Chapter 34

82 19 0
                                        

Chapter 34- Mapahiya lang


Hapon palang ay nakarating na agad ako sa Laverde. Dumiretso agad ako sa lugawan kung saan kami kumain ni Apollo dati. Buti nalang at wala masyadong tao dahil tirik na tirik ang araw. Nakita ko uli 'yung tindera na nagsabi sa akin dati na pamilyar daw ang mukha ko, sigurado akong related siya kay mommy.

Pag lapit ko sa kaniya ay nanlaki ang mga mata niya pero kinalaunan ay ngumiti din.

"Ay! Ikaw 'yung nagpunta dito minsan na may kasamang gwapong lalaki, 'di ba?" gulat niyang tanong. Tumango naman ako.

"May kailangan ka ba, ine? O, bibili ka?" tanong niya muli tska binaba ang bayong na hawak. Mukha atang papaalis na siya.

Kaagad akong umiling. "Naku. Hindi po. Gusto ko lang po itanong kung may kilala kayong Ylonnah Cruz."

Natigilan siya at biglang nawala ang ngiti sa labi. Naging seryoso bigla ang aura niya.

"Bakit mo siya kilala? Ikaw ba 'yung anak ni T-Trina Barcelona?" tanong niya. Kaagad akong umiling.

"Hindi po. A-Ako po kasi 'yung anak n-ni Ylonnah Cruz." sagot ko na ikinalaki ng mga mata niya.

"I-Ikaw ba s-si L-Luxien Y-Yvanna?" naginginig niyang tanong.

"Opo,"

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong niyakap. Hinagod ko nalang ang likod niya.

"Ikaw nga! Jusko, Xien! Ang tagal kita hinanap!" natutuwa niyang sabi.

Kumalas siya sa yakap namin at agad akong nginitian. "A-Ako si Tita Mila mo. Kapatid ko ang mommy mo,"

Kung Tita ko siya, ibigsabihin ba, siya ang nagbigay sa akin kila daddy no'n? Pero kung sinabi niyang matagal na niya ako hinahanap, bakit niya ako pinamigay?

"Kayo po ba ang nagbigay sa akin kay daddy?"

Umiling siya. "Hindi ako 'yon, hija. 'Yung isa naming kapatid. Si Dolores, pero patay na siya."

Kumunot ang noo ko. Madami pa akong gusto itanong. Like, kung ano nangyari noon, bakit hindi nagkatuluyan si mommy at si daddy gayo'ng mahal naman nila ang isa't isa. At lalong lalo na, nasaan si mommy? Kumusta na kaya siya or may iba na ba siyang pamilya?

Marahan niyang hinawakan ang braso ko. Napa ngiwi ako dahil do'n din ako hinawakan ni Trina, at pati 'yung kuko niya ay bumaon tapos nagkasugat ako. Tumawag si Tita Mila ng trycicle at sumakay siya do'n pero hindi ako Sumakay.

"Halika na, Xien." aniya.

Umiling ako at binayaran na lang ang trycicle driver tapos pinababa ko si Tita Mila. Sumunod naman siya sa akin kaya dumiretso kami sa sasakyan ko. Pinaupo ko siya sa shot gun seat.

"Ang yaman mo na hija. Matutuwa ang mommy mo kung makikita niya sana ito," bumuntong hininga siya.

Bumaling ako sa kaniya bago ni-drive ang sasakyan ko. "Bakit po? Nasa'n po ba si mommy? Pwede po ba natin siya puntahan?" sunod sunod na tanong ko.

"Hindi mo pa pala alam." bumuntong hininga siya muli. "Halika, pumunta tayo sa bahay ko. Do'n ko sasagutin ang mga gumugulo sa isip mo."

Broken Boy meets Broken Girl Stories to obsess over. Discover now