"Arellano." Pagtawag ng maestro nila kay Clinton.
"Good luck, Clinton." Sabi ng kaibigan niya na sinuklian naman niya ng sincere smile.
Agad naman itong tumayo at lumabas sa classroom nila. Nasa kabilang room kasi ang juries na magja-judge sa mga painting nila. Huminga muna siya ng malalim bago siya pumasok sa room.
"Good afternoon..." Tiningnan ng isa sa tatlong juries ang papel na kinaliligyan ng information about sa kanya. "Mister Clinton Gabriel Arellano."
"Good afternoon rin po." Sagot niya rin sa mga ito.
"Well, let's start. Can we see your painting?" Hinarap ni Clinton sa kanila ang painting niya. "Who's that? And bakit siya ang napili mo as model ng final project mo?"
"Isa po siyang special someone." Napangiti ang nag-iisang babaeng member ng jury sa unang sinagot ni Clinton.
"Sinabihan po kami ni maestro na i-paint ang para sa 'min, ay ang pinakamagandang bagay o tao. Ang una po talagang pumasok sa isip ko is 'yung grape plantation ng lolo ko at 'yung karagatan sa may sea wall. Let's just say isa na rin po ang pamilya ko, syempre, pamilya naman po talaga ang pinakamaganda sa lahat diba. Pero nung nakita ko po siya, biglang nag-bago ang isip ko." Napangiti si Clinton nung naalala niya ang unang beses na nakita niya si Autumn.
"Kung makikita niyo naman po, she really is beautiful, like an angel. But then, hindi lang po 'yan ang dahilan ko kung bakit siya ang pinili ko. Para po kasi sa 'kin, siya ang nagpapatunay na may pag-asa."
"Nakikita niyo naman pong gray ang kulay ng mata niya. And, isa rin po siyang bulag." Biglang napukaw ang atensyon ng mga juries sa narinig nila. "Parang isang bagyo po 'yung mata niya. Nakakasira ng magandang araw, which is ang maganda niyang mukha, at nakakasira pa ng buhay. Pero... ang ngiti niya ang nagsisilbing rainbow after the rain, or mas tamang sabihin na rainbow in the rain. Kasi kahit may bagyo pa'ng nangyayari, may faith and hope pa ring lumalabas. At hindi lang po sa mukha niya makikita 'yun, kundi pati sa sarili niya mismo. Kung pa'no niya po nagagawa ang mga bagay na may pag-asang kalapit. At kung pa'no niya nagagawa ang mga bagay na kung tutuusin... hindi niya dapat nagagawa. For example, pagpi-piano. Pag-asa na rin po 'yun para sa katulad niyang may kapansanan. Na hindi hadlang ang ano ma'ng kapansanan sa pangarap mo."
Sinasabi 'to lahat ni Clinton habang ina-alala ang lahat ng memories niya kay Autumn. Nung unang araw nila sa sea wall, unang beses niyang nakita itong mag-piano, unang halik nila, at ang unang beses na sinabi nila sa isa't-isa ang salitang "I love you". Walang sinabing kahit ano man ang mga juries, pero tinitingnan siya nito ng may ngiting galing sa mata.
Agad pumunta ng hospital si Clinton pagkatapos niyang mag-present. Hindi niya pa malalaman sa ngayon ang resulta ng presentation niya dahil kailangan pa rin nilang mag-bigay ng written report. Gusto niyang malaman ngayon kung kumusta na ba si Autumn at excited na rin siyang i-kwento dito ang mga nangyari. Ngunit pagkarating niya sa hospital room nito, wala na si Autumn. Nililigpit na rin ng mga nurse ang pinaghigaan nito.
"Excuse me? Nasa'n po ang pasyente rito?" Tanong ni Clinton sa dalawang nurse.
"Nag-discharge na po, sir." Sagot ng isa sa kanila.
"Po?! Nagkamalay na po ba siya?" Gulat at nagtataka niyang tanong.
"Ang pagkaka-alam ko, hindi pa. Siguro magho-home nursing na lang ang pasyente."
"Ahh... sige, salamat po." Medyo nalilitong sagot niya sa dalawang nurse sabay alis. Nagtataka siya dahil wala namang nasabi ang mommy ni Autumn sa kanya tungkol rito. Siguro, biglaan lang 'to. Parang kalmadong pumunta si Clinton sa bahay nila. Pero ang totoo, sa hindi malamang dahilan, kinakabahan na siya. Sana walang nangyaring masama. Pagkarating niya, agad siyang nag-door bell at pinagbuksan siya ng katulong ng mga ito.
"Ano po'ng kailangan nila?" Tanong ng katulong. Sumilip muna sa loob si Clinton bago niya ito sinagot.
"Nandyan po ba si Autumn?"
"Wala po sila rito."
"Ha? Pero sabi nung nurse sa ospital, eh umuwi na daw sila." Nagtatakang sabi ni Clinton.
"Opo. Pero hindi na po sila pumunta rito pagkatapos. Dumiretso na po sila ng airport."
"Airport?!"

BINABASA MO ANG
Blink --- COMPLETED
Romance[TAGALOG STORY] A love story that happened in a blink of an eye. ***Again, pagpasensyahan ang WRONG GRAMMAR, TYPOS, at kung ano ano pa HAHAHAHA XD