Epilogue

763 18 2
                                    

6 years later

Mag-gagabi na, kulay kahel na rin ang langit. Parang sinusundan sila ng lumulubog na araw habang nagbibiyahe.

"The sun is following us!" Excited nitong sabi sabay turo.

"Because the sun likes you, sweety." Lumingon ito sa kanya ng may nagtatakang mukha.

"Why does the sun likes me?"

"Because she knows that you're my sunshine." Napangiti naman ito ng pagkalakilaki at hinalikan siya sa pisngi.

"I'm mommy's sunshine!"

Yes, he is. Sa panahong pakiramdam niya ay wala na siyang pag-asa, dumating ito. Sa panahong pakiramdam niya ay wala na siyang mundo, dumating ito. Pinuwang nito ang akala niya ay wala na sa kanya. Nagkaroon ulit siya ng dahilan para mabuhay. Nawala man si Clinton, may bagong Clinton naman ang dumating sa buhay niya.

Pinangalan niya 'to kay Clinton at sa tulong na rin ng parents nito, nakuha ng anak nila pati ang apelyedo. Little Clinton at Clinton Jr. ang kadalasang tawag sa kanya ng family at friends nila. Pero si Autumn, mas piniling tawagin itong Clinton Gabriel, kagaya ng sa daddy nito. At hindi rin sila nagkamaling ipangalan ito rito. Habang lumalaki kasi si Clinton Jr., mas lalong nahahalata na nagmana ito sa tatay. Mula sa pagkahilig nito sa bacon at arts, hanggang sa itsura nito. Maliban nga lang sa kulay ng mata. At first, from brown unti-unti itong naging blue. Pero ngayon, unti-unti na itong nagiging gray.

At simula nung marunong na itong magsalita at umintindi, lagi na nitong tinatanong kay Autumn kung sino at saan ang daddy niya. May halong kirot pa ring nararamdaman si Autumn tuwing kinikwento niya rito si Clinton pero mas nangingibabaw ang saya niya tuwing nakikita ang anak na abot langit ang ngiti kapag nakikinig ng mga kwento niya tungkol sa daddy nito.

"We're here." Sabi ni Autumn habang pinaparada ang kotse. Excited naman na bumaba si Clinton Jr.

"Mommy faster!" Sabi nito habang tumatakbo papuntang dalampasigan.

"Okay, okay!" Sagot naman niya sa anak habang natatawa dahil sa sobrang excited nito. "Be careful Clinton Gabriel!"

"Yes mommy!"

Kinuha ni Autumn ang isang picnic basket sa likod at isinabit ito sa siko niya. Pagkatapos ay bumalik siya sa front seat para kunin ang isang kahon na gawa sa bato. Medyo mabigat ito kaya dahan-dahang niya itong niyapos ng maigi. Ito ang katabi niya sa buong biyahe.

Pagkadating niya sa dalampasigan ay naabutan niyang nakikipaglaro sa alon ang anak. Hindi niya maiwasang mapangiti. Masayahin ito, laging nakangiti at nakakapagwala ng problema. Gustong-gusto ni Autumn na nakikita itong nakangiti. Hindi lang dahil sa isang siyang ina, kundi dahil na rin katulad ito ng mga ngiti ng kanyang ama.

Nilapag ni Autumn ang kahon at basket sa parte ng buhangin na hindi naaabot ng alon. Naglapag siya ng picnic blanket at inilapag niya dun ang mga pagkain. Pagkatapos ay napalingon siya sa tanawin mula sa dalampasigan. Tanaw na tanaw niya ang sea wall mula rito. At kahit mahaba ito, alam na alam niya kung saan banda sila lagi ni Clinton dati tumatambay. Tinitigan niya ito sandali, at pagkatapos ay napatingin siya sa kahon. We're almost there.

"Bacon sandwich!" Nabaling ulit ang atensyon ni Autumn sa anak na papatakbo na patungo sa kanya. Agad naman niyang nilabas ang paborito ng anak mula sa basket. Binuksan niya ang plastic container na kinalalagyan nito at binigay sa anak pagka-upo nito sa blanket.

"Do you want orange juice, Clinton Gabriel?"

"Okay mommy." Sagot nito habang puno ng sandwich ang bibig. "But when can I drink that wine lolo made?"

"When you're already old enough, Gab." Sagot niya gamit ang paboritong palayaw nito na dahilan ng pag-ngiti nito.

"But when mom? When I'm already 18? Because you said before that 18 is the legal age."

"Your lolo made a wine that you can drink even though you're still 15."

"So I can drink that wine if I'm already 15?" Tumango si Autumn bilang tugon. Binilang naman nito sa kamay kung ilang taon pa bago siya mag-15. "9 years? Do you think that's long mommy?"

"No. And besides, you're already a big boy, right?" Nung narinig ito ni Clinton Jr., napatayo ito at itinaas ang dalawang brasi para ipakita ang maliliit pa nitong muscles.

"Yes! I'm already a big boy! And I'm mommy's big boy!" Sabik nitong pagmamalaki na sinuportahan naman ng mommy nito sa pamamagitan ng pagpalakpak.

"Sige na. Finish your sandwich now."

"Yes mommy!"

Pagkatapos nilang kumain at maglaro rin sandali, ginawa na nila ang tunay nilang pakay kung bakit sila pumunta rito. Nilabas ni Autumn ang urn mula sa kahon at dinala sa dalampasigan kung saan naghihintay ang anak niya. Nung nakita nito ang urn, lumawak ang ngiti nito at agad niyakap ang urn pagkalapit sa kanya.

"Hi daddy!" Sabi nito habang niyayakap ang urn. Pinaintindi ni Autumn rito sa pinakamadali na paraan kung bakit nasa loob ng urn ang daddy nito. Na nandun ang daddy niya para hindi mahiwalay sa kanila kahit hindi nila ito nakikita physically. Nung nagtanong ito kung kailan niya makikita ang daddy niya, sinagot naman ni Autumn in a very honest way na kaya niyang sabihin sa anak niya. "In the right time."

"Why are we here nga ba?" Tanong ni Autumn sa anak. Tiningna naman siya ng mga inosenteng mata nito

"To let go of daddy."

"Why are we letting go of daddy?"

"So he can watch us and be with us wherever we go." Nginitian naman ito ni Autumn sabay halik sa noo nito.

"Very good, Clinton Gabriel." Complement niya rito. "Here, help me."

Binuksan niya ang urn na pinaglalagyan ng abo ni Clinton. Simula nung napasakamay ito ni Autumn, ngayon niya lang ito nabuksan. Dahil ngayon lang siya naging handa. Sabay nilang inihagis ang abo nito sa karagatan. Pagkahagis nila nang abo ay para bang lumuwag ang dinadala niyang kung ano sa dibdib niya. Hindi niya ma-explain kung ano iyon. Basta ang alam niya ay gumanda ang pakiramdam niya.

"I love you, daddy." Bulong ni Clinton Jr. pagkatapos nilang ihagais ang abo nito. Napangiti naman si Autumn sa narinig mula sa anak.

"Daddy loves you, too Clinton Gabriel."

"And daddy loves mommy also." Lumawak ang ngiti ni Autumn at hinalakan ang anak sa pisngi.

Totoong mahirap mag-move-on. Lalo na at kapag 'yung taong kailangan mong i-move-on ay binago ang buhay mo sa pinakamagandang paraan, ginawang maligaya ang buhay mo, at inakala mong magiging kapiling mo na habang buhay. Pero ang pagmo-move-on, hindi imposibleng gawin. Mahirap lang sa simula, pero magiging madali rin 'yan kung bibigyan mo ng dahilan ang sarili mo para mag-move-on.

End...

Blink --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon