Chapter 33

382 9 0
                                    

Nasa kalagitnaan ng meeting si Clinton nung natanggap niya ang balita mula sa secretary niyang nurse. Bakit bumalik? Sana naman mali ang iniisip ko. Eto lang ang tumatakbo sa isipan niya habang nasa meeting hanggang sa patakbo siyang pumunta sa hospital room ni Autumn. Hindi siya mapakali, pakiramdam niya konting maling galaw niya lang ay may masama pa'ng mangyayari. Alam niyang hindi niya naman kasalanan kung bakit bumalik ang sakit ni Autumn, ngunit hindi niya maiwasang 'yun ang maramdaman.

"Autumn!" Tawag niya agad pagkapasok niya sa silid nito. Napatingin sa kanya sila Sophie pati ang mommy ni Autumn, habang si Autumn naman ay mahimbing ang pagkakatulog.

"Pinatulog po muna namin siya sandali dahil iyak siya ng iyak." Sabi ni Sandra sa kanya. "Kanina pa po siya nakatulog kaya maya-maya lang po ay gigising na siya."

"Salamat, Sandra." Pagkatapos nun ay lumabas na ito sa silid. Umupo naman si Clinton sa upuang katabi ng higaan. Nakikita niya pa ang nangingilid na luha mula sa mga nakapikit na mata ni Autumn. Napabuntong hininga na lang siya sa sobrang bigat ng nararamdaman niya ngayon para rito.

"Bakit bumalik ang sakit niya, Clinton?" Umiiyak na tanong ng mommy nito. Ni hindi niya napansing lumapit na pala ito sa kanya.

"Wala rin po akong idea kung bakit." Nanlulumo niya namang sagot. "Hintayin na lang po natin siyang magising para mapa-CT scan natin at makita kung anong problema."

"Iyak siya ng iyak kanina. Halos hindi mo na siya mapatahan." Sabi naman ni Sophie na naka-upo sa sofa kasama ang Tita Sonia nila at si Ada.

Biglang may kumatok sa pintuan at pumasok ulit si Sandra.

"Doc, nandito na po si Dra. Felman. Hinahanap niya po kayo." Sabi niya kay Clinton.

"Lalabas lang po ako sandali. Babalik rin po ako agad." Pagpapa-alam niya. Hinawakan niya muna ng mahigpit ang kamay ng natutulog na si Autumn bago lumabas ng silid.

Dumiretso si Clinton sa office ni Dra. Felman at naabutan niya itong may kinakausap sa telepono. Pina-upo muna siya nito at pinahintay sandali. Pagkatapos ay masaya siyang binati ni Dra. Felman, ngunit nung napansin nito na parang may problema si Clinton, napawi ang ngiti nito at concern siyang tiningnan.

"Is there a problem, Clinton?" Tanong nito.

"It's about Autumn. Bumalik ang sakit niya."

"What?! But how? Na-maintain ba ang drops at check-ups?" Gulat naman nitong response.

"Yes. Kahit ako wala akong idea."

"Wait." Sabi ni Dra. Felman nung bigla siyang may na-realize. "What if --"

"No!" Agad na sagot ni Clinton kahit hindi pa ito natapos sa pagsasalita. Alam niya na kasi kung ano ang sasabihin nito. "I don't want to think na may sakit siyang ganun. At isa pa, wala naman akong nakikitang signs."

"Pero isang beses na pananakit ng ulo lang ang sign nun, Arellano. Pa'no kung --"

"Please, doc. Ayokong isipin na ganun. Ayokong..." Napahinto siya. Ayokong mawala na naman siya sa 'kin. At sa pagkakataong 'to... ng tuluyan.

Napabuntong-hininga si Dr. Felman. "I know she's special to you, Donna told me that while nasa medical mission pa kami. But Clinton, as a doctor and also, as a human, you should always expect the worst. Life is not always about fairytales and happy endings."

Blink --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon