Chapter 10

556 17 2
                                    

Medyo marami ng tao pagdating nila Clinton. Sa sobrang raming tao, halos mapuno na 'yung buong lugar.

"Base pa lang sa ingay, mukhang napakarami na talagang tao. Akala ko ba kamag-anak at kaibigan niyo lang ang imbitado?" Tanong ni Autumn habang naglalakad sila papasok.

"Oo. Kamag-anak hanggang sa katuhod-tuhoran at kaibigan ng mga kaibigan."

"Wow! Parang buong syudad na rin ang inimbitahan niyo ha."

"Nasanay kasi ang pamilya namin na kapag ganitong mga importanteng celebration, lahat dapat ng malapit sa 'min at lahat rin ng related sa 'min, kailangan imbitahan."

"Pwede mo bang i-describe sa 'kin kung ano ang itsura ng buong lugar? 'Di lang dito banda sa 'tin kundi... 'yung whole talaga."

"Sure! Uhm... maliban sa napakaraming tao na nakasuot lahat ng lumang damit, ang mga chairs at tables din ay luma. Sa left side mo, nakahelera lahat ng pagkain, habang sa gitnang-harap naman ay may isang mini stage kung sa'n nagpapatugtog ang isang string quartet band. Lahat naman ng decorations ay puro kulay gold at black & white. Kalahati lang din ng lupa ang ino-occupy natin kasi plantation na 'yung natitirang kalahati, which is nasa right side. May man-made river na nagpapagitan sa kinalalagyan natin at sa plantation, connected naman ito ng isang stone bridge. Tapos, ang nasa harap natin ay ang mansion."

"May mansion kayo?" Paghanga at gulat na tanong ni Autumn.

"Oo. Kaso 'di kami tumitira rito. Masyado kasi itong malaki para sa 'min na lima lang. Dun na lang namin pinapatira ang mga trabahador ng plantation."

"Ang swerte ng mga trabahador niyo, ang bait ng amo nila."

"Mabait talaga si papa. Pinalaki kasi siyang dapat share your blessings to others at kahit umasenso na, magpakumbaba pa rin."

"Excited na 'kong makilala siya. Pati na rin ang iba mo pang pamilya, lalong-lalo na 'yung bunso niyo."

"Tara, hanapin natin sila para makilala mo at makilala ka na rin nila."

Hinanap nila ang pamilya ni Clinton. At habang nag-hahanap, may biglang sumulpot sa harapan nila. Si James.

"Hi Clintoooooon!" Bati ni James sabay yakap kay Clinton.

"O James! Mabuti nakarating ka rito mag-isa." Pagbibiro ni Clinton.

"Oo naman! Makapag-salita ka parang 'di pa ako nakapunta dito dati."

"Oo nga pala. Autumn, si James, bestfriend ko. James, si Autumn, kaibigan ko rin."

"Hi, Miss Beautiful." Bati ni James sabay halik sa kamay nito.

"Uhm... hi James." Bati rin sa kanya ni Autumn na medyo confuse.

Sinabihan ni James si Clinton na ang ganda ni Autumn na hindi naglalabas ng boses. Tinitigan naman siya ng masama nito. Dakilang babaero kasi 'tong si James at ayaw ni Clinton na madamay si Autumn sa mga kalokohan niya. Pero, napansin agad ni James na bulag si Autumn kaya tinanong niya ito ng wala pa ring boses kay Clinton. Tango naman ang tugon nito. Biglang nag-sad face si James at nag-thumbs down, ibig sabihin, na turn off daw siya. Binatukan naman siya ng malakas ni Clinton.

"Aray! Ang sakit nun ha!" Reklamo ni James habang hinihimas ang ulo niya na nabatukan.

"Anong nangyari?" Pag-aalalang tanong sa kanila ni Autumn.

"Eto kasing si Clin—" Agad namang tinakpan ni Clinton ang bibig ni James.

"Wala 'to Autumn. 'Wag mo na lang pansinin 'tong loko-loko kong bestfriend."

Blink --- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon