Chapter 30

420 7 0
                                    

Papunta sila ngayon sa apartment ni Clinton. Hindi pa kasi nakakapunta sa apartment nito si Autumn at the same time, ayaw pa'ng umuwi ni Autumn. Pagkatapos ng isinagawang surgery ni Clinton, naabutan niya si Autumn sa office niya. Halos hindi mapinta ang mukha nito, para ba'ng napagsakluban ng langit at lupa. Tinanong niya naman ito kung may problema ba. Ngumiti lang ito at sinabing wala naman daw. Ngunit kahit ganun, alam niyang may dinadamdam ito.

Pagkarating nila sa apartment, iniwan muna sandali ni Clinton si Autumn para kumuha ng maiinom. Si Autumn naman, pumunta sa salas.

"Ikaw lang ba mag-isa ang nakatira rito?" Tanong ni Autumn habang sinusuri ang mga litrato. Napangiti siya nung nakita niya ang isa sa litrato nila ni Clinton sa sea wall. Naka-akbay ito sa kanya at parehas silang naka-peace sign.

"Oo. Pero minsan, dito natutulog si Jenny. Isang banda kasi ang kapit-bahay niya dun sa dorm at kapag nagpa-practice sila, syempre maingay. Ako rin kasi ang medyo malapit sa kanya." Sagot ni Clinton na nasa kusina, naglalagay ng juice sa baso.

"Ilan ba ang kwarto rito?"

"Dalawa. Mas malaki lang 'yung isa dahil 'yun ang master's bedroom."

Habang nililibot ang buong apartment, napunta si Autumn sa may hagdan at nakita ang isang pintuan. Agad siyang na-curious.

"Anong meron rito sa pintuan malapit sa stairs?" Tanong ni Autumn. Ngunit hindi sumagot si Clinton. Or kung sumagot man, hindi niya narinig. May kung ano kasing humihila sa kanya sa pintuang 'yun kaya pumasok siya rito ng hindi man lang nagpapa-alam kay Clinton.

Pagkapasok niya, madilim ang buong kwarto. Kaya kinapa niya ang ding-ding para hanapin ang switch ng ilaw. Nung nabuksan na ang ilaw, tumambad kay Autumn ang napakaraming painting equipments at mga painting din mismo. Nilibot niya ang buong paningin niya sa kwarto at may nakita siyang painting ng isang babae naka-side-view at nakatingin sa sea wall.

"Ikaw 'yan." Napalingon si Autumn sa nag-salita. At nakita niya si Clinton sa may pintuan, may dalang dalawang baso ng juice. Naglakad ito papalapit sa kanya at binigay ang isang baso.

"Salamat." Sagot niya naman rito. "Uhm... kailan mo 'to pininta?"

"'Yan 'yung final project ko dati sa Art Program." Sagot niya. Tinitigan muna siya ng matagal ni Autumn bago ito nag-salita.

"Ahh." Ang una nitong sinabi. "Naalala ko, 'di mo pa nasasabi sa 'kin 'yung... d-dahilan mo kung bakit ka nag-doctor."

Napahinga muna ng malalim si Clinton bago ito sinagot. Matagal niya ng gustong sabihin kay Autumn ang dahilan kung ba't siya nag-medicine. Ngunit lagi niyang iniisip ang magiging reaksyon nito, kaya laging napipilipit ang dila niya kapag sasabihin niya na. At ngayon, tinatanong na ni Autumn, ngunit pakiramdam niya napipilipit pa rin ang dila niya.

"Uhh... kasi Autumn--" Ngunit naputol siya sa pagsasalita ng bigla siyang talikuran ni Autumn. Umupo ito sa upuang malapit sa kanya at ininom ang juice na hawak-hawak.

Naghintay si Clinton na magsalita ito o sabihan siyang magpatuloy. Ngunit tumahimik na ito. Nakayuko na lang ito ngayon, tinititigan ang juice na hawak-hawak. Nanlaki ang mata ni Clinton ng biglang may na-realize ito.

"A-alam mo na ba?" Tanong ni Clinton. Hindi sumagot si Autumn. Alam na nga niya. Ngunit kailan pa? Kanina? Kaya ba mukha itong nabagsakan ng langit at lupa nung naabutan niya sa office niya? Ito ba 'yung hindi niya masasabi-sabing problema?

"Bakit?" Biglang tanong ng kanina pa'ng tahimik na si Autumn.

"Gusto kitang mahanap."

"Marami namang paraan ha." Halos sigaw na sinabi ni Autumn sabay angat ng ulo niya kay Clinton.

