Chapter 34

373 10 0
                                    

Isang linggo na rin ang nakalipas. At bawat minuto sa mga araw na nagdaan, lumalala ang sakit ni Autumn. May mga gabing hindi siya makatulog dahil sa ulo niyang parang binibi-ak sa sobrang sakit. Unti-unti na rin siyang nanghihina.

Parang ganun na rin ang nararamdaman ni Clinton tuwing na nakikita niya ang kasintahan. Kung ito ay parang binibi-ak ang utak, sa kanya naman ay puso. At sa araw-araw na nakikita niyang nanghihina na ito, parang napanghihinaan na rin siya ng loob.

Bumisita na rin kay Autumn ang pamilya ni Clinton. Silang lahat nag-aalala, lalo na si Jenny. Iyak ito ng iyak na parang bata. Kahit sinasabihan na siya ni Clinton na magiging okay rin ang Ate Autumn niya, 'di pa rin ito magkamayaw sa pag-iyak.

"Doc," Pagtawag ni Sandra kay Clinton mula sa pintuan ng silid ni Autumn. Kapag wala na siyang pasyente, dumidiretso siya sa silid nito. "Pinapatawag po kayo ni Dra. Felman."

Tumayo si Clinton at hinalikan ang noo ng natutulog na si Autumn. Binigyan muna niya ng pagod na ngiti ang mommy nito na ginantihan rin naman nito, sabay labas ng silid.

Pagkarating ni Clinton sa opisina ni Dra. Felman, kabababa lang nito ng nito ng telepono na parang may nakausap kanina.

"Clinton! I have a good news!" Excited na sabi ni Dra. Felman. "Kakakausap ko lang sa W.H.O. and according to them, may nahanap na daw silang gamot for the Grayson Disease."

Lumiwanag ang buong aura ni Clinton sa narinig.

"Ano po raw?" Nasasabik niyang tanong

"That's what I'm going to say. And... it's kind of bad news, too." May pag-aalinlangang tono na sagot ni Dra. Felman. "Delikado kasi 'yung operasyon na isasagawa. It's Iris Operation. Kasi nga, this is about the veins, and sa iris ng mata nakakonekta ang veins. Kaya kailangan nating palitan ang iris niya for new veins."

"Pero doc, kapag tatanggalin ang veins ay maari na siyang permanenteng mabulag... or worst!"

"Pero naka-imbento na sila ng gamot para patubuin at ikonekta ang veins sa brain." Natigilan si Clinton. "Yes Clinton, I know it's impossible, but they made it possible! Nasubukan na rin nila 'to sa dalawang cases sa London and it was successful!"

"A-are you sure about that?" Hindi makapaniwalang tanong ni Clinton.

"Yes! Ang World Health Organization na mismo ang nag-sabi. All we need to find is an iris donor."

"Then let's find that donor right now!" Aligagang sabi ni Clinton. "I told you doc, may paraan pa para maligtas si Autumn! Halos nawalan na 'ko ng pag-asa but here it is! Pupunta ako sa Eye Center at magtatanong ako kung meron ba silang stock ng iris or kung meron bang iris donors."

"But it's hard to find iris, Clinton. Ngayon lang mangyayari sa bansa natin ang iris transplant." Pahabol ni Dra. Felman nung paalis na sana si Clinton. Nilingon naman siya nito ng may malaking ngiti at puno ng pag-asa ang mga mata.

"I know, doc. Kahit naman cornea mahirap rin makahanap. But I know makakahanap ako. Alam kong hindi mabibitin ang pag-asa na binigay sa 'kin."

And with that, umalis na si Clinton. Pupuntahan niya muna si Autumn bago siya didiretso sa Eye Center. Ipapaalam muna niya rito ang magandang balita. Papalapit pa lang siya sa silid nito ng nakita niya na ang mga nurse na tumatakbo papasok sa silid. Agad siyang kinabahan. 'Wag naman sana ngayon. Ngayon pa na may nahanap na kaming solusyon para mabuhay siya. Sabi niya sa sarili.

Tumakbo na siya papasok sa silid at nakita niyang nilalagyan na nila ito ng oxygen. Nilapitan niya ito kaagad at nakita niyang wala itong malay at namumutla.

"Anong nangyari?" Natataranta niyang tanong sa mga nurse.

"Bigla pong humina ang pulso niya, doc." Sagot ng isa sa kanila. Biglang dumating si Dra. Felman at agad tiningnan at inisikaso si Autumn.

"Clinton." Natataranta ring sabi ng mommy ni Autumn. Hindi napansin ni Clinton ang paglapit nito sa kanya dahil na rin siguro sa sobrang taranta at alala niya. "Save her. Save Autumn, please!" Umiiyak nitong pagmamakaawa sa kanya. Hinawakan naman ni Clinton ang dalawa nitong braso at sincere itong tiningnan.

"Don't worry, tita. We will save her. I will save her. Hindi ko hahayang mawala na naman siya sa 'kin."

"Clinton," Napalingon si Clinton sa nagsalita, which is si Dra. Felman. Nakita niya ang takot at pag-aalala sa mga mata nito. "This is not good."

At dahil dun sa sinabi ni Dra. Felman, agad tumakbo si Clinton palabas ng silid. Palabas ng hospital. Patungo sa Eye Center.

Blink --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon