Chapter 21

435 13 0
                                        

12 Years Later

Kasing bilis ng pintig ng puso niya ang pagpindot niya sa mga piano keys. Kahit sanay na siyang mag-perform sa harap ng halos milyon-milyon ka-tao, hindi niya maiwasang kabahan. Mga malalaking tao rin sa music industry ang nanonood sa kanya kaya ganun. Pero imbis ito ang isipin niya, mas tinutuon niya ang pansin sa tinutog niyang kanta. Nakapikit niya itong nilalabas sa puso at ninanamnam rin ang resulta sa puso. At higit sa lahat, kapag nagpe-perform na siya, lagi niyang inaalala ang sinabi ng taong napaka-importante sa kanya. "Nagagawa mo naman kasi talaga lahat diba."

Natapos ang pagtugtog niya at ang sumunod ay ang malakas na palakpakan. Siguro nga mas malakas pa 'to sa palakpakan ng mga tao sa debut'ng 'yun, pero mas gusto niya 'yun kaysa sa mga ganitong palakpak. Kase, nandun siya, nanonood at pinapalakas ang loob niya. At kahit imposible, lagi niyang hinahanap ang mukha nito sa audience. Kahit hindi siya sigurado kung ganito pa rin ba ang mukha nito ngayon.

Sinalubong siya ng pinsan niyang si Sophie na isa ring musician, violin nga lang ang ginagamit nitong instrument. Sabay silang nag-aral sa Julliard. Ito rin ang main violinist niya kapag nagpe-perform siya with orchestra.

"Ayos lang ba ang pagtugtog ko?" Tanong niya kay Sophie pagdating niya sa back stage.

"Seriously, Autumn? Magso-sold-out ba 'tong concert mo kung hindi ka magaling? I mean, duh! This is your 3rd major concert! Dapat alam mo na 'yan!"

"Sophie naman, parang hindi ka nasanay sa 'kin." Sabi ni Autumn habang tinatanggal ang hairpins sa buhok niya na kanina pa makate.

"I will never get used to it, Autumn. Pati na 'yang pagka-irita mo sa hair pins." Sagot naman ni Sophie habang tinutulungan itong tanggalin ang mga hairpins niya. Rinig na rinig pa rin sa labas ang pagche-cheer at palakpakan ng mga tao, at rinig na rin ang yapak ng mommy ni Autumn na paparating na sa backstage.

"Hey Sophie." Bati ng mommy ni Autumn sa pinsan nito sabay yakap. Pagkatapos ay tinuon niya ang pansin sa anak. "Autumn!" Sabi niya sabay yakap sa anak.

"Hi mom." Niyakap niya rin ang mommy niya.

"You're so amazing in the stage. I'm so proud of you." Parang mangiyak-ngiyak nitong sabi.

"Thank you mom."

"Osha, sa after party na lang tayo magkita at alam kong may interview ka pa." Hinalikan niya muna sa pisngi si Autumn at pati na rin si Sophie bago siya umalis.

Pagkatapos ng interview at after party, agad ng umuwi sa apartment nila sila Autumn. Silang dalawa ng pinsan niya ang nakatira rito. Graduation gift ito ng daddy niya na kamamatay lang last year dahil sa diabetes. Sinamahan muna sila sandali ng mommy ni Autumn na nakatira ngayon sa bahay nila kasama ang kapatid nito na walang asawa.

"May gusto kang kainin or inumin, mom?" Tanong ni Autumn sa mommy niya.

"'Wag na anak, alam kong pagod ka na kaya magpahinga ka na lang."

"Ako na lang po ang maghahanda, tita." Pag-aalok ni Sophie.

"Pagod ka na rin, Sophie. Magpahinga ka na rin." Pagtanggi ulit nito. Pumunta ito sa grand piano ni Autumn at tiningnan ang mga kanta na pinapatugtog nito. Graduation gift rin ng daddy niya ang grand piano. "May sinusulat ka na namang kanta, Autumn?" Tanong ng mommy niya nung nakita ang kantang hindi pa natatapos isulat. May pamagat itong "Colors of my Notes" at halos one-fourth pa lang ng papel ang nasusulatan.

"Yes mom. Last week ko lang 'yan sinimulan." Sagot nito. "And I insist na hindi ka man lang kakain rito bago ka umuwi ng bahay. Sophie, may ingredients pa ba tayo for pasta?" Tiningnan ni Sophie ang refrigerator nila at pagkatapos ay hinarap si Autumn.

"Yes, meron pa. I'll prepare it." Sagot nito at unti-unti ng nilabas ang mga ingredients.

"Okay. Magbibihis muna ako sandali at magluluto na tayo." At umakyat na si Autumn sa kwarto niya para magbihis.

"Kayo talagang dalawa! Kahit ang tatanda niyo na, ang kulit niyo pa rin!" Narinig niyang sabi ng mommy niya.

Pagkarating niya sa kwarto niya, kumuha agad siya ng pj's at t-shirt, pampalit sa cocktail dress niyang suot ngayon. Totoong pagod na siya, pero 'yung tipong pagod na kaya pa. Pagkatapos niyang mag-bihis, umupo siya sa harap ng salamin para tanggalin ang make-up niya. At ang una niyang nakita ay ang picture nilang dalawa na nakadikit sa salamin. Kinuha niya 'to at tinitigan ulit. Ito ang huli nilang pagkikita sa sea wall, at unang picture rin nila.

Simula nung umalis sila patungong U.S., lagi niya ng iniisip kung ano ang nangyari sa kanya. Kung nagalit ba ito sa kanya at kung napatawad na ba siya nito. Kung gaano na ba ito ngayon ka-successful painter. Kung ganito pa rin ba ang itsura nito... at kung may nararamdaman pa rin ba ito sa kanya. Kasi siya, oo. Wala na siyang ibang minahal na lalake kundi ito lang. Ni hindi siya nagka-boyfriend rito sa U.S. kahit maraming nagkaka-gusto sa kanya. Sobrang miss na miss niya na rin ito, at gustong-gusto niya na itong makita ulit. Kilala pa kaya siya nito? Sana. Kasi gustong-gusto ko na siyang yakapin.

Blink --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon