Chapter 16

399 9 0
                                    

Malapit ng mag-alas-tres, pero wala pa rin si Clinton hanggang ngayon. Kanina pa siya hinihintay ni Autumn at ngayon, hindi na ito mapakali. Baka kasi 'di ito makapunta, gustong-gusto niya pa naman na ang boses nito ang huli niyang marinig bago siya ma-operahan. Si Clinton ang pinaka-dahilan kung bakit pumayag siya rito, kaya ang marinig lang ang boses nito ang makakapag-papatatag ng loob niya na gawin ito.

"Good afternoon po." Narinig niyang bati ng isang nurse na mukhang kakarating lang. "Oras na po para operahan ang pasyente"

"Ho?!" Natatarantang sabi ni Autumn. "Mamaya na po. May hinihintay pa po kasi ako."

"Sige. Sasabihan ko ang doctor na mag-extend ng 10 minutes. Pero pagkatapos ng 10 minutes, kailangan na po nating mag-proceed." Sabi ng nurse at narinig niyang sinara ang pinto.

"Sino ba 'yang hinihintay mo, Autumn?" Kalmadong tanong ng daddy niya. Pero kung nakikita lang ngayon ni Autumn ang mukha nito, naiinis na rin ito.

"Si Clinton Gabriel po, daddy. Nangako po kasi siyang pupunta siya." Napahimas sa noo ang daddy niya sa sagot nito.

"Hindi na 'yun pupunta, Autumn." At sa pagkakataong ito, halata na sa boses ang pagka-inis ng daddy niya.

"Nangako siyang pupunta siya, dad." Pangi-insist ni Autumn. May sasabihin pa sana ang daddy niya ng biglang sumapaw ang mommy niya.

"Nangako ba siya sa'yo, Autumn?" Tanong nito.

"Yes, mom."

"Well then, hihintayin natin siya." Tiningnan siya ng masama ng asawa niya at ganun rin ang ginawa niya rito. Habang si Autumn, umaasa pa ring dadating si Clinton. Pinanghahawakan niya ang pangako nito at alam niyang dadating ito.

Hindi mapakaling naka-upo ngayon si Clinton sa upuan niya. Lagi nitong tinitingnan ang orasan niyang nakaturo na ang maliit na kamay sa alas tres. Gustong-gusto niya ng umalis pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya natatawag. Sa lahat pa naman kasi talaga ng araw na magpe-present sila, ba't ngayon pa? Bad trip!

"Gonzales." Pagtawag ng maestro nila sa susunod na magpe-present. Langya! Anong oras ba 'ko tatawagin?!

"Ilang basong kape ba ang ininom mo kaninang umaga?" Tanong ni James na kanina pa napapansing hindi mapakali ang kaibigan.

"James, kailangan ko na talagang umalis." Pagbabalewala ni Clinton sa tanong ng kaibigan.

"Ba't 'di mo na lang kasi i-text na mahuhuli ka ng dating?"

"Wala namang cellphone si Autumn eh, tyaka lowbat ako. Kanina pa nag-alas tres, siguradong naghihintay na siya sa 'kin."

"Pa'no 'tong presentation? Diba sabi ni maestro na hindi ka na mabibigyan ng chance na mag-present ulit kung hindi ka makakapag-present ngayon." May sasabihin pa sana si Clinton ng biglang pumasok ang maestro nila sa room.

"Okay everyone, écoutez!" Paninimula nito. "According sa director ng AU, may urgent emergency raw ngayon sa AU na kailangan niyang puntahan. So, hanggang dun muna ang magpe-present." Biglang nakahinga ng maluwag si Clinton nung sinabi ito ng maestro nila. "He promised to give us time tomorrow. So, sa mga hindi pa nabunot, you may now go."

Agad tumayo si Clinton sabay kuha sa gamit at tumakbo paalis. Narinig niya pa'ng sinigawan siya ni James ng "I-hello mo na lang ako kay Autumn!" Agad siyang sumakay sa bike niya at binilisan ang pagpadyak, kahit sobrang bigat ng dala niyang sketch book at painting na nasa likod niya. At nung nasa kalagitnaan siya ng pagba-bike, biglang umulan ng napaka-lakas. Bakit ngayon pa nangyayari ang hindi dapat mangyari?! Pero kahit ganun, hindi siya huminto, nagpatuloy pa rin siya. Hindi rin naman mababasa 'tong sketch book at painting niya dahil water proof naman ang bag na ginagamit niya. At nung napadaan siya sa sea wall, mas lalo niya pa'ng binilisan. Sandali na lang, Autumn. Malapit na 'ko.

"Kailangan na po nating pumunta sa OR." Sabi ng nurse na kakapasok lang. Gustong umangal ni Autumn pero hindi pwede. Dalawang beses na kasi siyang nag-extend. Ano kayang nangyari? Ba't 'di siya nakapunta?

Inilipat na siya sa rolling bed at ang ginawa niya na lang ay inisip ang boses ni Clinton.

"Nagagawa mo naman kasi talaga lahat diba... Sobrang laki ng tiwala ko sa'yo, Autumn... "

Kaya ko 'to, magagawa ko 'to, Clinton Gabriel. Naramdaman niya ng gumagalaw ang higaan at huminga siya ng malalim.

"This is it, Autumn." Bulong ng daddy niya at hinalikan siya sa noo. "Everything will be fine." Sana nga magiging okay lang ang lahat. Sana... nandito ka.

"Malapit na tayo, Autumn." Narinig niyang sabi ng doctor niyang lalake. Kahapon lang din sila nagkakilala nitong dotor niya.

Tumigil ang higaan at narinig niyang may pinindot na kung ano ang isa sa kanila. Nasabi sa kanya na sa isang special operating room daw siya dadalhin, siguro mga passcode ang pinipindot nila ngayon. Pagkatapos, narinig niyang may bumukas at gumalaw na ulit ang higaan. Napapikit siya. Eto na.

"SANDALI LANG!" Napadilat ng mata si Autumn at kahit dilim pa rin ang bumungad sa kanya, parang biglang lumiwanag ang lahat dahil sa pamilyar na boses na narinig niya.

Basang-basa na tumatakbo si Clinton papunta kay Autumn na ngayon ay malapit ng pumasok sa OR. Sobrang laki ng pasasalamat niya ngayon dahil naka-abot siya, natupad niya pa ang pangako niya kay Autumn. Humihingal siyang tumigil sa harap nilang lahat kabilang na kay Autumn na ngayon ay naka-upo na sa higaan niya. May malaking ngiti na lumalabas sa labi niya ngayon.

"Dumating ka, Clinton Gabriel!" Ang unang nasabi ni Autumn sa kanya, na may masayang tono.

"Oo... nangako... ako... diba?" Hinihingal niyang sagot. Nakita niya ang mommy ni Autumn na nakangiti sa kanya na parang nagpapasalamat, at ang daddy nito na parang naiinis pero wala namang magawa. "Sorry... kung... late... ako. May ginawa pa kasi... ako sa school."

"Ayos lang. Basta naka-abot ka."

"Kailangan na nating tumuloy." Sabi ng doctor kay Autumn.

"Sandali lang po!" Pag-angal naman ni Clinton. Kararating ko nga lang eh! Lumingon si Clinton sa mommy ni Autumn. "Pwede ko po ba siyang yakapin? Kahit basang-basa po ako?"

"Oo naman, Clinton." Nung lumingon ulit siya kay Autumn, naka-spread na ang mga kamay nito na parang hinihintay na lang ang yakap ni Clinton. Niyakap naman siya nito ng napaka-higpit. Nilapit niya ang bibig niya sa tenga nito.

"Sorry kung basa ako ha. Umulan kasi eh, tyaka nag-bike ako papunta rito."

"Wala akong paki-alam kung basa ka man o hindi. Basta nandito ka." Bulong naman nito sa kanya. Nagyakapan sila dun na parang walang kahit na sinong tao sa paligid. Na parang silang dalawa lang sa mundong 'to. "Gusto ko, ikaw ang una kong makita kapag nakakita na 'ko."

"Oo naman, promise ko 'yan. At sa pagkakataong ito, hindi na 'ko late." Humiwalay si Clinton mula sa pagkakayakap at hinalikan si Autumn sa noo. "Naalala mo ang sinabi ko sa'yo? Na magagawa mo lahat ng gusto mong gawin sa buhay mo. At malaki ang tiwala ko sa'yo." Tumango si Autumn. "I love you."

"I love you, too."

At 'yun na ang huling sinabi nila sa isa't-isa bago lumayo si Clinton mula sa pintuan ng OR. Nakangiting humiga na ulit si Autumn, narinig niya na ang gusto niyang marinig bago siya sumabak rito. At sa isang kurap lang, magbabago na ang buhay nilang dalawa.

Blink --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon