Nasa sea wall siya ngayon. Naka-upo siya rito at nakalatag ang mga pintura niya sa gilid, kasalukuyan siyang nagpipinta. Pero hindi niya pinipinta ang dagat o ang mga bundok. Tinatapos niyang ipinta ang panahon kung sa'n nakapag-corneal transplant siya sa isang pasyente sa pangatlong beses. Pinipintahan niya na lang ito ng music notes ng biglang tumunog ang cellphone niya. Nag-text ang secretary niyang nurse na may pasyente siyang naghihintay ngayon. Niligpit niya na ang mga gamit niya at nilagay sa back trunk ng kotse niya, at nag-drive na siya patungong hospital.
Sinuot niya muna ang doctor's coat at lumabas na ng kotse at pumasok sa hospital. Halos lahat ng nadadaanan niyang nurse ay binabati siya, lalo na ang mga babae. Sa tingin pa lang ng mga ito sa kanya, malalaman mo na agad na gusto siya ng mga ito. Nahahalata niya rin naman ito kaso hindi niya pinapansin. Hindi naman dahil sa hindi sila maganda or kung ano man. May nag-iisang babae lang talaga sa puso niya na ni minsan, hindi niya magawang palitan.
Sinalubong siya ng secretary niya pagkapasok niya sa clinic. Binigay nito ang listahan ng mga pasyente na naghihintay.
"Kanina pa ba sila naghihintay?" Tanong niya sa nurse.
"Hindi po, doc. Tinext ko po kasi kayo agad nung kahit isang pasyente pa lang ang dumating."
"Good. Sige, papasukin mo na 'yung una." Lumabas ang nurse para tawagin ang unang pasyente.
Pagkatapos niyang tingnan lahat ng pasyente, binisita niya ang batang babae na ginawan niya ng corneal transplant last week. At pagkatapos, nakasalubong niya sa hall way si Donna Mendez. Naging kaklase niya sa med-school at the same time, kaibigan niya na rin, pati ni James.
"Binisita mo na naman si Ashley?" Tanong ni Donna. Si Ashley ang batang babae na inoperahan ni Clinton.
"Oo. Sinabihan ko kasi ang nanay niya na malapit ng tanggalin ang benda. And kina-usap ko rin sandali si Ashley para hindi ma-inip. Eh ikaw, pedia ward?" Tanong ni Clinton habang sabay na silang naglalakad sa hallway. May bumati sa kanilang mga nurse kaya binati muna rin nila ito.
"Yep. Dinalaw ko lang 'yung mga batang nagka-dengue. By the way, pupunta ka sa exhibit ni James?"
"Oo, inimbita ka rin niya?" Tumango si Donna. "Sabay na lang tayong pumunta dun."
"Sure! No Problem."
"Sige, pupuntahan kita mamaya sa clinic mo."
At gaya nga ng napag-usapan nila, sabay silang pumunta sa exhibit ni James. Pumunta rin sa exhibit na 'yun ang dati nilang mga kaklase sa Art Program. Nandun rin ang iba pa nilang mga kaibigan, combination ng naging mga kaibigan ni James sa AU at ni Clinton sa med-school. Naging successful ang exhibit kaya lumabas sila pagkatapos. Pumunta sila sa isang bar at nag-inuman para mag-celebrate.
"CHEERS!" Sigaw nila habang pinagdidikit ang mga baso nila sabay inom.
"Inom lang kayo ng inom ha. Ako bahala sa bayad!" Sigaw ni James.
"Fifth exhibit, still successful! Lupet mo talaga James!" Sabi ni Ryan, kaibigan ni Clinton mula sa med-school.
"Nagpapasalamat nga ako kay Clinton kasi hindi niya tinuloy ang AU." Pagbibiro ni James.
"Ahh. Alam ko na ngayon ang tunay mong dahilan kung ba't mo sinuggest sa 'kin na mag-pursue sa med-school." Biro ring sagot ni Clinton.
"Speaking of that, nakita mo na ba ang dahilan mo kung ba't ka nag-pursue ng ophthalmology?" Tanong ni Sara, kaibigan ni James mula sa AU.
"Hindi pa nga eh." Sagot ni Clinton. Nakangiti niya itong sinabi pero nahalata ni James at Donna ang kalungkutan sa boses ni Clinton. Si James dahil mas close sila at alam niyang mahal na mahal pa rin ni Clinton ang first love niya, at si Donna dahil nararamdaman mo talaga kung malungkot ang taong mahal mo.
Matagal ng may gusto si Donna kay Clinton, pero nung nalaman niyang nag med-school ito para mahanap ang first love, 'di na siya nagbigay ng motibo at itinago na lang sa sarili ang nararamdaman. Alam niya kasing wala siyang pag-asa sa taong sinakripisyo ang tunay na pangarap para mahanap lang ang taong mahal nito.
"Sabi naman kasi namin sa'yo Clinton, 'di mo na 'yun mahahanap. 12 years mo rin siyang hinintay pero ni anino ng babaeng 'yun, 'di naman nagpakita sa'yo." Sermon ng isa sa mga ka-colleague niya sa med-school na si Vince.
