Shattered Hearts Series: #1 ✔️ (Editing...)
"Broken sticks, broken promises, broken hearts. So many broken things in the world, but the world chose the two of us to meet-up."
If your family doesn't consider you as a member, what would you do? If the...
Na-balot ng tawanan at kwentuhan ang buong dining room. Sarap na sarap naman ako sa wine at food na inihanda nila mama at papa.
Round table ang table nila dito. Magkatabi ang mama at papa ni Apollo. Si papa ang katabi ni daddy at ako naman ang katabi ni daddy, sa kabila naman ay si Apollo ang katabi ko. Sa kabila naman ni Apollo ay si Ate Ana at 'yung boyfriend niya, 'tska palang si Audri at ang kaibigan niyang lalaki.
"Haha! Tita, sumugod kaya 'yan sa condo unit ko ng lasing at umiiyak. Sabi niya sa akin, 'di niya daw alam gagawin niya kasi iniwan na daw siya nitong si Yvanna."
Hindi ko mapigilang, hindi matawa. Bigla kong na-imagine si Apollo na lasing at biglang sumugod sa condo unit ng kaibigan niya.
"Talaga, Alec? Naku, ikaw Caiden, ah. Iniistorbo mo itong kaibigan mo."
Pinanlisikan ng mata ni Apollo ang boyfriend ng kaniyang kapatid na siyang kaibigan niya din.
"Isa pa, Alec. Ilalayo ko 'tong si Cyrel sa'yo. Makikita mo."
Tinaas ni Alec ang dalawang braso niya na parang nag-su-surrender. "Chill, bruh. Sorry na. 'Di na mauulit. Ikaw naman, init init ng ulo mo."
"So, hijo, you're a photographer, right? Itutuloy mo padin ba ito?" tanong ni dad kay Apollo.
Mabait na umiling si Apollo. "No po, Tito. I'll be working at our family resort."
Napa-tango-tango ako. Impressive.
"Ikaw, hija. What is your occupation?" mama asked me.
"I'm a painter po. I'll continue it since, pag-paint lang naman po 'yon. I can sell my paintings online." I smiled.
"That's good." sabay tango ni mama.
Ngumit ako at nagpa-tuloy sa pagkain ng steak.
"Hijo, saan niyo ba balak tumira after the marriage? Dito sa Manila or somewhere else?"
"Sa Laverde po sana." aniya.
Tumango si daddy at nagpa-tuloy na sa pagkain ng steak.
The pamamanhikan turned out good. Nasagot ko ang mga tanong nila mama at papa, pati nadin si Apolllo sa mga tanong ni daddy. At sa mga lumipas na araw ay mas lalo pa akong naging busy dahil maarte ang mga buyers ng paintings ko at kailangan ko pa talaga silang i-meet. At isa pa, naging busy din ako sa wedding preparations.
Lalo na nang dumating na ang wedding gown na ipina-design ni Raven sa isang famous designer.
Dumating ang designer na si Frencheska Smith kasama ang gown ko na ni-design niya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nagtata-talon si Yen nang makita niya ang gown. So am I. Sobrang ganda niya. Simple lang siya at walang mga kung ano-anong diamonds. I actually love the style, lalo na 'yung pagka-balloon niya sa gawing lagpas bewang.
"Eh bakit nga?" taas kilay kong tanong nang pagbawalan ako ni Raven na sukatin 'yon.
"Hindi nga pwede! Makinig ka naman!"
"Eh pano kung masyadong malaki o maliit? Pano naman natin malalaman?"
Ngumuso siya. "Kulit mo. Kasya 'yan!"
"Oo nga, Miss Grey, kasya 'yan." ngiti sa akin ni Miss French.
"Oh my fuck! Kapatid ka ni Fame! Right? Tama ba ako? Shet! I'm a fan!" tili ni Yen at nakipag-kamay sa nahihiyang si Miss French.
"Jeanne Renée! Mahiya ka naman!... Ah, pasensya na po kayo dito sa kaibigan namin, Miss French."
"Miss French, sila ba talaga ni Ryder? Shet! Fan po ako ng love team nila! Big time! And I'll watch their movie!"
