Chapter 40

538 11 0
                                    

Nanghihina na si Autumn pagkarating sa bahay nila. Nakakapagod umiyak, nakakapagod masaktan.

Kung kanina folder ang hawak-hawak niya, ngayon isa ng urn. Binigay sa kanya ng parents ni Clinton ang abo nito. Alam nilang gusto ni Clinton na manatili sa tabi ni Autumn. Alam rin nilang gusto ni Clinton na si Autumn ang magsaboy ng mga abo nito. At pakiramdam rin nila ay kailangan 'to ni Autumn ngayon.

Pagkababa sa kotse ay dumiretso siya sa kwarto niya ng walang kinakausap na kahit sino. Naiintindihan naman 'to ng pamilya niya, alam nilang kailangan pa ni Autumn ngayon ng time para maka-move-on. Pagkapasok niya sa kwarto ay nilapag niya sa bed-side table ang urn at umupo siya sa kama. Hinaplos-haplos niya ang kamay rito habang tinititigan ito. Na para bang kapag ginawa niya ito ay lalabas ang buong katawan ni Clinton. Sana ganun na nga lang ka-simple ang lahat. Sana lahat katulad na lang sa fairytale. May three wishes, may fairy god mother, at higit sa lahat, may happy ending. Unfair nga lang talaga ang universe, kasi binigay niya lang 'yan sa mga fairytale character.

Tumayo siya at kinuha ang litrato nilang dalawa ni Clinton na nakadikit sa salamin. Kung hindi siguro siya inoperahan, mangyayari kaya 'to? Mas gugustuhin niya pa'ng mabulag ng panghabang-buhay kaysa ganito. Mas masakit 'yung pakiramdam na wala sa tabi mo ang taong nagbigay sa'yo ng inspirasyon sa lahat ng bagay kaysa madilim na paligid. Mas masarap sa pakiramdam na katabi mo ang mundo kaysa nakikita mo 'to. Pero pa'no kung hindi talaga siya nabulag from the very first place? Siguro naging classmate pa sila ni Clinton nung elementary or high school. Siguro nakapagtapos si Clinton sa AU at naging magaling na painter at siya naman, ay naging magaling pa rin na pianist kahit dito lang siya nag-aral. Siguro... ikinasal na sila ngayon. Siguro... may pamilya na sila ngayon. Pero lahat ng 'yan, siguro lang.

May kumatok sa pintuan niya at bumukas ito. Nakita niya si Sophie mula sa salamin. "Autumn, gusto mo bang mag-lunch sa baba or hahatiran ka na lang ng lunch rito?" Mahinahon nitong tanong.

Nilingon niya si Sophie at bago pa man siya makasagot, biglang nagdilim ang lahat at nawalan siya ng malay.

Blink --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon