Chapter 3

1K 17 0
                                    

Pini-paint ngayon ni Clinton ang school field nila. 'Yan kasi ang punishment niya sa pagka-late. At pagkamalas-malas nga naman talaga, pagdating niya sa room, nandun ang head ng Art Program. Kaya ang ending, sermon galing sa maestro niya. Kesho siya daw ang best student tapos siya pa ang late. Kung maka-sermon parang lagi naman siyang late.

Actually, graduate na siya ng high school at dapat freshman na siya ngayon sa college. Kaso nga lang, kailangan niyang kumuha ng Art Program for one year para maka-pasok siya sa Art University na pinapangarap niya. Plus, ang college application at isang painting na gawa niya. Ang hirap mag-aral!

"Kumusta ang best late student?" Biglang sulpot ng best friend niyang si James. Parehas silang kumukuha ng Art Program dahil sa parehang rason rin.

"Kung maka best late student ka naman parang lagi akong late. Mas araw-araw ka pa ngang late kaysa sa 'kin eh."

"'Di kaya ako late ngayon! Eh kasi naman, sa lahat ng araw na male-late ka eh sa araw pa ng pag-bisita ng head natin."

"Hindi ko naman alam na ngayong araw pala ang bisita niya. Tyaka madaling araw na kaya natapos ang party kagabi."

"Sabihin mo 'yan kay head, tingnan natin kung maiintindihan ka. Mabuti nga't ikaw ang best student ni maestro kaya lusot ka. Dun ko kinuha ang "best late student", best student na late."

"Ha-ha. Kung ano-ano'ng pinag-sasabi mo eh"

"'Yan kaya ang tinuro ni maestro! Ehem-ehem! "Kung guztow niyoong mageng bheezt arthizt, kailangwan niyoong mag-izip ng khung ano-anow"" Sabi ni James na ginagaya ang french accent ng french nilang maestro.

"O sige na, sige na. 'Wag mo na nga akong istorbohin! Kailangan ko 'tong matapos before 4"

"Nga pala, alam mo na 'yung final project?"

"May final project na?" Nagulat siya dahil wala namang sinabi ang maestro nila tungkol sa final project.

"Ina-announce niya nung wala ka pa. Akala ko pa naman sinabi niya sa'yo nung sinesermonan ka niya kanina. Pero anyways, mag-paint daw ng para sa'yo, eh pinaka-magandang bagay sa buong mundo." Sabi niya sabay yugyug sa balikat ni Clinton at alis.

Pagkatapos na pagkatapos ipasa ni Clinton ang painting, agad siyang pumunta sa Grape Plantation, at the same time, bahay ng lolo niya. Debut na kasi ng ate niya next month, at may ipinabibigay na wine at mga grapes ang lola niya.

Isang taon lang ang gap ng ate niya sa kanya, kaya pinag-sabay na rin sila ng mga magulang nila sa pag-aaral. Maraming nag-akalang kambal sila. Pero ngayon, wala ng mag-aakala dahil nasa college na ang ate niya at siya ay magka-college pa lang.

Pagkarating niya sa plantation, agad siyang sinalubong ng napakalaking yakap ng lolo niya at halik sa pisngi ng lola niya. Pantay-pantay naman ang tingin ng grandparents niya sa kanilang magpipinsan pero parang may special treatment talaga pagdating kay Clinton. Nag-iisang lalakeng apo lang kasi siya kaya ganun.

Bago siya umalis, pinakain muna siya ng grape pie ng lola niya. As usual. Tinanong rin siya tungkol sa Art Program niya at kung ano-ano pa. Kailangan pa niya talagang dumaan sa mahabang interview 'pag nandun siya sa bahay ng grandparents niya.

Pagkatapos ng mahabang interview at pagkabigay ng lola niya sa wine at grapes, agad na siyang umalis.

Habang nasa daan, iniisip ni Clinton kung ano ang ipi-paint niya para sa final project. Para sa kanya, pamilya niya na ang pinaka-magandang bagay sa buong mundo. Pero ilang beses niya ng na-paint ang pamilya niya at gusto niyang iba na ang maging model niya para sa final project.

May dalawang idea na ang pumasok sa isip niya ng biglang napadaan siya sa isang malaking bahay. Napatigil siya sa pagba-bike nung may narinig siyang nagpapatugtog ng piano. Napakaganda nito na parang tunog ng mga alon sa isang kalmadong dagat na lagi niyang nadadaanan tuwing papunta siya sa school. Napansin niyang nakabukas ang gate ng bahay. Wala sa sariling pumasok siya rito. Para bang na-hypnotize siya ng tugtog.

Pagkapasok niya, agad niyang hinanap kung saan nanggagaling ang tugtog. Napakalaki nung bahay kaya nahirapan siyang hanapin ito. Hanggang napadaan siya sa balkonahe sa likod ng bahay.

May glass window na nakatabon sa balkonahe. Kaya parang anghel na tumutugtog ng piano ang babae dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kanya mula sa glass window. Nakapikit siya, para bang dinadamdam niya talaga ang bawat nota ng kanta. Hanggang sa tumigil siya sa pagtugtog at dinilat niya ang kangyang mga mata. Pamilyar kay Clinton ang babae, parang nakita niya na ito noon. Kinuha nung babae ang baston niya sa gilid at naglakad papunta sa kinaroroonan niya. Biglang natigilan si Clinton. 'Yung baston-- siya 'yung bulag na babae kanina.

Blink --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon