Pagkatapos ng masayang dinner nila, nag-kwentuhan pa sila sandali. Kahit kasi tanong ng tanong 'tong mommy ni Autumn kay Clinton habang kumakain pa sila, hindi pa rin ito maawat. Pagkatapos siyang sagutin ni Clinton sa mga tinatanong niya, may ike-kwento ito. Karamihan puro tungkol kay Autumn nung nasa U.S. pa sila.
Natapos rin silang mag-kwentuhan at umalis na patungo sa exhibit. Nakasalubong nila si Donna habang papasok sa event hall kaya nagkasabay na rin silang tatlo. Marami-rami na rin 'yung tao na tumitingin sa mga paintings, ganun rin ang mga bakanteng walls na pinagmulan ng ibang paintings dahil nabili na.
"Nasa'n 'yung kaibigan niyo na nag-paint ng mga 'to?" Tanong ni Autumn habang iniikot rin ang paningin para tingnan ang mga paintings.
"Baka may kinakausap na customer ng mga paintings niya." Sagot ni Donna sa kanya.
"Nandito na pala kayo." Napalingon silang tatlo sa nagsalita.
"Hey, Sara." Sabi ni Clinton. "Kanina pa kayo?"
"Yep." Sagot ni Sara. Napataas ang isa niyang kilay nung nadapo ang tingin niya kay Autumn. "New doctor?" Tanong niya.
"Hindi. Siya si Autumn, my girlfriend." Pagpapakilala ni Clinton.
"Oh!" Gulat na nasabi ni Sara. "Well, hi Autumn. I'm Sara, isa sa mga kaibigan ni Donna and Clinton. And isa rin akong painter." Pagpapakilala niya sa sarili nung naka-move-on na siya sa pagkagulat, sabay abot ng isang kamay para makipag-shake-hands. Inabot rin naman 'to ni Autumn at bumati rin ng "Hi".
"Clinton!" Sabi ni James na kakarating lang at biglang inakbayan si Clinton mula sa likod. "Kanina pa kayo?"
"Ngayon lang. Nakita mo si Billy?" Tanong ni Clinton.
"Nakita ko siya kanina. May kausap na... kliyente ata 'yun." Sagot ni James. "Hi Donna!" Bati ni James nung napansin ito. Hindi niya pa rin napapansin si Autumn dahil nasa kabilang side ito mula sa kanya kaya natatabunan niya ito.
"James, ba't hindi mo naman sinabi sa 'kin na may girlfriend na pala 'tong si Clinton?" Tanong ni Sara.
"GIRLFRIEND?!" Gulat na sabi ni James. Napalakas ang boses niya pagkasabi noon kaya napatingin lahat ng tao sa kanya. Agad naman siyang namula at naghingi ng sorry. "Hoy! Kailan ka pa nagka-girlfriend? Akala ko ba hinahanap mo pa si Autumn?" Pabulong ng tanong ni James.
"Ako nga 'yung girlfriend niya, James." Sagot sa kanya ni Autumn. Napalingon si James sa kabilang side at nakita niya itong nakangiti sa kanya. "Kumusta ka na, James?"
Sa sobrang gulat, hindi na nakasagot si James. Habang si Sara, ngayon lang na-sink-in sa utak niya kung sino talaga si Autumn.
"Siya 'yung... babaeng hinahanap ni Clinton?" Gulat na tanong ni Sara.
"Yes, Sara. Siya nga." Sagot ni Donna sa kanya.
"Hey guys!" Bati sa kanila ng kararating lang na si Ryan, na kasama sila Vince, Wendy, Janine at Billy.
"O, anong nangyari sa dalawang 'yan at parang nakakita ng multo?" Tanong ni Janine nung napansin ang itsura ni James at Sara.
"Teka, sino 'yang isa niyong kasama, Clinton?" Tanong rin ni Vince nung napansin naman si Autumn.
"Autumn!" Sabi ni James sabay yakap kay Autumn. "Kailan ka pa dumating?" Tanong niya rito pagkahiwalay niya mula sa pagkakayakap. "Kailan pa kayo nagkita?" Tanong niya rin kay Clinton.
![](https://img.wattpad.com/cover/61741170-288-k445772.jpg)
BINABASA MO ANG
Blink --- COMPLETED
Romance[TAGALOG STORY] A love story that happened in a blink of an eye. ***Again, pagpasensyahan ang WRONG GRAMMAR, TYPOS, at kung ano ano pa HAHAHAHA XD