Chapter 36- Meet
Nakalipas ang ilang araw na patuloy ako sa pag paint. Dahil wala naman na ako masyadong ginagawa dito, nagpe-paint nalang ako. Nag hire din ako ng private investigator. Kailangan ko muna mangolekta ng mga pruweba't impormasyon bago magsampa ng kaso, at syempre, kailangan pa namin mahanap ang killer. (Kung sakaling buhay pa siya)
Palagi ko din binabantayan kung may bumibili na ng paintings ko. Gumawa kasi ako ng website, para do'n tingnan ng mga buyers ang paintings ko. Tapos ay nag popost ako sa facebook. Tska syempre, tinatawagan ko din 'yung mga kakilala ko na naghahanap ng paintings.
Minsan napaisip ako, wala namang kwenta ang pag-partner sa amin ni Apollo dahil hindi naman sumisikat ang paintings ko, at isa pa, parang hindi naman niya ine-endorse. Sa tingin ko naman, madami na akong pictures sa kaniya, at pwede na niya i-post ang mga iyon. Pero ewan ko ba, kung ano tinutulong nung kumag na 'yon sa akin.
Napa-'tss' nalang ako at nilagyan na ng kulay itim ang blankong part ng painting ko. Napa ngiti ako at nilagyan na ng signature ko ang ibabang parte ng painting. Sawakas, natapos ko din ang painting na ito.
Sobrang hirap kasi tska madaming details nito. Nag paint ako ng isang mukha pero magkaiba ng kulay at details ang magkabilang pisngi. 'Yung isa medyo colorful at may iba't ibang kinds of flowers pa, tapos 'yung kabila naman, puro gray at black ang kulay tska may iba't ibang details din tulak ng luha, black heart, at iba pa. Grabe, ang hirap gawin nito pero ewan ko ba, ito kasi ang gusto ko ipinta, at ito din ang nasa isip ko.
Pagkatapos ko mag paint ay nag hugas ako ng kamay. Mamaya nalang siguro ako maliligo. Naka malaking white shirt kasi ako tapos maikling shorts, at dahil puti ang t-shirt ko, puro mantsa na ito ng black, red, gray, yellow at iba pa.
"Xien! Halika!" napalingon ako sa pinto.
"And'yan na po, saglit lang!" sigaw ko pabalik at pinusod ang buhok ko na pa-messy bun.
Pagkatapos ko mag pusod ay bumaba na ako, nakita ko si Tita, Tito at ang mga pinsan ko na lahat nasa baba. May nakita din akong isang makisig na lalaking magulo ang buhok. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi naman siguro siya iyon, 'di ba?
Lumapit ako sa tabi ni Tita. I sighed n relief. Buti at hindi siya iyon. Hindi pa ako handang harapin siya. Hindi ko pa kaya. Dahil masakit padin, andito padin 'yung sugat na binigay niya sa akin.
"Xien, ito nga pala si Eric. Kababata mo." ngumiti si Tita sa akin. Inabot nung Eric ang kamay niya kaya tinanggap ko ito tas nag bitiw na kami.
"'Di mo na ba ako naaalala, Xien?" tanong sa akin ni Eric.
Kumunot ang noo ko at dahan-dahang umiling. I don't remember him.
"Oh," he whispered.
Umupo ako sa tabi niya. Tinitigan ko siya. Mula buhok, mata, ilong, labi. In fairness, gwapo naman. Pero 'di ko talaga maiwasang titigan ang buhok niyang magulo na kulay black-brown din.
"Dumaan lang po ako dito, Tita. Nalaman ko kasi na lumipat kayo ng bahay." parang nahihiyang sambit ni Eric.
"Halika, merienda muna tayo," ngiti ko.
"'Wag na. Nakakahiya. Ang saya ko lang dahil nakita ulit kita," pumungay ang mga mata niya tska siya ngumiti.
"'Di ba, paluwas ka na uli bukas, hijo?" tanong ni Tita.
"Ay. Hindi po. Sa susunod na bukas pa po." sagot ni Eric.
Tumango si Tita, tapos tumayo naman si Eric. "Una na ho ako." yumuko siya. "Ingat po kayo dito," tumingin siya sa akin. "It's nice to see you again, Xien." tapos ay umalis na siya. May 'di ako ma-explain, para siyang may kakaibang tingin sa akin kaya parang na-aawkwardan ako. Bumuntong hininga ako, pagod lang siguro 'to. Tama. 'Yun nga.
BINABASA MO ANG
Broken Boy meets Broken Girl
RomantizmShattered Hearts Series: #1 ✔️ (Editing...) "Broken sticks, broken promises, broken hearts. So many broken things in the world, but the world chose the two of us to meet-up." If your family doesn't consider you as a member, what would you do? If the...