Chapter 7

102 23 4
                                    

Chapter 7- Warm Hugs


Why is she here?

Bumalik ako sa sasakyan at nagsimula na akong magtanong sa sarili ko, ba't kaya andito 'yon? Is it a fucking coincidence na andito ko, andito s'ya't sa tapat pa talaga ng bahay ni Apollo? Shiz. Masestress ako nito eh.

Sa sobrang pag iisip ko hindi ko na namalayang naka pasok na pala sa sasakyan ko si Apollo.

Tinignan ko s'ya, "Are  you ready?" I asked him

"Always, gorgeous. Always." Naramdaman ko namang namula ang pisngi ko. Shit, Apollo!

Pinaandar ko na agad 'yung sasakyan ko. As I have said, 3 hours ang byahe, I don't want to waste my time.

---

"Luxien, stop the car."

"Huh? Why?"

"Iihi ako. Bakit? Gusto mo dito nalang?" Naka ngisi n'yang sabi

"Eww. Ka dirk ka. Manyak mo!"

"Bakit? Ako lang ba nagmamanyak sa'ting dalawa? Kanina nga eh, tintitigan mo abs ko eh." Naalala n'ya pa pala 'yon? Shit. Nahihiya ako.

"Kapal mo. For your information, tinitignan ko 'y-yon k-kasi, uhmm. K-kasi, pangit." Ay tanga. Anong klaseng palusot 'yan ha? Yvanna?

"Tss. Ano connect? Minsan kung magpapalusot ka, 'wag masyadong obvious. Ha? Okay?"

"Whatever, Apollo."

Niliko ko na 'yung sasakyan ko sa Gasoline Station, may comfort room kasi do'n. "Intayin mo ako ha? Artist ko." Sabi n'ya sabay baba sa sasakyan

Namula naman ang pisngi ko sa sinabi n'ya. I checked my facebook account at nag friend request pala sa'kin si Eliza. Tss. Asa s'yang iaaccept ko 'yon. Kahit papano, may kakaunting paki-elam panaman ako sa kapatid ko. Kaya, tinignan ko ang feed n'ya.

Tumambad sa'kin ang mga hugot n'ya. Tss, kelan pa 'to naging interesado sa hugot? Heart broken na naman ba 'to?

What will you do, if the one who broke your heart. Is the only one who can fix it?
-Eliza

I wanted to keep you, forever next to me.
-Eliza

So many questions but I don't ask why.
-Eliza

When I try to forget you, I just keep on remembering.
-Eliza

What we had was true. Somehow, we lost everything.
-Eliza

Don't know if I can do this on my own.
-Eliza

Why do you have to leave me?
-Eliza

Grabe naman 'to. Ano kaya nangyari sa kan'ya? Wait, what? For Pete's sake, Yvanna! Sayang lang ang concern mo sa kan'ya.

"Hey." Halos mapatalon na'ko sa gulat. 'To naman kasing si Apollo, ang hilig mang gulat.

"Ano 'yan?" May dala kasi s'yang dalawang plastic bag na may lamang pagkain

"Baon natin, bumili ako ng chips, chocolates at sodas." Aniya

"Andami naman n'yan Apollo! Mag cacamping ba tayo?" I said sarcastically

"Ayoko kasi ma gutom ang Artist ko eh." Banat n'ya

"Minsan, kung babanat ka, 'wag corny ha? Tska, masyadong clićhe, Apollo."

Sumakay na s'ya, at pinaandar ko na uli ang sasakyan ko.

~*~

Nakarating kami dito ng 9:30 a.m. Na traffic pa kasi. Nakatulog nga si Apollo eh. Gigisingin ko pa tuloy.

"Apollo. Gising na. We're here." Tinatapik tapik ko pa s'ya

"Mmm.." He groaned

"Apollo."

"Kiss muna." Sabi n'ya nang naka pikit padin ang mga mata

"In your dreams! Bahala ka nga d'yan. Nagugutom na yung tao eh." Sabi ko, nang akmang bubuksan ko na yung pintuan ng sasakyan, bigla n'yang hinawakan ang wrist ko

"San ka kakain? Bumili naman ako ng pagkain ah, dito muna tayo please?" Aniya habang nakahawak padin sa wrist ko

"Eww. 'Wag mo nga hawakan ang wrist ko" tinanggal ko naman ang pagkakahawak n'ya "And for your information I want breakfast, not snack. Tska, ano naman mapapala natin kung dito lang tayo? Sayang oras!"

"Alam mo, Luxien? Masyado kang perfectionist. Gusto mo laging naayon sa tama, puro ka trabaho, ayaw mong mag break. Lagi akong natatakot na ma-late, masasayang oras." Nag init naman ang ulo ko sa sinabi n'ya, kasabay pa no'n ang nagbabadyang mga luha.

"Sorry ha? Sorry. Sorry kung masyado akong perfectionist. Hindi mo alam ang pinagdaanan ko, I've been working hard all my life just to gain the respect that I truly deserve. I needed that respect from my mom, na hanggang ngayo'y hindi ko padin nakukuha! Kaya, I'm so sorry! Hindi lang ikaw ang na-iinis sa'kin, N-naiinis din ako sa sarili ko! Alam ba 'yon? Kasi napa pagod nadin ako.. P-pagod na P-pagod.." Iyak na ako ng iyak ngayon. Hindi ko nga alam kung bakit nag open up ako sa kan'ya ngayon eh.

Naramdaman ko nalang ang mainit n'yang yakap sa'kin. Pesteng luha! Palagi nalang lumalabas! Bullshit!

"I'm sorry, Luxien. Hindi ko alam na ganun pala ang pinagdadaanan mo ngayon. I'm sorry, I didn't mean to. I'm so sorry." Sabi n 'ya habang nakayakap padin sa'kin.

Kumalas na'ko sa mga yakap namin "Then, umayos ka. Ayusin mo sarili mo! 'Yang ugali mong antipatiko. You're always depending on your first impressions, hindi mo muna kinikilala 'yung taong huhusgahan mo!" Niyakap n'ya ko muli

"I'm so, sorry Luxien. I can't afford to lose an important person like you. I'm so sorry." he said

Important? Sa konting araw na nagkasama kami, importante na'ko agad? How thoughtful.

Hindi na ko umimik at niyakap ko na din s'ya. I missed this. Ang tagal ko nang hindi naranasan yakapin.

"Apollo, thank you for the warm hugs."

Broken Boy meets Broken Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon