangiti naman rito si Clinton.

"Diba sabi ko sa'yo na kahit ano man ang mangyari, hinding-hindi ko bibitawan ang kamay mo." Sabi naman ni Clinton at hinigpitan ang hawak sa isa nitong kamay. Napalingon naman rito si Autumn.

"Promise me you'll never leave me." Sabi ni Autumn habang nakatingin pa rin sa kamay niyang hawak-hawak ni Clinton.

"I promise." Sagot ni Clinton. Lumingon ulit si Autumn sa mukha ni Clinton ngunit wala ng tao roon. Naramdaman niya ring wala ng kamay sa pisngi niya at wala ng humahawak sa isa niya pang kamay.

Napa-upo si Autumn sa kinahihigaan niya at nakita niyang walang tao sa kwarto kundi siya lang. Tiningnan niya ulit ang kamay niyang kanina'y akala niya'y hawak ni Clinton. Wala sa sarili niya itong hinaplos-haplos, na para bang 'pag gagawin niya 'yun ay makikita niya ulit si Clinton at hahawakan niya ulit ang kamay nito. Wala pa rin sa sariling umalis siya sa higaan at lumabas ng kwarto niya, mabuti na lang at tinanggal na ang dextrose. Pakiramdam niya wala ang kaluluwa niya sa katawan niya. Na parang may hinahanap ito, na kahit alam nitong hinding-hindi na nito mahahanap ang gusto nitong hanapin, desperado pa rin itong mahanap ulit. Pero kahit ganun, habang naglalakad siya ay sobrang bigat ng nararamdaman niya. Para bang nilagyan ng semento ang loob niya kapalit ng kaluluwa niya.

Binuksan niya ang pinto at dumiretso siya sa office ni Clinton. Walang tao sa loob at nakita niyang nakalagay na lahat sa box ang mga gamit nito. Nagpa-ikot-ikot siya sa loob, wala siyang ideya kung ano'ng gagawin niya rito nang nakita niya ang doctors coat nito sa likod ng upuan. Kinuha niya ito at isinuot sa sarili. Umupo siya sa upuan kung saan ito nakalagay at inamoy ang coat nito. Amoy na amoy niya ang pabango nito. Naalala niya 'yung mga panahon na niyayakap niya si Clinton, lagi niyang naaamoy ang mabango nitong pabango. Niyapos niya ng mahigpit sa kanyang sarili ang coat. Dahil para sa kanya, kahit sa ganitong paraan man lang ay mayakap niya kahit sa huling sandali ang kasintahan. Gusto niyang maramdaman ulit ang presensya nito, gusto niyang maramdaman ulit ang mga braso nito sa katawan niya. Kahit sa huling pagkakataon man lang.

Napa-iyak na ng grabe si Autumn. Gusto niya nandito si Clinton. Gusto niya nakikita niya ito. Gusto niyang hawakan nito ang kamay niya ng mahigpit. Gusto niyang nararamdaman niya ang hininga nito sa buhok niya habang magkayakap sila. Gusto niya si Clinton. Gusto niya lang si Clinton.

Naramdaman niyang may yumakap sa kanya mula sa likod. "It's fine Ate Autumn." Boses ni Jenny. "Masaya na si kuya ngayon dahil alam niyang maayos ka na. 'Yan lang naman ang gusto niya diba."

"Hindi ako... magiging maayos nang wala... siya. Gusto ko... nandito siya. Ayoko siyang... mawala." Halos nawawalan na ng hiningang sabi ni Autumn dahil sa kaka-iyak. Mas lalong hinigpitan ni Jenny ang yakap sa Ate Autumn niya.

"Dapat maging maayos ka ate. Kasi kung hindi, masasayang ang sakripisyo niya. You need to be strong. Not just for him, but also for yourself. 'Yan lang ang isipin mo ate."

"But I need... him... Jenny."

"He needs you, too. That's why he did that."

Tuluyan ng napahagulgol ng iyak si Autumn sa bisig ni Jenny. Sa mga pagkakataong ganito, si Clinton ang kailangan niya. Pero wala ito rito ngayon. At alam niyang mangyayari ulit ang pagkakataong ganito, at dahil wala nga si Clinton, sarili niya lang ang meron siya. So kailangan niyang magpakatatag. Pero paano? Hindi niya alam kung saan siya magsisimula. Dahil ang simula niya, natapos na.

Blink --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon