Chapter 5

634 17 0
                                        

Papa-uwi na si Clinton galing school ng napadaan siya sa sea wall. Napahinto siya sa pagba-bike. Bigla niyang naalala si Autumn. Actually, simula kahapon hindi na mawala sa isip niya si Autumn. Hindi niya nga natapos i-paint ang nagawa niyang sketch dahil ang tangi niya lang nagawa ay titigan ito. Nawala lang ito sandali sa isip niya nung nasa klase siya.

Umupo siya sa sea wall. Ano bang ginagawa niya rito? Dapat pa-uwi na siya, dapat nasa bahay na siya ngayon. Hinihintay niya ba si Autumn?

"Clinton Gabriel?" Bigla siyang napalingun sa nagsalita.

"Autumn!"

Parang tumalon sa saya ang puso ni Clinton nung nakita niya si Autumn.

"Pa'no mo nalamang ako 'to?" Tanong ni Clinton.

"Narinig ko 'yung bell ng bike mo, tyaka naramdaman kong ikaw 'yan." Sabi niya habang tintabihan si Clinton.

"Wow, bilib na talaga ako sa pakiramdam mo."

"Sanayan lang 'yan. Tyaka swerte rin ako kasi matalas ang memorya 'ko."

"Ahh. Ano... i-ilang taon ka nung nabulag ka?" Paghe-hesitate na tanong ni Clinton kay Autumn. Nung hindi agad ito sumagot, medyo kinabahan na siya.

"Ahh... okay lang naman kung hindi mo—"

"5 years old." Nagulat si Clinton ng sagutin talaga siya ni Autumn. Akala niya kasi ayaw nito pag-usapan ang tungkol sa kapansanan niya.

"5 years old ako nung nabulag ako. Pag-gising ko na lang ay wala na 'kong makita. Akala ko nga nung una ay brown out lang, 'yun pala..." Napahinto si Autumn. Pinipigilan niya ang pagtulo ng mga luha dahil sa naalalang trahedya.

"'Wag mo na ituloy" Hindi alam ni Autumn na napansin na pala ni Clinton na malapit na itong umiyak. Ayaw niyang makita itong umiiyak.

"Ano nga pala'ng ginagawa mo rito?" Pag-iiba niya ng topic.

"Lagi ako rito kapag mga ganitong oras. Nakakasawa rin kasi sa bahay namin tyaka, gustong-gusto ko na marinig ang tunog ng mga alon. Ikaw?"

Hindi kaagad nakasagot si Clinton. Masyado siyang naka-focus sa pagtitig sa magandang mukha na nasa harap niya ngayon.

"Clinton Gabriel?"

"Ah... o-oo?"

"Ang sabi ko, bakit ka narito ngayon?"

"Ahh. A-ano... Lagi rin ako rito."

"Talaga? Ba't ngayon lang kita napansin rito?"

"Ha? Ah... eh... pa-paiba-iba kasi ako ng pwesto tyaka oras ng punta rito. Mahaba naman 'tong sea wall diba?" Pagpapalusot ni Clinton. 'Di naman kasi talaga siya lagi rito, 'di niya nga maintindihan ang sarili niya kung ba't niya nasabi 'yun eh.

"Mmm, kung sa bagay." Nakahinga naman siya ng maluwag nung lumusot ang dahilan niya. "Eh ba't ka ba laging narito?"

"Nagagandahan kasi ako sa kulay ng dagat, kasing-kulay kasi ito ng mata ko. Parang nakikita ko na rin kasi ang sarili kong mata ng malakihan." At least 'yan, totoo.

"Blue ba ang kulay ng mata mo?"

"Oo."

"Sabi nila, kapag asul daw ang kulay ng mata, gwapo daw or maganda."

"Uy! Totoo 'yan!" Pagmamayabang ni Clinton.

Nagulat si Clinton ng lumapit si Autumn sa kanya. Lumapit ng lumapit hanggang sa maramdaman niya na ang hininga nito.

"A-a-anong ginag-g-gawa m-mo?" Namumulang tanong ni Clinton.

"Gusto kong malaman kung totoo ang sinasabi mo."

Itinaas ni Autumn ang dalawa niyang kamay at nilagay sa mukha nito. Nanigas naman si Clinton sa kinalalagyan niya. Hinawakan ni Autumn ang buong mukha ni Clinton. Mula sa matataas at makakapal na pilik mata, sa matangos na ilong, sa perpektong pisngi, hanggang sa napakalambot na labi nito. Napapikit si Clinton nung napunta ang kamay ni Autumn sa labi niya. Napahinga naman ng napakalalim si Autumn.

Sana ganito lang kami. Sana... pwede ko siyang mahalikan. Parehas nilang nasabi sa mga sarili nila.

Blink --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon