Naramdaman ni Clinton ang sakit sa braso niya nung tumayo siya. Pagtingin niya rito, nakita niyang may sugat. Napaka-malas niya nga naman talaga ngayon! Male-late na nga siya, may muntik pa siyang nasagasaan, may sugat pa siya! At mas lalo pa siyang male-late ngayon.
"Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?!" Galit niyang sabi habang pinapag-pag ang damit niya.
"Nakita mo namang dadaan pa 'ko eh! Bulag—" Napahinto siya sa pagsasalita nung nakita niya ang babae. Kina-kapkap niya ang sahig ng kalsada na parang bulag na may hinahanap. Ay mali! Kasi 'yun talaga ang ginagawa niya at bulag talaga siya.
Kinuha ni Clinton ang baston ng babae at inilagay niya sa kamay nito.
"Salamat." Sabi ng babae sabay dahan-dahang tumayo. "Ayos ka lang?"
"Oo. May konting sugat lang. Ikaw, ayos ka lang ba?"
"Sorry ha." Pagbabalewala niya sa tanong ni Clinton. May kinakapkap na naman siyang kung ano sa bulsa at nilabas ang isang band aid. Girl's Scout? sabi ni Clinton sa isipan niya. "Sa'n ba sugat mo?"
"Sa braso. Ako na lang maglalagay."
"Hindi, ako na. Akin na ang braso mo."
Inabot naman ni Clinton ang braso niya sa babae. Kinapa muna niya ang sugat bago niya inilagay ang band aid. Tinitingnan siya ni Clinton habang ginagawa niya 'yun. Kahit bulag siya, nagawa niya ito ng maayos. Napansin rin ni Clinton na kulay gray ang mata nung babae. Parang bagyo sa napakagandang araw.
"Ayan, tapos na."
"Salamat."
"Sorry ulit ha."
"'Wag ka ngang sorry ng sorry. 'Di mo pa sinasagot ang tanong ko, ayos ka lang ba?"
"Oo. 'Wag mo 'kong alalahanin. Ikaw 'tong nagkasugat eh."
"Hindi 'to tagos sa buto kaya 'wag mo 'tong alalahanin." At dun lang ulit na-realize ni Clinton na late na pala siya.
"Naku!" Agad-agad itinayo ni Clinton ang bike niya.
"Bakit?" Tanong ng babae.
"Late na kasi ako. Sure ka na maayos ka lang?" Tumango ito. "Sige, alis na 'ko. Salamat ulit sa band aid." 'Yan na ang huli niyang sinabi sa babae sabay alis. Dun niya lang din na-realize, 'di niya natanong kung ano ang pangalan nito.

BINABASA MO ANG
Blink --- COMPLETED
Romansa[TAGALOG STORY] A love story that happened in a blink of an eye. ***Again, pagpasensyahan ang WRONG GRAMMAR, TYPOS, at kung ano ano pa HAHAHAHA XD