Chapter 23

455 10 0
                                    

Pagkalapag ng eroplano, agad tumayo si Autumn at Sophie para sila ang unang makalabas. Pagkatapos ay dumiretso sila ng rest room para makapag-bihis ng disguise outfit niya si Autumn. Kahit hindi niya sinabi sa lahat na babalik siya rito sa bansa, kumalat pa rin ito sa mga social networking sites at lalong-lalo na sa media. Kaya kailangan niyang mag-disguise para hindi siya makilala ng mga ito. Gusto niya kasing tahimik lang ang pananatili niya sa bansa, kaya nga siya umuwi para magpahinga sandali.

Habang nagbibihis siya, sinilip naman ni Sophie kung ilang media ang naghihintay. At nung bumalika siya ay tapos ng mag-bihis si Autumn. Nakasuot siya ng wig na blonde and curly na tinatabunan ang brown niyang buhok at sobrang lame na damit. Ibang-iba sa nakikita ng media na sophisticated and elegant na Autumn Gutierez. Naka-suot rin siya ng glasses para matago ang kulay abo niyang mata.

"Marami ba sila?" Tanong ni Autumn kay Sophie na naka-disguise rin. Nakasuot rin siya ng curly pero black wig na tintabunan ang red hair niya, at sun glasses na tinatabunan ang green eyes niya.

"Oo. Marami-rami rin ang bubunuin natin. Pero matatakasan natin 'yan! The car is here already, by the way."

"Okay. Let's go." Huminga ng malalim si Autumn at nagsimula na silang naglakad palabas ng airport.

Dumaan sila sa mismong gitna ng mga reporters at camera pero ni-isa sa kanila ay wala namang lumingon. Nalagpasan nila ang mga ito ng hindi pa rin sila napapansin at agad silang sumakay sa kotse. Agad nilang tinanggal ang mga wig at sun glasses pagkapasok nila sa kotse. At sabay silang nagtawanan.

"Success!" Sigaw ni Sophie.

Titira sila pansamantala sa dating bahay nila Autumn. Mga tatlong buwan lang sila rito at babalik na sila agad sa U.S. dahil may naghihintay pang mga projects para sa kanilang dalawa. Habang papunta sila sa bahay nila Autumn, napadaan sila sa sea wall.

"Huminto ka muna sandali, manong." Hininto naman ng driver ang kotse sa tabi.

"Bakit?" Pagtataka ni Sophie.

"Sandali lang 'to." Sagot ni Autumn sabay labas ng kotse.

"Teka, Autumn! Baka may makakilala sa'yo!" Pero hindi siya pinansin ng pinsan kaya lumabas na lang din siya ng kotse.

Umupo si Autumn sa sea wall at nilanghap ang sariwang hangin mula sa karagatan. Naalala niya 'yung sinabi ni Clinton na kasing-kulay ng karagatan na 'to ang mata nito. Kinuha niya ang wallet niya at tiningnan ang litrato nilang dalawa na dito rin kinunan.

"Ahh. Kaya pala." Sabi ni Sophie habang sinisilip ang litrato.

Hindi lang pagpapahinga ang pinunta rito ni Autumn, gusto niya ring makita na ulit si Clinton. Gusto niyang magpaliwanang rito kung bakit umalis siya ng walang paalam at gusto niyang humingi ng sorry. Gagawin niya ang lahat para mapatawad lang siya nito, kahit kailangan niyang manatili rito ng higit sa tatlong buwan.

"Sure ka ba'ng wala pa 'yang girlfriend?" Napalingon naman si Autumn sa tanong ng pinsan niya. "I mean, it's obvious na you still love that guy na nasa picture. Ni hindi ka nga nagpaligaw sa kahit na sino man sa U.S. eh." Napabitiw ng buntong hininga ni Autumn bago sinagot ang pinsan.

"Well, kung ganyan man, wala na 'kong magagawa. What's important for me is that mapatawad niya 'ko at matanggap niya ang explanation ko." Inaasahan na ni Autumn na baka nga may bago ng girlfriend si Clinton, baka nga asawa pa. 12 years rin silang walang komunikasyon at balita sa isa't-isa. Pero umaasa pa rin siyang mabalik nila ang dati nilang pagsasama, umaasa siya ng sobra kaya hinahanda niya na rin ang sarili na masaktan ng sobra.

Blink --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon