Chapter 33- Kahit ito lang
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga revelations na nalalaman ko ngayon. Una, ex ni Eliza si Apollo. Pangalawa, nalaman kong nag-hihiganti lang ang lintek na si Apollo. At Pangatlo, hindi si mom--Trina, ang totoo kong ina. Like, what the fuck? Ano ang ginawa ko para mangyari ito sa akin?
"Bullshit!" sigaw ko habang nanlilisik ang mga mata kay mo--Trina at daddy.
Sinabunutan ko ang sarili ko habang padabog na pumasok sa kwarto ko. Wala akong pakielam kung maiwan ko silang dalawa do'n na naka tunganga. Wala na akong pakielam sa lahat ng bagay. Ayoko na. Sawang sawa na ako. Sawang sawa na akong maloko.
Dumapa ako sa kama at binaon ang mukha ko sa unan tska ako sumigaw ng sumigaw. 'Di ko alam kung pano ko tatanggapin ang mga ito. Pano ko tatanggapin na pinaglaruan lang ako ng lintek na Apollo na 'yun. At lalong lalo na, pano ko tatanggapin na ampon lang pala ako.
Kaya pala una palang gano'n na ang trato ni mommy at Eliza sa akin. Kasi hindi ko naman pala sila kadugo. Hindi ako parte ng pamilyang ito. At hindi ako Grey. Pero kilala kaya ni daddy 'yung totoo kong mommy? Nasa'n kaya siya? Ano ba ang nangyari at napunta ako kila Trina!?
Matapos kong ilabas lahat ng galit at poot ay napag desisyonan kong maligo uli. Para maliwanagan manlang ako. Kailangan ko makapag isip ng matino. Kailangan kong mahanap ang mga sagot sa katanungan ko. Dahil kung sa kanila ko lang din naman itatanong ay malamang, baka maloko nanaman ako.
Paglabas ko ng kwarto ko ay bumaba ako at kumuha ng tubig. Napatigil naman ako sa pag-inom nang narinig ko ang boses ni dad--Louigie.
"Anak, I'm sorry." sambit niya.
Hinarap ko siya at nakita ko siyang naka yuko.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Para sana hindi ako nag hirap sa kamay ng lintek na Trina'ng iyan," pinigilan kong tumaas ang boses ko dahil my sakit ito sa puso.
"I'm sorry anak. Balak ko naman sabihin kaso lang, natakot ako na baka iwan mo ako. Natakot ako. Dahil ikaw na lang ang natitirang bunga ng pagmamahalan namin ng mommy mo. Ni Ylonnah."
Kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan. Sino ba ang totoo kong ama?
"Grey ka, Xien. Grey padin ang apelyido mo. Anak ka namin ni Ylonnah." aniya na parang nabasa niya ang mga katanungan sa isip ko.
"Nasa'n si mommy?"
"Hindi ko na alam, Xien. Pumunta lang minsan dito ang tita mo at dala dala ka." sagot niya.
"Tiga-saan po siya?"
"Laverde. Sa Laverde. Malapit sa lugawan papunta sa Isla Montiaure Light House."
Nanlaki ang mga mata ko. Ang lapit lang pala namin! Nagpunta na kami ni Apollo doon at konti nalang pala, ay abot-kamay ko na siya!
Hinawakan ni daddy ang mga kamay ko. "Anak, 'wag mo ako iiwan. Please?"
Tumikhim ako. Hindi ko alam ang isasagot ko. Dahil gusto ko hanapin si mommy sa Laverde. Gusto ko malaman lahat lahat, at ang magagawa ko lang para masagot ang katanungan ko ay kung pupunta ako sa Laverde. That's the only way.
Tska isa pa, hindi ko alam kung kaya ko pa ba makasama dito si Trina. Napaka-dami niyang kasalanan sa akin. Simula bata pa lang. Oo nga't hindi niya ako totoong anak pero jusko naman! Hindi naman niya kailangan pagbuhatan ako ng kamay simula bata pa lang!
"Dad, h-hindi ko po alam. Gusto ko hanapin si mommy. Gusto ko malaman lahat. Hindi ko po alam, dad. I'm sorry." sagot ko sabay akyat sa taas.
Buo na ang desisyon ko. Hahanapin ko si mommy, pupunta ako sa Laverde at mamumuhay muna ako kasama siya. Hindi pwedeng mag stay lang ako dito habang ina-api-api. At sigurado akong, hinahanap din ako ni mommy.
Mabilis akong nag-empake ng gamit at nagbihis nalang ako ng jeans at cropped top para komportable.
Paglabas ko ng kwarto ay bumaba agad ako habang hila-hila ang isang maleta ko. Hinalungkat ko sa shoulder bag ko ang car alarm key at ipinasok na ang bagahe ko sa sasakyan.
"Anak," napa lingon ako sa likod ko at nakita ko si daddy.
"Aalis na po ako. Pasensya na. Pero kailangan ko po talaga hanapin si mommy."