"Alam ko. Pero hindi ko na alam ang gagawin ko that time. Umalis ka ng hindi nagpapaalam. Halo-halo 'yung naramdaman ko. Lito, sakit, galit. Kaya hindi ako makapag-isip ng diretso sa mga oras na 'yun!" Tuloy-tuloy na sabi ni Clinton. At ngayon, umiiyak na si Autumn, walang tigil ang agos ng luha nito. Napahawak sa noo niya si Clinton.

"Clinton, ikaw 'yung dahilan kung bakit ako naging successful pianist. Ikaw lang 'yung naniwala sa 'kin. Ikaw 'yung dahilan kung bakit naabot ko ang pangarap ko..." Napahinto sandali si Autumn dahil naubusan siya ng hininga, kakaiyak. "Tapos ngayon... malalaman kong ako 'yung dahilan kaya hindi mo tinuloy ang pagiging painter?! Na pangarap mo... simula nung bata ka pa lang?!"

Alam ni Autumn na pagiging over-dramatic ang inaasta niya ngayon, ngunit hindi niya ito maiwasan. Nagi-guilty siya at the same time, nagagalit. Nagagalit siya sa sarili niya dahil kung hindi siguro siya umalis, naging successful painter na siguro si Clinton ngayon. Hindi sana nito tinalikuran ang pangarap na pinaghirapan niya para lang maabot. Ngunit nung dumating siya, nagawa nitong ito'y talikuran.

Si Clinton naman, hindi ring maiwasang mainis. Nakaraan na kasi 'yun at ayaw niya ng pag-usapan. Tyaka, sarili niya naman iyong desisyon at hindi naman siya pinilit ni Autumn na gawin iyon. Ngunit gaya ng laging nangyayari, nangibabaw ang pagmamahal niya rito. Napabuntong-hininga siya at nilapitan si Autumn, lumuhod siya sa harapan nito para maging magka-level sila. Hinawakan niya ang pisngi nito at iniangat para makita niya ng mabuti. Namamaga na ang mata nito kaka-iyak.

"Autumn, listen." Paninimula ni Clinton. "Hindi mo kasalanan kung bakit ko tinalikuran ang pagiging painter. Desisyon ko 'yun at ginusto ko 'yun. At hindi rin ibig sabihing dahil tinalikuran ko ang pagpi-paint ay tinalikuran ko na ang pangarap ko. Finding you is my dream. Having you is my dream. To be with you is my dream. You are my dream, Autumn."

Nandun pa rin 'yung guilty at inis sa sariling nararamdaman ni Autumn kanina, ngunit nangingibabaw 'yung saya at kilig dahil sa sinabi Clinton. Halos pumutok na rin ang puso niya sa sobrang bilis ng tibok nito. Gusto niya rin itong sabihan na kahit ano pa'ng sabihin nito, siya pa rin ang dahilan kung bakit tinalikuran nito ang pagpi-paint. At kung bakit ginagawa nitong maganda ang isang masaklap at nakakainis na sitwasyon. Ngunit walang lumalabas sa bibig niya. Nalulunod ang buong puso niya sa pagka-overwhelm sa sinabi ni Clinton.

"I love you, Autumn. At ikaw ang lagi kong pipiliin kaysa sa pagpi-paint o kahit pagiging doctor. Kasi makokontento na 'ko sa buhay basta nandyan ka sa tabi ko."

And they kissed. A torrid and passionate kiss. Dito na binuhos ni Autumn ang pagmamahal niya kay Clinton. Pati ang mga hindi niya masabi dahil kulang lang ang mga salitang 'yung para i-describe ang nararamdaman niya para rito. Nararamdaman rin ito ni Clinton. Halos malunod na nga siya sa mga halik ni Autumn.

Kinarga ni Clinton si Autumn paakyat sa kwarto niya, without breaking the kiss. Dahan-dahan niya 'tong binagsak sa kama. He's exploring his hands all over her body. Autumn can't help but to moan. He found the hem of her shirt and pulled it off. His kiss went down from her lips, starting in the chin. She carefully unbuttoned his shirt and also take it off from his body. He pause and stared at her. From her almost naked body to her face. Autumn also did the same. From his Michaelangelo body to his perfect face. He put a feather-like kiss to her lips and smiled.

"Are you sure you want to do this?" Clinton is still smiling, pero halata rin ang pag-aalala sa tono niya. Autumn smiled.

"Yes, I always do. I'm always sure of you."

Blink --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon