Chapter 10

107 22 1
                                        

Chapter 10- Mababaliw Ako


Mabilis kaming nakarating, dahil siguro sa mabilis na pagmamaneho ni Apollo. Buti nga at walang traffic eh.

Dumiretso kami sa Campbell's H. Do'n kami mag se stay at do'n din iiwan ang iba naming bagahe.

"Two presidential suites, Miss." Sabi ni Apollo.

Halata mo ang pamumula noong babae. "Miss, 'wag ka na makipag landian, pwede?" Reklamo ko. Ka bwiset 'to.

"Hahaha.. Pagpasensyahan mo na girlfriend ko, Miss. Selosa eh." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Apollo.

"So, may available pa ba na presidential suite?"

"Meron po, Sir. Eto na po yung keys. Thank you."

Nag lakad na kami nang biglang magsalita uli 'yung babae, "Ah eh, Sir. P-Pwede po ba m-makuha n-number mo?"

Aba 'tong! Ang kapal! Sarap manapak ngayon! Leche!

Bago pa makapag salita si Apollo, nauna na ako. "Hindi pwede, Miss. Hindi mo ba siya narinig? May girlfriend siya. G I R L F R I E N D." Diniin ko 'yung 'girlfriend'

Nakita ko ang pamumutla nung babae. Tss. Kainis! "S-Sorry po, Ma'am. Eh, p-pogi po kasi si Sir, eh."

Hinawakan ni Apollo ang kamay ko at nauna na mag salita, "Miss, alam kong pogi ako, pero taken na eh. Tska, malay mo ba kung may gagawin kaming milagro kaya kami kumuha ng presidential suite?" Naka ngisi si Apollo habang sinasabi niya 'yon.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya hindi ako tanga, gets ko 'yon.

"Tara na Jelly Artist." Hinila na niya ako papasok ng elevator.

"Pfft. Hahahaha Jelly Artist?"

"Oo. Jelly Artist. Selosa mo kasi, eh. Kaya Jelly as in Jealous."

"Tss. Ikaw nga diyan ang landi eh! Daig mo pa babae."

"Pogi eh."

Inirapan ko nga, porket pogi kailangan malandi na? Ako nga maganda, pero hindi malandi eh!

"Apollo. Stop calling me Artist, please."

"Ok, sabi mo eh"

Buti naman at hindi na siya nakipag debate pa sa akin.

Lumiko na kami nang nag bukas na ang elevator. Dulo sa kaliwa ang kaniya at dulo sa kanan naman ang akin. Inunlock ko na ang pinto at bumulagta sa akin ang napaka daming air conditioner, dalawang flat screen t.v. Couch at iba pa.

Ibinaba ko na ang baggages ko at Humiga sa king sized bed, isa lang 'yung kama pero ang laki. Malamang, kaya nga king sized bed, eh.

Umidlip muna ako saglit dahil masyado na akong pagod sa byahe, maaga pa naman kaya pwede pa akong matulog ng kahit kaunting oras.

Nang magising na ako ng bandang hapon, tumingin ako sa refrigerator ng makakain, buti nalang at may frozen pizza at soda.

I was about to bite the pizza when my phone beeped.

From: Apollo

Eyy! Are you ready?

Ready? Hindi pa 'no! I'm starving!

To: Apollo

I'm eating, don't bother me.

Sinunggaban ko na agad ang pizza at inubos na, tsk, istorbo kasi 'yung isa diyan kaya hindi tuloy ako masyado nabusog.

Hindi na ako nag bihis at agad agad nang lumabas.

"What the? Apollo?" Nagulat ako dahil nasa pintuan siya at mukhang kanina pa ako inaabangan.

"Kanina ka pa diyan? Sana tinext mo ako, or kumatok ka." Nag simula na akong maglakad.

"Ayoko. Gusto ko ma surpresa ka. Nga pala, asan 'yung bag mo?" Daming alam nito.

"Oo nga pala, kunin ko lang." Bumalik na ako at agad agad kinuha ang bag ko na may painting stuffs at ang cellphone ko.

Pag bukas ko ng pinto nakita ko agad si Apollo na may kahalikang babae, at mukhang familiar sa akin 'yung babae.

