Chapter 12

513 10 0
                                    

Ilang araw na rin ang nakalipas. Papunta ngayon si Clinton sa bahay nila kasama si Autumn. Galing sila ng sea wall kanina at naalala ni Clinton ang pangako niyang magba-bike sila lagi. Kaya inikot muna niya sandali si Autumn bago sila dumiretso sa bahay nila. Sinalubong sila ni Jenny na tumalon-talon sa saya nung nakita si Autumn.

"Good afternoon po." Bati muna ni Autumn sa parents ni Clinton.

"Ganun rin sa'yo, hija. Mabuti't nakadalaw ka rin rito sa bahay namin" Bati naman ng mama niya.

"Hi Autumn!" Masayang bati ni Gia. "Mabuti dinala ka rito ni Clinton. Nakalimutan ko kasing magpasalamat sa'yo."

"Para sa'n po?"

"Para sa perfume. Ang bango ha! Tyaka, sa pagtugtog ng piano. Naging memorable ang debut ko dahil sa'yo."

"Pasalamatan niyo po si Clinton Gabriel. Kung hindi niya po ako pinilit, hindi ko po gagawin 'yun."

Tiningnan ni Gia si Clinton ng nakakaloko na sinuklian niya naman ng ano-na-naman look.

"Ate Autumn, pwedeng mag-laro tayo sa kwarto ko ngayon? Please." Singit ni Jenny na kanina pa kating-kating makipag-laro kay Autumn.

"Hindi pwede." Pang-iinis na sagot ni Clinton sa nakababatang kapatid.

"Ikaw ba si Ate Autumn?" Mataray naman nitong sagot.

"Clinton Gabriel, okay lang. Makikipaglaro ako kay Jenny." Natatawang sabi ni Autumn. Dinilaan naman ni Jenny si Clinton na ginantihan rin nito. Agad hinila ni Jenny si Autumn papunta sa kwarto niya na nasa taas pa.

"Ingatan mo si Autumn, Jenny!" Sigaw ni Clinton sa kanya.

"Alam ko kuya! Hindi naman ako tanga!" Natawa naman si Autumn sa sinabi ni Jenny habang paakyat sila.

"Siya lang ata ang tumatawag sa'yo gamit ang buong pangalan mo, anak." Sabi ng mama niya habang pumapasok na ulit sa kusina at pinagpatuloy ang pagluluto ng hapunan.

"Siya lang po talaga. Nagagandahan raw po kasi siya sa pangalan ko."

"Aba! Talagang maganda ang pangalan mo, Clint. Galing kaya 'yan sa mga lolo mo." Sabi ng papa niya.

"Bakit mo nga pala nadala rito si Autumn? Ipapakilala mo na ba siya sa 'min ngayon as girlfriend mo?" Panunukso na naman ng ate niya. Pero kung dati ay umaangal pa siya, ngayon ay nginitian niya na lang ito. Napansin ito ng ate niya at parang nalaman nito agad kung ano ang ibig sabihin ng mga ngiting iyon.

"Kayo na?!" Gulat na tanong ni Gia. At dahil din rito, napalingon ang mama at papa nila kay Clinton. Nakangiti, namumula, at kinikilig na tumango si Clinton. Nabitiwan ng mama niya ang hinahawakan nitong kamatis.

Napagdesisyunan ni Jenny na tea party ang lalaruin nila ni Autumn. Pinasuot niya si Autumn ng isa sa mga collection niyang European Hat at may kanya-kanya rin silang teddy bear na kunwari, mga kasama nila. Tawag rin nila sa isa't-isa ay "lady" dahil nasa isang prestigious at private tea party rin daw sila.

"Lady Autumn, pwede ba kitang matanong?" Sabi ni Jenny habang iniinom raw kunwari ang isang tea mula sa laruang plastic niyang tea cup.

"Ano 'yun, Lady Jenny?"

"Girlfriend ka na ba ni Kuya Clint?"

"Nasabi niya na pala sa inyo?" Kasi kung oo, wala pa'ng nake-kwento si Clinton about rito sa kanya. Siguro nakalimutan lang.

"Wala siyang sinabing kahit ano."

"Eh pa'no mo nalaman?"

"Napansin ko lang."

Blink --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon