Chapter 31

99 18 5
                                    

Hi readers! Gusto ko lang po sabihin na iniba ko 'yung fictional place na 'Bogland' or 'Aghelia' ng 'Laverde'. Makikita niyo po iyon sa Chapter 13. So meaning, 'yung Careniña Falls, Estrella Forest, Isla Montiaure Light House ay nasa fictional place na 'Laverde' thank you, 'yun lang po! 😄

And  sana magustuhan niyo po ang UD ko! Kilig naman po 'yan, eh. Puro kalandian lang. Hehe.

---------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 31- Kawawa naman ang Baby Luxien ko


After a few minutes, kumalas na kami sa yakapan. Lumapit siya sa parang speaker or something at nagsalita, "Thank you sa pagdala niyo sa kaniya. Pasensya nadin po sa abala." aniya na umalingawngaw sa buong mall. Nagpalakpakan ang mga tao at nag hiyawan. After niyang magsalita ay bumaling siya sa akin.

Hinawakan niya ang kamay ko at pinag salikop ito, tapos ay hinila na niya ako.

"Bilis na!" sigaw niya habang tumatakbo kami.

"Teka lang! Naka 7 inches heels ako, pwede ba?" umirap ako.

Ngumuso siya, namula naman ako. Goddammit! He's so hot!

"Wala ka talagang sweet bones, ano?" sabi niya sabay buhat sa akin ng parang bagong kasal. Namilog ang mga mata ko at namula ang pisngi ko. Gosh! Feeling ko ay kulay catsup na ang pisngi ko!

"Put me down, Apollo!" sigaw ko sabay hampas sa matigas niyang dibdib.

"God! Relationship goals!"

"Walang forever! Huhu! Pogi panaman ni kuya!"

"Ang sweet nila, shemmaay!"

Lalong namula ang pisngi ko. Ano banaman kasi ang ginawa nito? Ang sabi ko, Teka lang at naka heels ako pero hindi ko naman sinabi na buhatin niya ako ng parang bagong kasal. Pinitik ko siya sa noo habang buhat buhat niya ako. Kumunot ang noo niya, at ninakawan ako ng halik. Fucking shit!

"Very good. 'Wag kasi magulo, baka mas malala pa sa halik ang gawin ko sa'yo." pinasadahan niya ng tingin ang buong katawan ko. "Mahirap na, naka dress ka panaman. Baka 'di nanaman tayo umabot."

Kinagat ko ang labi ko para hindi ako makangiti. "Fuck you!" sabay pout.

Hinalikan nanaman niya ako, smack lang naman. "I love you," he said.

Lumabas kami ng The Groove at dumiretso sa sasakyan niya. Inupo niya ako sa shotgun seat tapos umikot siya at umupo naman siya sa driver's seat. Hinawakan ko ang kamay niyang naka patong sa manibela at handa ng mag drive.

Nanigas siya sa ginawa ko. "Uhmm... B-Bakit?"

"Paano 'yung sasakyan ko?"

"M-Mamaya nalang natin kunin," nanginginig niyang sabi.

Tumango nalang ako tapos bumitaw sa paghawak ko sa kamay niya. Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan kaya agad kaming nakarating sa isang familiar na restaurant. Kumunot ang noo ko, pilit inaalala kung saan ko una nakita itong restaurant na ito. Bumaba siyang ng sasakyan at umikot tska palang ako pinag buksan ng pintuan ng sasakyan niya.

"Tada!" masaya niyang sigaw at parang baliw na parehas tinaas ang braso habang nakaturo sa restaurant.

"'Di mo naaalala 'to, Luxien?"

Tumango ako. "Parang nakita ko na siya dati, pero nakalimutan ko kung saan at kailan."

Nag pout siya. For some reason, bigla kong pinisil 'yung cheeks niya habang naka pout. Ang cute!

Broken Boy meets Broken Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon