Chapter 28

493 11 0
                                    

Kinabukasan, sa bahay naman nila Autumn bumisita si Clinton. May dala siyang wine mula sa pagawaan nila dahil sinabihan siya nito na magdala para raw makatikim ang pinsan at manager niya. Sinalubong siya ni Autumn pagkarating niya sa bahay nito at dumiretso muna sila sa kusina.

"Nasa'n ang mga kasama mo?" Tanong ni Clinton nung napansing tahimik ang buong bahay.

"Bibili raw sila ng cheese cake."

"So wala kang kasama rito ngayon?" Tumango si Autumn. "Lagi ka ba nilang iniiwan mag-isa rito?" Pag-aalalang tanong ni Clinton.

"Hindi. Actually, ngayon lang. Alam kasi nilang dadating ka kaya alam nilang may makakasama ako habang wala sila."

"Eh pa'no kung late akong dumating tapos may nangloob sa'yong masamang tao habang ikaw lang mag-isa rito?"

"Clinton Gabriel, don't be paranoid, okay."

"Ayoko lang namang may mangyaring masama sa'yo." Concern na sagot naman ni Clinton.

"I know. Kaya nga lagi kong sinisigurado na walang mangyayaring masama sa 'kin dahil ayoko ring nag-aalala ka." Paga-assure ni Autumn kay Clinton sabay bigay rito ng encouraging smile. Napangiti rin naman si Clinton at medyo nawala rin ang pag-aalala niya. "Halika, ipapakita ko sa'yo ang mga niluto ko." Sabi ni Autumn habang hinihila si Clinton papunta sa breakfast stool kung sa'n nakalagay ang mga pagkain.

"Ay, tingin lang?" Paawang tanong ni Clinton sabay yakap kay Autumn mula sa likod.

"Matitikman mo rin naman. Pero pagdating na nila Sophie."

"Kahit 'yung macaroni lang?"

"Hindi. Kailangan mong maghintay."

"Okay." Malungkot raw nitong sagot. "Pero pwede ka bang tumugtog ng piano?"

"Ngayon na?" Gulat na tanong ni Autumn. Tumango naman si Clinton. "Bakit naman?"

"Huli kitang nakitang mag-piano is nung debut ni ate. Na-miss ko rin ang peaceful mong mukha kapag nagpi-piano."

"Oo nga noh. Tyaka, first time mo rin 'yun."

"Well... actually... pangalawang beses na 'yun." Agad lumayo si Autumn sa pagkakayakap niya kay Clinton at tiningnan ito ng anong-ibig-mong-sabihin look. Huminga muna ng malalim si Clinton bago nag-simulang magpaliwanag. "Naalala mo nung araw na muntik na kitang nabangga?"

"Hinding-hindi ko makalalimutan ang araw na 'yun. Ba't mo naman natanong?"

"Nung araw na 'yun, pagkatapos kong pumasok sa school, pumunta ako sandali sa plantation dahil pinapakuha sa 'kin 'yung mga wine na gagamitin sa debut ni ate. Pa-uwi na 'ko nun sa bahay nang napadaan ako sa bahay niyo. Well, that time, hindi ko naman alam na bahay niyo 'yun. May naririnig akong nagpapatugtog ng piano at the same time, bukas 'yung gate ng bahay niyo kaya, 'di ko napigilang pumasok. Hinanap ko 'yung pinagmumulan ng tunog ng piano tapos ayun, nakita kita." Humina ang boses ni Clinton nung sinabi niya 'yung last two words dahil sa hiya. At the same time, hindi siya makapaniwalang natago niya 'yun sa sarili niya for 12 years.

"Ikaw 'yung narinig kong biglang tumunog ang cellphone?" Tumango naman ito. "Ba't 'di mo sinabi sa 'kin 'yan dati?" Tanong ni Autumn.

"Nahihiya ako eh. At the same time, natatakot rin na baka 'pag sabihin ko sa'yo, magagalit ka." Hinampas naman ni Autumn si Clinton sa dibdib. "Aww! Kita mo na?"

Blink --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon