Chapter 43- The next time
Kahit gabing-gabi na ay naka-balik padin kami sa Manila, agad tinawagan ni Apollo ang abogado na nakuha niya at agad din naman itong nakarating sa condo unit ko. Ngayon ay kinakausap namin siya ni Apollo. Nagsabi siya sa amin ng mga pwede naming isampa kay Trina. Sinabi niya din na siya na ang bahala sa lahat.
"Thank you, Mr. Atkins and Ms. Grey," nakipag-kamay sa amin si Atty. Severano.
Tapos no'n ay lumabas na siya.
Binilin din niya sa amin na kailangan ay mapunta dito ang killer na inutosan ni Trina. Kaya mabilis kong tinext si Marissa na paki-dala na sa police station dito sa Manila. Buti nalang at pumayag siya kahit dis-oras na ng gabi.
"Magpahinga ka na muna, babe. Bukas, maaga tayong pupunta sa bahay niyo." sambit sa akin ni Apollo sabay halik sa noo ko. Tumango ako at umalis na siya.
Natulog kaagad ako dahil gusto ko nang matapos ang gabing ito para bukas na bukas ay mahuli na ng mga pulis si Trina, I don't care kung magulat si daddy dahil bigla nalang ako susugod doon bukas at ipapa-huli si Trina. Ayoko muna kasi siya itext.
Kinabukasan ay madaling-araw pa lang, gising na ako. Sa pagod at antok ko pala kagabi ay hindi na ako nakapag palit ng damit kaya naligo kaagad ako at nag bihis. Habang iniintay ko si Apollo na bumalik dito sa unit ko ay kumain muna ako. Nagluto ako ng oatmeal pero halos hindi din naman ito nabawasan dahil sa wala akong gana.
Pagkatapos ko kumain ay inintay ko nalang si Apollo dahil sinabi niya, sabay daw kami pupunta sa bahay ngayon. Kasama ang mga pulis. Tuwang tuwa ako dahil hindi na ako makapag-intay na makulong si Trina. Konting konti nalang ay tatahimik na ang buhay ko.
6:30 AM nang dumating si Apollo. Walang pag-aalinlangan ay agad kaming umalis. Pag labas namin ng Atkins Towers ay may dalawa ng sasakyan ng pulis ang naka-hilera sa tapat namin. Pero hinigit ako ni Apollo papunta sa sasakyan niya. Nag-simula nang umandar ang sasakyan ni Apollo at nakita ko naman sa side mirror ng kotse niya na sinusundan na kami ng mga pulis.
I smiled out of nowhere. Nakakatuwa dahil inasikaso ito lahat ni Apollo para sa akin.
Maaga palang kaya wala pang traffic at mabilis kaming naka-rating sa mansion. Pinag-buksan kami ng dalawang guards ng gate at pinapasok ang mga sasakyan ng pulis.
"Welcome back, Ma'am." bati sa akin no'ng isang guard namin. Tumango nalang ako.
Pagka-park ng sasakyan ay mabilis na bumaba ang mga pulis. Akmang baba na ako nang bigla akong hinila ni Apollo at hinalikan sa labi.
"Calm down, okay? You're scaring the hell out of me when you're mad and... Wild." he said. I smiled.
"Okay," I answered then we got out of his car.
Dumiretso kami sa wooden double doors ng mansion. Mabilis kong pinindot ang doorbell. Katabi ko si Apollo at hawak hawak niya ang kamay ko samantalang 'yung mga pulis naman ay naka-pwesto na sa likod namin. Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang mabuksan na ang pintuan.
Bumungad sa amin si Nena—isa sa mga maids namin.
"Ma'am! Naka-balik na po kayo?" masaya niyang bati tapos ay nalipat ang tingin niya kay Apollo at sa magka-hawak naming kamay.
"Ah, Nena. Andiyan ba sina daddy?"
Tumango siya pero halata padin ang pagtataka sa mukha niya. Nagtataka siguro siya dahil magkasama noon si Eliza at Apollo tapos ngayon, ako naman ang kasama ni Apollo. Pero ayoko muna mag explain sa kaniya. Kailangan ko na makita si daddy at Trina.
"Deretso lang po kayo sa loob," aniya. Tumango ako at sumunod naman ang mga police. "Oh my god! Bakit po may pulis?" tanong sa akin ni Nena na hindi ko sinagot.
YOU ARE READING
Broken Boy meets Broken Girl
RomanceShattered Hearts Series: #1 ✔️ (Editing...) "Broken sticks, broken promises, broken hearts. So many broken things in the world, but the world chose the two of us to meet-up." If your family doesn't consider you as a member, what would you do? If the...
