Chapter 44

89 17 14
                                        

Chapter 44- Never Too Late


Minutes, hours, days, and weeks passed. Ang dami na nangyari. I don't even know how it all happened. And I don't know how I fixed everything.

No'ng araw sa korte ay medyo nahirapan kami. Bukod kasi sa killer, wala na masyadong ebidensya na ipapa-kita. But the good thing's we won. We won the case. Sawakas ay nabigyan nadin ng hustisya ang pagka-matay ni mommy. Hinatulan ng korte ng habang buhay na pagka-bilanggo si Trina, na siyang ikina-tuwa ko.

Sobrang thankful ko dahil natapos na ang mag problema ko. Ang kaso ni mommy, ang relasyon namin ni Apollo, ang pag-uusap namin ni Tyrese, kaming tatlo nila Raven at madami pang iba. Well, may isa pa palang natitira, ang paggiging mag kapatid namin ni Eliza.

Inaamin ko, kahit masama man ang ugali ni Eliza, I still want to fix everything between us. Gusto kong matigil na ang pag-aaway namin. Pero hindi ata gano'n kadali 'yon. Dahil no'ng nalaman niyang, anak pala siya ni Trina sa ibang lalaki ay nagalit siya kay daddy dahil hindi daw nito sinabi agad. At isa pa, nagalit lalo siya dahil sa relasyon namin ni Apollo.

Daddy tried to explain everything to Eliza, pero sadyang, kinakalawang na nga talaga ang utak ng kapatid ko. Kaya, hindi niya maintindihan na hindi porke't sa'yo nagsimula si Apollo ay sa kaniya rin babagsak. It doesn't work that way. Sinabi ni daddy na, hindi niya pwede kontrolin ang nararamdaman ni Apollo.

At isa din yata sa dahilan kung bakit siya nagkaka-gano'n ay sa natuklasan niya na mamatay tao pala ang sarili niyang ina. I understand her naman. It's not that easy. Ang hirap kaya tanggapin na gano'n pala ang nanay mo, but she needs to know it. At kailangan niya din ito matanggap.

"Xien, breakfast is ready," dinig kong sabi ni daddy sa labas ng kwarto ko.

I smiled. "Coming!"

Mabilis akong bumangon sa kama ko at nag-hilamos nalang muna. Tapos ay bumaba nadin ako. Napansin kong wala nanaman sa mesa si Eliza kung saan kami kakain kaya napa-ngiwi ako, at napansin iyon ni daddy kaya napa-buntong hininga nalang siya.

"Naka-kulong nanaman?" kunot-noo kong tanong. Tumango naman siya.

"Hayaan mo nalang muna siya, anak." ani daddy. Tumango nalang ako at umupo na sa upuan.

Malungkot kong nginuya ang pagkain sa bibig ko. Halos mag-slow motion panga ito sa pag-lunok ko, eh. Pano banaman kasi, lagi nalang nagkukulong si Eliza sa kwarto niya. Minsan nga, buong araw siyang hindi kumakain. Tina-try ko siyang dalan ng pagkain sa kwarto niya pero panay naman ang pagpapa-alis niya sa akin.

Kahit naman kasi gano'n 'yon, mahal ko padin 'yon kasi syempre, lumaki na akong kapatid ang turing sa kaniya. Kaya kahit mahirap ay palagi ko siyang sinusuyo. Gusto ko kasi iparamdam sa kaniya na, 'di porke't wala na ang mommy mo ay wala ng magmamahal sa'yo. Gusto ko iparamdam sa kaniya na hindi siya nag-iisa.

Dahil alam ko ang pakiramdam na gumising sa umaga at ma-realize na wala ka nga palang nanay. Although, magkaiba kami kasi siya,buhay pa ang nanay niya. Nasa kulungan nga lang pero 'yung nanay ko naman, patay na. Pero tignan mo, masaya naman ako kasi andiyan panaman si daddy.

"Xien, uhmm... Nag-promise kasi ako kay Apollo na pagkatapos ng kaso ng mommy mo ay kakausapin ko siya. Pwede mo bang sabihin na pinapa-punta ko siya dito mamaya?" tanong ni daddy nang matapos kami kumain.

Tumango naman ako. "Sure po. Itetext ko na."

Napa-ngisi pa ako dahil na-iimagine ko 'yung kabado niyang mukha mamaya sa harap ni daddy. Baka nga, ma-tae pa 'yun sa kaba, eh.

"Oh, sige. Pero maligo ka naman muna bago siya pumunta, hija." humagalpak siya sa tawa. Napa-nguso naman ako.

"Grabe ka naman sa akin, dad." sambit ko tapos nag-tawanan na kami ng nagtawanan.

Broken Boy meets Broken Girl Stories to obsess over. Discover now