Chapter 42- Pay
Pagkadating ko agad sa condo unit ko ay dumiretso ako sa kwarto ko. Kailangan ko makapunta agad sa Laverde. Nagpalit lang ako ng damit at nag-ayos ng bag ko. Napa-lingon ako sa pinto nang narinig kong bumukas ito. Takang taka ang mukha ni Apollo habang palipat-lipat ang tingin sa akin at sa bag na inaayos ko.
"Where are you going?" he asked.
"Look, kailangan ko na bumalik sa Laverde. It's okay kung hindi ka makakasama. Kailangan ko na talaga maka-balik doon as fast as I can."
"Wait for me. Sasama ako," mariin niyang sabi sabay labas sa unit ko at deretso ata sa unit niya.
Habang iniintay siya, nag-text na muna ako kila Tita.
To: Tita Mila
Tita, I'm on my way there. Mabilis lang po ako. Saglit lang.
After no'n ay sinara ko na ang phone ko at nilagay na ito sa bag ko. Mabilis akong lumabas ng kwarto at ni-lock ito, lumabas nadin ako ng unit at ni-lock din ito. Inintay ko nalang si Apollo sa may pinto ng unit niya. Maya-maya ay lumabas na siya ng unit niya, dala-dala ang phone at wallet—kung saan naka-sabit ang susi ng kotse niya.
Inalalayan niya ako pababa at palabas ng Atkins Towers hanggang maka-pasok sa sasakyan niya. Agad-agad akong naupo sa shot gun seat, siya naman ay mabilis din na naupo sa driver's seat at nag-maneho na.
"May update na sa kaso?" tanong niya sabay sulyap sa akin.
Tumango ako. "Nahanap na ang killer kaya kailangan ko na talaga makarating doon."
Tumango siya at mabilis na pina-takbo ang sasakyan. Ilang oras din ang byahe papuntang Laverde at buti nalang hindi umaabot ang traffic papunta doon. Pinag-halong kaba at excitement ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako makita ang killer at excited naman ako dahil sawakas ay nahanap na ito.
Mabilis din kaming naka-rating doon. Itinuro ko ang daan papunta sa bahay na binili ko kila Tita Mila. Pagka-park niya ng sasakyan sa harap ng bahay ay bumaba na agad ako at nag-doorbell. Si Josefina ang nag-bukas nito. Nginitian ko nalang siya at nag-pasalamat tsaka ako dumiretso sa kwarto nila Tita at kinatok ito.
"Hija! Buti at nakarating ka kaagad!" bungad ni Tita sa akin sabay yakap. Niyakap ko din siya pabalik.
"Tita, 'wag na po tayo mag-sayang ng oras."
Tumango siya. "Sige. Pupunta na tayo, intayin mo lang ako't magbibihis lang ako."
Tumango ako at bumalik na sa sala. Pina-upo ko muna si Apollo sa sofa.
"Paano pala si Eliza? Pano kung hanapin ka niya?" tanong ko sa kaniya. Nag-aalala lang ako kasi baka biglang hanapin siya ni Eliza at baka kung ano nanaman ang maisip ng kapatid ko kapag nalaman niyang wala sa Manila si Apollo.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palm ko. "Don't worry. 'Di ba sabi ko sa'yo, sasama ako dito. 'Di ba, sabi ko, 'wag mo muna isipin ang kapatid mo?"
Napa-kagat ako ng labi at tumango nalang.
"Halika na, Xie--" sabay kaming napa-lingon ni Apollo kay Tita na kaka-baba lang galing sa kwarto.
Napa-tayo ako kaagad. "Uh. Tita, si Apollo nga po pala, uhmm... B-Boyfriend ko,"
Tumango si Tita at napa-ngisi. "Siya 'yung lalaking kasama mo noon, 'di ba?"
Dahan-dahan akong tumango. "Opo. Sasama daw po kasi siya."
"Oh sige. At least, hindi ka na bitter." Tita smirked.
YOU ARE READING
Broken Boy meets Broken Girl
RomansaShattered Hearts Series: #1 ✔️ (Editing...) "Broken sticks, broken promises, broken hearts. So many broken things in the world, but the world chose the two of us to meet-up." If your family doesn't consider you as a member, what would you do? If the...
