Hindi na naghapunan si Clinton sa kanila dahil nabusog na siya sa binigay na early dinner ng mommy ni Autumn. Pero kumain siya ng dessert nila na macaroni salad dahil paborito niya ito.
"Kumusta naman ang pag-bisita mo sa bahay ng girlfriend mo, Clint?" Tanong ng papa niya.
"Pa, 'di ko nga po siya girlfriend." Ulit na naman ni Clinton sa kanila.
"Future girlfriend pa po, Pa." Singit naman ng ate niya.
"Hay ewan ko sa inyo! Okay lang naman po ang pagpunta ko dun sa KAIBIGAN ko." Inemphasize niya talaga ang salitang "kaibigan" para 'di na mangulit 'tong pamilya niya. "'Yun nga po, pagdating ko binigyan ako ng early dinner ng mommy niya. Pero..."
"'Yung nanay o 'yung tatay?" Tanong ng pamilya niya maliban sa bunsong si Jenny.
"Tatay 'yan. Binigyan raw kasi siya ng early dinner ng mommy nun eh, kaya mukhang okay siya sa nanay." Na-iibang sabi ni Jenny. Alam na talaga ng pamilya niya kung ano ang ibig sabihin ng "pero". Sinundan ba 'ko ng mga 'to kanina?
"Tatay nga ba, Clint?" Tanong ulit ng tatlo. Tumango si Clinton bilang tugon.
"Naku! Baka maging Romeo & Juliet ang istorya niyo niyan, anak." Sabi ng mama niya.
""You and me against the world" ang motto niyo niyan, kuya, pagdating sa tatay niya." Ganun rin si Jenny.
"Mahirap pa naman i-please ang mga tatay." Ganun rin si Gia.
"At baka pahirapan ka niyan, anak. Naku, kahit magiging balae ko 'yan, papatulan ko pa rin 'yan." At ganun rin ang papa niya. Matagal rin natahimik ang paligid dahil natulala sandali si Clinton sa mga pinagsasabi ng pamilya niya.
"Ano ba'ng pinagsasabi niyo?" Ang tanging natanong niya.
"Binabalaan ka lang namin." Sabay naman nilang sagot. Napa-question mark ng tingin na lang si Clinton sa kanila.
"Ang kulit niyo rin noh?" Sermon na naman ni Clinton. "Siya nga pala, inimbitahan ko 'yung KAIBIGAN ko sa debut ni ate. At 'yan ang pinunta ko sa kanila, para ipag-paalam siya." Pangalawang beses niya ng inemphasize ang salitang "kaibigan" kaya sana hindi na mangulit 'tong pamilya niya.
"So, ipapakilala mo na siya sa 'min, kung ganun?" Excited na tanong ng mama niya.
"Maganda ba ang girlfriend mo kuya?" Tanong ni Jenny. Napasapo na lang sa ulo niya si Clinton at kinuha ang bowl ng macaroni niya sabay akyat sa kwarto niya.
"Ang hirap niyo kausap!" Sigaw niya sa mga ito habang paakyat.
Ngayong araw na ang debut ng ate ni Clinton. Nasa venue na silang lahat: sa pinamanang lupa na ginawa na ring plantation ng papa niya. Nagpa-iwan siya sa bahay dahil susunduin niya pa si Autumn. At ayaw niya ring tuksuin na naman siya ng pamilya niyang ayaw maniwala na hindi niya nga girlfriend si Autumn. Kung totoo nga lang sana talaga 'yan eh.
Sinigurado muna ni Clinton na presentable at gwapo na siyang tingnan bago siya umalis para sunduin na si Autumn. Mabilis pero dahan-dahang nag-bike si Clinton para hindi masira ang buhok niyang isang oras niya ring inayos.
Pagkarating niya sa bahay nila Autumn, sobrang tahimik ng paligid. Nung una, akala niya walang tao. Malapit na siyang ma-disappoint ng biglang bumukas ang pintuan. Nakahinga siya ng maluwag at bumalik ang excitement niya. Nung nakita niya si Autumn, ang mabilis ng tibok nang puso niya kapag nakikita ito, ay mas lalo pang bumilis. Wow.
Naka-suot si Autumn ng blue pencil dress at white gloves na hanggang siko. Katulad naman ng kay Audrey Hepburn ang buhok niya at sobrang light lang na make-up, kaya litaw pa rin ang natural niyang kagandahan. Dahan-dahan siyang lumapit kay Clinton sa tulong na rin ng baston niya.
"Hi, Clinton Gabriel." Hindi kaagad nakasagot si Clinton dahil hindi maalis ang tingin niya kay Autumn. "Clinton Gabriel?"
"H-ha?" Gulat na sabi ni Clinton. "Ah... h-hi, Autumn. A-ang ganda mo." Napangiti si Autumn.
"Thank you." Sabi niyang namumula. Si Clinton naman ang napangiti nung nakita niyang namula si Autumn.
"Nasa'n nga pala ang parents mo?" Tanong ni Clinton.
"May business trip si papa, si mama naman binisita sandali ang grandparents ko."
"So ikaw lang mag-isa rito ngayon?"
"Hindi naman. Nandito rin 'yung mga maids. Siya nga pala, regalo ko sa ate mo. Sana tumatanggap siya ng perfume." Sabi ni Autumn sabay bigay sa isang box.
"Kahit ano naman tinatanggap nun eh. Tara na?"
"Sige."
Inalalayan ni Clinton si Autumn sa pagsakay sa bike. Pagkatapos ay umalis na sila.
Habang nasa daan sila, napansin ni Clinton na mas lalong lumiwanag ang mukha ni Autumn at mas lumawak ang ngiti niya.
"Ba't parang ang saya mo yata ngayon?" Tanong ni Clinton.
"Ang sarap kasi ng hangin. Tyaka, ang sarap sa pakiramdam. Ganito pala ang nararamdaman mo kapag nakasakay ka sa bike, tapos araw-araw pa."
"Oo. Kaya nga bike ang lagi kong ginagamit kasi nakakawala ng stress. Lalo na kapag galing ka ng school at lagi mong naririnig ang nakaka-iritang accent ng maestro mo." Pagbibiro ni Clinton na tinawanan naman ni Autumn.
"Pero Clinton Gabriel, sana hindi ito ang last time na makakasakay ako ng bike."
"Syempre naman! Kahit araw-araw pa kitang isakay sa bike, walang problema sa 'kin." Wala naman talagang problema pagdating sa'yo.
"Salamat ha. Lagi mo na lang talaga akong pinagbibigyan, baka maging spoiled na 'ko sa'yo niyan." Natatawang pagbibiro ni Autumn.
"Okay lang noh." Tyaka handa ko namang ibigay at gawin ang gusto mo, as long as nakikita kitang masaya.

BINABASA MO ANG
Blink --- COMPLETED
Romance[TAGALOG STORY] A love story that happened in a blink of an eye. ***Again, pagpasensyahan ang WRONG GRAMMAR, TYPOS, at kung ano ano pa HAHAHAHA XD