"Tama si Vince, Clinton. Ikaw pa naman ang may pinaka-gwapong mukha sa 'ting mga lalake rito sa tropa. Sayang ang mukha mo kung isang babae lang na hindi naman nagpapa-ramdam sa'yo ang makikinabang." Ganun rin si Billy na taga-AU.
"'Wag niyo ngang igaya si Clinton sa inyo! Hindi siya katulad niyo na kapag hindi na nagpaparamdam ang babae ng kahit ano, susuko na lang at hahanap ng iba kesa gumawa ng paraan para mahalin ulit naming mga babae! Malakas ang powers ng pagmamahal niya!" Sermon ni Wendy, na taga-AU rin, sa mga lalakeng kasamahan niya ngayon.
"Osha tama na 'yan! Nandito tayo para mag-celebrate!" Pang-aawat ni Janine na taga-med-school. Si James at Donna lang din ang nakakakita ngayon ng lungkot ni Clinton. Kahit nakangiti ito ngayon, nahahalata nila sa mata.
Pagkatapos nilang mag-celebrate, na-lasing na ang karamihan sa kanila at si James, Donna, at Clinton lang ang hindi. Si Donna at Clinton dahil hindi naman sila masyadong uminom ng marami, at si James dahil immune na sa alak ang tiyan at utak niyan. Sumakay na silang lahat sa iisang van na pagmamay-ari ni James at hinatid sa kanya-kanya nilang bahay ang mga kaibigan nilang lasing na. Nung silang tatlo na lang ang natira, kina-usap ni James ang best friend na si Clinton na naka-tulala ngayon sa harap ng bintana. Nasa passenger seat si Clinton habang si James naman ang nagda-drive.
"'Wag mo ng pansinin 'yung mga pinagsasabi nila Vince." Paninimula ni James.
"Ha?" Gulat na tugon ni Clinton.
"Alam kong iniisip mo ngayon kung makikita mo pa nga ba si Autumn o hindi na dahil sa mga sinabi ng mga mokong na 'yun. Pero, mahaba pa ang panahon. At alam kong hindi ikaw 'yung tipo ng tao na basta-basta na lang sumusuko." Napangiti naman si Clinton sa sinabi ng kaibigan.
"Sana nga, James." At bumalik ulit ang tingin niya sa bintana.
Pagkarating niya sa apartment niya, may nakita siyang note sa may shoe rack. Galing sa mama niya.
"Clint, anak. Pumunta kami ni Jenny rito kanina pero wala ka pa. Dinalhan ka kasi namin ng mga lutong bahay. Lagi ka na lang nagpapa-deliver. Baka may dinadagdag silang mga preservatives jan kaya hindi 'yan makakabuti sa kalusugan mo. Dapat alam mo 'yan kasi doctor ka. Namili na rin kami ng groceries para sa'yo. Nandun lahat sa ref. Marunong ka namang mag-luto kaya paglutuan mo rin ang sarili mo ng pagkain pa-minsan-minsan.
- mama"
Natawa na lang siya sa sermon ng mama niya. Wala na kasing panahon si Clinton sa pagluluto dahil lagi siyang kailangan ngayon sa hospital lalo na't malapit ng mag-retire ang head ng Ophthalmology Department. Si Clinton ang gusto nitong maging kapalit niya kaya tini-train na siya nito.
Binuksan niya ang ref para kumuha ng tubig at nakita niyang puno na nga ito. Pagkatapos ay namunas na siya at nagbihis para matulog. Pero bago siya matulog, kinuha niya muna ang litrato nilang dalawa sa cabinet ng side table niya. Tatlo ang litrato na 'to: 'yung isa nasa bahay nila, ito ang nasa apartment niya, at ang isa sa office niya. Apat na lugar lang kasi talaga ang madalas niyang laging puntahan: bahay nila, office niya, syempre apartment niya, at higit sa lahat ay ang sea wall. Gusto niyang lagi niyang mararamdaman ang presensya ni Autumn kaya nasa lugar na 'to ang mga litratong 'yun, maliban nga lang sa sea wall. Lagi naman kasing nandun ang presensya nito, at 'yung lugar rin na 'yun ang saksi ng pagmamahalan nila.
Habang tinitingnan niya ang litrato, napa-isip siya. Pa'no nga kaya kung hindi niya na ulit makita si Autumn? Ano kayang mangyayari sa kanya? Ang lagi niya lang kasing iniisip na mangyayari sa kanya sa hinaharap ay makita at makasama ulit ito. Kaya hindi niya rin alam ang gagawin kung hindi niya ulit ito makita. Hindi niya rin ma-imagine ang sarili niya na mag-mahal ng ibang babae. Kaya kung hindi man siguro ang tadhana ang magpapa-krus ng landas nila ulit, siya na lang ang gagawa ng paraan para makita ito.

BINABASA MO ANG
Blink --- COMPLETED
Roman d'amour[TAGALOG STORY] A love story that happened in a blink of an eye. ***Again, pagpasensyahan ang WRONG GRAMMAR, TYPOS, at kung ano ano pa HAHAHAHA XD