"Ylonnah Cruz. Ylonnah Cruz ang buong pangalan niya." ngumiti si daddy sa akin at niyakap ako.
"Salamat po,"
Kumalas na kami sa yakap at nag-mano nalang ako sa kaniya.
"Xien, ayaw mo ba bisitahin ang kapatid mo?" tanong ni daddy.
Napa tigil ako. Kahit hindi ko naman totoong ina si Trina, kapatid ko parin siya dahil anak din siya ni daddy. At aminin ko man o hindi, alam ko sa sarili ko na nag-aalala din ako sa kaniya. Wala naman sigurong masama kung dalawin ko siya, 'di ba?
"Sa Healing Hearts Hospital siya."
Tumango nalang ako. "I'll try po." sagot ko at sumakay na sa driver's seat.
"Ingat, Xien. Magpapadala nalang ako ng pera sa bank account mo." ani daddy sabay kaway sa akin. Tumango nalang ako at nag drive na papunta sa ospital.
Wala masyadong traffic kaya agad akong nakarating doon. Hiningi ko ang number ng room ni Eliza at umakyat na sa taas. Medyo kinakabahan pa ako bago ko buksan ang pintuan. Pag pasok ko sa loob ay nakita kong payapa siyang natutulog. May mga nakakabit din sa kamay niya.
Umupo ako sa couch, katabi ng kama niya at tinitigan siya.
Malayong malayo nga ang itsura naming dalawa. Parehas sila ni Trina ng kulay ng buhok, at magkamukha din sila. Sa una talaga, hindi mo maiisip na magkapatid kami.
"Eliza, magpagaling ka, ah? Sasaya ka na siguro kasi pag uwi mo sa bahay wala na ako. Wala na sa buhay mo. Wala na. Kaya magpagaling ka d'yan. Kasi p-pag gising m-mo, s-sa'yo na uli s-si A-Apollo." hindi ko na napigilan ang pait sa boses ko.
Huminga ako ng malalim. "Oo, Eliza. Pinapaubaya ko na. Basta, utang na loob, patahimikin niyo na ako. At 'wag na idamay. Sa'yo na siya uli kaya 'wag mo na pagtangkaan ang buhay mo." sabi ko. Para na akong tanga na kinakausap ang tulog. Tumulo ang luha ko kaya agd ko itong pinunasan.
Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa couch at lumabas na ng kwarto niya. Napa sulyap pa nga ako sa may mesa, at doon. Nakita ko ang phone ni Apollo.
"'Di bale, Apollo. Hindi mo na kailangan mag-isip ng dahilan para makipag hiwalay sa akin." bulong ko sa sarili.
Pinaandar ko na ang sasakyan papuntang Laverde. Medyo matagal din ang byahe papunta doon. Pero hayaan na, at least do'n matatahimik ang puso't isip ko.
Napa tigil ako sa pag drive nang nag red ang stoplight
Tumulo nanaman ang luha ko nang nakita ko ang album ni Avril Lavigne na minsan kong hiniram kay Apollo. Mami-miss ko siya. Pero wala namang kwenta kung ipaglaban ko pa dahil una palang, kay Eliza na siya.
Aaminin ko, galit ako sa kaniya. Galit na galit. Pero mas galit ako sa sarili ko dahil nagpa-gamit ako. Dahil ang tanga tanga ko. Gano'n ba talaga kahirap tanggihan ang isang Apollo Caiden Atkins?
Siguro nga. Dahil mismong kapatid ko nga ay hinahabol padin siya. Damn. Ang swerte nga niya, eh. Dahil ang dalawang magkapatid na Grey ay baliw na baliw sa kaniya.
Tama nga ang sinasabi ng mga taong, 'pag nagmamahal ka, masasaktan ka.' at lalong lalo na, walang taong nagmahal na hindi nasaktan. Pero tingin ko, isa lang ang na-realize ko,
Gano man kasakit ang dinanas ko sa pang-iiwan ni Tyrese sa akin, ay walang wala iyon sa pang-gagamit ni Apollo sa akin.
Hinawakan ko ang album ni Avril Lavigne.
"Binigay ko na sa'yo lahat, Apollo. Lahat lahat. Puso, katawan at kaluluwa. Wala na ngang natira sa akin, eh." tumawa ako. "Pero sana naman, kahit nakay Eliza ang puso mo ay 'wag mo ako kakalimutan. At hinihiling ko lang na sana kahit itong album ni Avril ay ibigay mo nalang sa akin. Kahit ito lang." parang tanga kong bulong sa sarili habang patuloy ang pagtulo ng luha ko.
BINABASA MO ANG
Broken Boy meets Broken Girl
Любовные романыShattered Hearts Series: #1 ✔️ (Editing...) "Broken sticks, broken promises, broken hearts. So many broken things in the world, but the world chose the two of us to meet-up." If your family doesn't consider you as a member, what would you do? If the...