Kumalas ang labi ni Apollo sa halikan nila no'ng babaeng nakikipag landian sa kaniya kanina, 'yung humingi ng number niya.

Napa tingin sa akin si Apollo at, "Shit." Bulong nito.

Tinaas ko ang kilay ko at ngumisi sa kanila, "Oh bakit tinigil niyo? Tuloy n'yo lang, mukhang masaya eh. Sige, una na ako, ah? Enjoy!" Nag simula na akong maglakad.

"Sir, payag naman daw ang girlfriend niyo, tuloy na po natin." Narinig kong bulong nung babae.

Bullshit! Sarap manapak ngayon! Or mas maganda, pumatay!

Bigla akong hinablot ni Apollo at hinarap sa kaniya.

"It's not what you think.." Aniya.

Tanginaa! 'Yan ang laging panimula ng mga lalaki! I wonder kung script nila 'yan?

"No need to explain, you're not mine." Sabi ko at akmang tatalikod na ngunit hinawakan niya ang kamay ko.

"Slap me, hurt me physically, but please don't pretend like you're not even hurt."

"I'm not hurt. Kung gusto niyo pa nga, do'n kayo sa loob oh!" Sabay turo sa room ko, "Baka kasi kulang pa."

"Luxien!"

"Don't yell at me."

"I know what you want to do. Go on slap her." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, seryoso ba siya?

"Kaya kong bumangga ng tao para sa'yo." Saad niya.

Alam naman pala niya ang gusto ko, kaya gagawin ko na.

Sinampal ko ng Malakas ang pisngi nung babae, "Matuto kang lumugar ha?"

"Hindi naman po pala kayo." Taas kilay na sabi noong babae.

"Hindi nga kami, pero respeto naman." Sabi ko sabay sampal uli.

"'Wag kang umastang girlfriend ni Sir. 'Wag ka din mag mayabang dahil malay mo, isang araw mapunta siya sa akin." Inirapan niya ako.

"Oh? Sige ba! Invite niyo ako sa kasal niyo, ha?"

Umalis na ako do'n at iniwan silang naka laglag ang panga. Akala siguro nila, mag eeskandalo ako do'n, pero sorry nalang kayo dahil hindi ako si Eliza. Marunong ako lumugar, at lalong marunong akong rumespeto sa kapwa kahit na hindi sila karapatdapat sa respetong ibibigay ko sa kanila.

Inintay kong dumating si Apollo sa sasakyan dahil naka lock pa ito.

Nang makarating na siya ay agad agad niyang pinindot ang alarm key para makapasok na kami.

Nilagay ko ang bag ko sa likuran at pumwesto na sa passsenger's seat, naglagay ako ng earphones sa magkabilang tenga. Sa peripheral vision ko ay nakita kong naka pasok na si Apollo sa loob ng sasakyan. Hindi ko nalang siya pinansin at nakinig sa tugtog habang nag sa sight seeing.

Nakaka irita! Kahit na puro clouds ang nakikita ko dito at ang magandang kulay ng langit ay laging nag fa flashback sa'kin ang halikan noong babae at si Apollo. Kabwiset! Sarap pumatay!

I swear halos Ubos na ang dugo nung babaeng iyon sa isip ko dahil pinapatay ko siya.

Hinila ni Apollo bigla ang earphones ko muka sa tenga, "Ano ba?!" Hindi ko na mapigilan ang lakas at galit sa tono ng boses ko.

"Kausapin mo naman ako."

"Ano naman sasabihin ko? Hindi naman tayo close." Umirap ako muli.

"Bugbugin mo ako, sampalin, murahin, awayin pero Fuck! 'Wag 'yung ganto! 'Wag 'yung hindi mo ako kikibuin dahil mababaliw ako, Luxien! Mababaliw!"

Nagkibit balikat ako at sinuot ang earphones ko, bahala siya! Wala ako sa mood mang away ngayon!

I can't understand boys. They're so hard to understand!

Parang sila ang may karapatan sa lahat ng bagay kung makapag dikta sila! Ka irita!

Nilakasan ko pa lalo ang volume ng kanta sa phone ko para hindi ko marinig ang pag hampas ni Apollo sa manibela ng sasakyan at para hindi ko narin marinig ang mura niya.

Broken Boy meets Broken Girl Stories to obsess over. Discover now