"Ah, hindi ko din alam, eh. My sister isn't telling me anything about her relationship with Ryder." nahihiyang sagot ni Miss French.
Shit. Ako ang nahihiya para kay Yen.
Pina-merienda muna namin si Miss French bago siya umalis. Tapos ay tinulungan ako ni Raven na itabi ang gown, shoes at makeups para sa kasal dito sa cabinet ko sa condo unit. Napag-desisyunan ko kasing dito din sa condo unit umpisahan ang bagong chapter ng buhay namin ni Apollo sa araw ng kasal namin.
Maganda lang dahil mukhang hindi naman na-bore si Miss French dahil sa kakulitan ng babaitang si Yen. Mukha na nga silang close na close, eh. Si Raven, medyo nakaka-relate pero hindi daw siya fan no'ng Roxinne at Ryder. Pero ako? Of course, hindi padin nakaka-relate!
Sa mga iba pang lumipas na araw ay hindi na ako masyado stressed. Lagi ako sinasamahan ni Raven at Yen mag-lakbay kung saan saan. Dapat daw ay habang hindi pa ako kinakasal, mag-enjoy muna ako kasama ang mga kaibigan. Nagpunta kami sa spa, parlour at kung sa kung saan saan pa.
May isang araw pa nga na na-mundok kami at nag-camping. Pero ngayon na nalalapit na ang kasal namin ni Apollo ay hindi na kami masyado lumalabas na magkakaibigan. Baka naman daw, mapagod ako at magkasakit pa.
Habang nanunuod ng movie na hindi ko maintindihan ay tinitigan ko ang inbox ko. I'm waiting for Raven's reply. I'm waiting for someone to text me! Bukas na ang kasal namin ni Apollo at kinakabahan ako! It's already 10:00 PM at hindi pa ako natutulog!
Ayoko naman itext siya dahil lalo akong kakabahan. Even though, he's texting me, I still don't want to reply. Baka 'di ko mapigilan ang sarili kong kiligin masyado at ma-puyat pa ako. Edi, may eye bugs ako sa mismong araw ng kasal ko!
Kinalaunan ay naisipan kong tawagan si Yen. Sana lang ay hindi pa 'yon tulog.
After 5 minutes, she answered my call.
"Oh?" bungad niya sa akin.
"Yen! Yen! Yen! Huhu! Kinakabahan ako!" I told her.
"Pwede ba, Yvanna? Kasal mo na bukas tapos kinakabahan ka pa? Gusto mong paliparin ko 'yung kandila kong hawak sa'yo para matauhan ka?"
"Jusko naman! Ngayon ka pa kakabahan? Umayos ka, ha! Mabibigwasan talaga kita."
Napa-ngiti ako. Naiimagine ko siyang umiirap pa. Ganito naman 'to, eh. 'Pag naka-langhap ng katol ay sobrang harot pero pag may meron siya ay akala mo naman pinag-sakluban ng langit at lupa. May topak din 'to sa utak, eh.
"Sorry naman. Hindi mo naman kasi maaalis sa akin na kabahan."
Narinig kong bumuntong hininga siya. "I know. It's normal naman. Pero kasi, ang punto ko, 'wag ka mo na masyado isipin at mag beauty rest ka na lang! Utang na loob! Give me a break."
Tumikhim ako.
"Ang init naman ng ulo mo. Meron ka nanaman ba?"
"Oo, meron ako. Sige na, mag beauty rest ka na. Don't worry, makakarating ako bukas. Ako pa ba? Eh bride's maid ako!" she said.
"Sige, sige. Matutulog nalang ako. Thank you, bye!" masaya kong sambit at binaba na niya ang tawag.
Bumuntong hininga ako. Tama siya. I shouldn't worry. I need beauty sleep for tomorrow. And for all I know, tomorrow will be the best day of my life.
I turned of the TV then humiga na ako sa kama ko at pumikit na.
Finally, A life time with him.
---
Last chapter na po ito! Thank you so much for reading BBMBG! Matatagalan po ang Epilogue, okay? Thanks for understanding! ❤️