Chapter 35

89 19 0
                                    

Chapter 35- My girl


"Hi mommy," bati ko sa grave ni mommy sabay patong nung bulaklak na binili ko. Umupo ako sa damo.

Madalas akong mag-stay dito. Minsan, buong araw na nga, eh. Minsan, kahit umuulan pa ay dito padin ako. Wala akong pinapalipas na araw na hindi ako pumupunta dito mula nang malaman ko kung nasaan siya naka libing.

Madalas ko siyang kinakausap kahit hindi naman siya sumasagot. Kung pwede nga lang, ay ipa bukas ko ang libingan niya, makita lang siya. Pero syempre, hindi pwede iyon. Kaya pinag-tu-tulos ko nalang siya ng kandila at binibigyan ng bulaklak.

Nasasaktan padin ako sa mga natuklasan ko pero kahit papano ay ngumingiti-ngiti na ako. Tinatawag ako ni daddy para mangumusta, sinabi din niyang naka labas na si Eliza sa ospital. Natuwa naman ako dahi at least, safe na siya. Nalaman kong nag overdose pala siya.

Hindi ko na kinumusta si Apollo kay daddy, dahil bukod sa walang alam si daddy sa relasyon namin ni Apollo ay ayoko nadin dahil sinasanay ko na ang sarili kong wala siya sa tabi ko. Medyo mahirap pero kaya ko naman. Syempre, pano naman kasi ako masasanay agad na wala siya sa tabi ko, eh kung halos araw araw noon ay kasama ko siya.

Umiling nalang ako at humalakhak. Ang sarap ng buhay ko dito sa probinsya dahil tahimik. Malayo sa problema at payapa. May sariwang hangin at malinaw na tubig, pati nadin ang maberdeng damo at puno.

"Siguro, ang saya ng pamilya natin kung 'di kayo pinag-hiwalay ni Lola." sambit ko sa sarili.

Napa isip din ako, eh. Ano kaya ang itsura kapag buo ang pamilya namin? Kaming tatlo lang. Si mommy, daddy at ako. Walang Trina at Eliza. Pero naisip ko din, kung nagkatuluyan si mommy at daddy, posibleng maiba ang nangyari. Posibleng, hindi ko makikilala si Tyrese or si Apollo. Pwede ding, hindi ko makikilala si Raven at Yen.

Sa dami ng hinaharap kong problema ngayon. Madami akong na-realize. Na hindi ka dapat sumuko sa pag subok ng buhay. Na hindi ka dapat magpadala sa mga problema mo. Na dapat ang bawat desisyon mo, ay pinag-iisipan mo. Dahil isang pagkakamali mo lang, maaaring masira ang buhay mo.

Magtatanghalian nang napag desisyonan kong umuwi na. Pagdating ko sa bahay nila Tita ay umalingawngaw agad sa buong bahay ang niluluto niyang sinigang. Napa ngisi ako pero kinalaunan ay binatukan ko din ang sarili.

Stop it, Yvanna. Sinigang lang 'yan pero wagas ka kung maka-ngiti!

"Oh, Xien, andito ka na pala. Saglit lang, ah? Niluluto ko pa 'yung ulam natin." sabi ni Tita habang hinahalo ang mukhang masarap na sinigang. Tumango lang ako at dumiretso na sa nakalaang kwarto ko.

Binaon ko agad ang mukha ko sa unan. Tanga! Tanga tanga mo, Yvanna! Pano ka naman makaka-move on kung simpleng bagay niya ay naaalala mo or pinapaalala mo!

Mabuti nga't hindi na siya nagpaparamdam sa akin, eh. Siguro napagod na. Pero bakit ba ako parang dissapointed?

Binatukan ko nalang uli ang sarili ko at bumaba na. Sakto pagbaba ko ay nakahanda na 'yung pagkain na niluto ni Tita Mila. Umupo na si Tito at bumaba nadin ang pinsan kong si Josefina at Kamilla, Kaya sumunod na ako.

"Okay lang ba 'yung lasa, Xien? Matagal na kasi ako hindi nagluluto. Tapos ingat na ingat ko pa 'yung mga mamahaling panluto na binili mo." ani Tita.

"Opo. Masarap nga po, eh." ngumiti ako. "Tita, mag enjoy ka lang po. Sa inyo na lahat ng mga binili ko dito."

"Kahit na. Dapat ay ingat na ingat. Kaya nga sinasabi ko kay Josefina at Kamilla na dahan dahan sa pag-gamit ng TV." sagot niya.

"Pero 'wag niyo naman tipirin ang sarili niyo."

Broken Boy meets Broken Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon