Chapter 35

388 10 0
                                        

Mahigpit na hawak-hawak ngayon ni Clinton ang kamay ni Autumn habang tinititigan ang natutulog na mukha ng kasintahan. Kung dati, kapag ginagawa niya ito ay unti-unting nalulusaw ang lakas at pag-asa niya, ngayon ay hindi niya mapigilang mapangiti. Ilang beses niya na ring nahahalikan ang mga kamay ni Autumn dahil sa sobrang saya niya.

Sinabihan kasi siya ng Eye Center na may dying patient daw sa isang hospital na gustong i-donate ang mga healthy organs niya, including ang kanyang iris. Tatawagan na lang daw siya ng center kapag naasikaso na nila ang lahat.

"You look happy." Sabi ni Donna, na kakapasok lang, nung nakita niyang abot langit ang ngiti ng kaibigan.

"Yes, I am." Masayang sagot naman ni Clinton ng hindi ito nililingon. "May nahanap na kasi kaming donor. Tatawag na lang daw sila kapag naging ready na ang lahat."

"That's great. But --" Biglang napahinto si Donna sa pagsasalita na parang hindi sigurado kung itutuloy ba ang sasabihin. Napansin ito ni Clinton kaya napalingon siya rito.

"But, what Donna?" Tanong ni Clinton.

"I... I just assumed that you already know na kailangan munang may mamatay para mabuhay si Autumn." Parang nagdadalawang-isip na pagapapatuloy ni Donna. Napabuntong-hininga naman si Clinton sa sinabi nito.

"Alam ko." Sagot niya sabay balik ang paningin sa kamay ni Autumn na hawak-hawak niya pa rin. "But I'll do anything for her, even if it means taking away someone's life. Even taking away my own life."

"As they say, love can make you selfish." Sagot naman ni Donna.

"Love can make you do anything. Love can change you." Pagtatama naman ni Clinton sa sinabi nito.

"Oo nga naman. Diba love rin ang dahilan kung bakit ka naging doctor?" Biro ni Donna na tinawanan rin naman ni Clinton.

Halos mag-gagabi na nung nagising si Autumn. Nasa tabi niya pa rin si Clinton na may tinitingnang medical papers ngayon.

"Clinton Gabriel?" Napalingun naman ito kay Autumn at agad isinantabi ang mga papers na inasikaso.

"Gising ka na pala. Gutom ka na ba? Dinalhan ka ng mommy mo ng panghapunan at sinabihan niya 'kong ipakain 'to sayo pag-gising mo." Tuloy-tuloy na sabi ni Clinton habang pumunta sa lamesa kung saan nakahapag ang mga pagkain at inihanda para kay Autumn.

"Pwede ba tayong lumabas?" Tanong naman ni Autumn.

"Sige, pupunta tayo sa garden mamaya. Pero kumain ka muna kahit konti lang" Sagot naman ni Clinton ng hindi lumilingon kay Autumn.

"Hindi sa garden. Pumunta tayo sa sea wall." Dito na napalingon si Clinton sa kanya at nilapitan ito.

"Ba't mo gustong pumunta sa sea wall?"

"Gusto ko lang maka-langhap ng sariwang hangin."

"Pwede naman sa garden ha? O 'di kaya sa roof top. Hindi ka pa nao-operahan kaya hindi ka papayagang lumabas ng hospital. Baka kasi mahawaan ka ng kung ano-anong sakit." Kinapa ni Autumn ang kama para hanapin ang kamay ni Clinton kaya inabot niya ito na hinawakan naman niya ng mahigpit.

"Hindi mo ba talaga magagawan ng paraan? Gusto ko lang talaga kasing makapunta sa sea wall ngayon kasama ka." Sabi niya habang hopeful na hinahawakan ang kamay ni Clinton. Tinitigan muna siya nito ng matagal bago napabuntong-hininga.

"Sige, susubukan kong magpa-alam kay Dra. Felman."

Matagal ngunit napaki-usapan naman ni Clinton si Dra. Felman. 'Wag lang silang masyadong magtagal dahil mas lala ang sitwasyon kapag may nakuhang ibang sakit si Autumn. May tiwala rin naman daw ito kay Clinton dahil alam naman nito ang sitwasyon ng kasintahan.

Pagbaba pa lang sa kotse habang inaalalayan ni Clinton, agad napapikit sa Autumn dahil sa sariwang hangin na dumapo sa kanya. Huli niyang punta rito, kasama niya si Clinton. At ngayon, kasama niya na naman ito. Which is possibly, ang huli na.

Inalalayan ni Clinton si Autumn sa pag-upo sa sea wall at pagkatapos ay umupo naman siya sa tabi nito.

"Alam mo ba kung bakit gusto kong pumunta rito?"

"Kasi, sabi mo, gusto mong magpahangin." Sagot naman ni Clinton habang naka-sandal ang ulo niya sa ulo nito.

"Kasi gusto ko may last memory tayo rito bago --"

"Stop." Pagpapahinto ni Clinton. Alam na niya kasi kung sa'n mapupunta ang sinasabi ni Autumn. "Diba malapit ka na ngang ma-operahan? So please, 'wag mo ng babanggitin ang mga bagay na 'yan." May konting pagka-irita sa tono ni Clinton nung sinabi niya 'to. Bakit ba nagiging negative si Autumn? Ngayon pa na malapit na siyang operahan.

"But we're not sure if magiging maganda nga ba ang resulta."

"Magiging maganda ang resulta. Please Autumn, don't mention anything about that. Pakiramdam ko... gusto mo talaga akong iwan."

"I don't want to. But if I need to, I can't stop it."

"We're stopping it already."

Niyakap ni Autumn si Clinton mula sa tagiliran. "Okay. I'm sorry."

"It's fine. Basta magiging okay ang lahat. I'll make sure na hindi na ulit mangyayari ang nangyari 12 years ago."

Blink --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon