Chapter 46

52 14 0
                                    

Chapter 46- Why

Pagkatapos namin sa coffee shop ay umuwi nadin kami agad. Pinag-pahinga ko muna si daddy sa kwarto niya dahil sigurado akong napagod siya. Tumulong kasi kami sa pag-empake ni Eliza. Napa-buntong hininga nalang ako. Kung kelan naman kami nag-kaayos mag-kapatid, tska naman siya umalis.

Napag-desisyonan kong, dumiretso nalang sa kwarto ni Eliza. Pagpasok ko do'n ay malinis na kwarto ang bumungad sa akin. Ibang iba sa magulo at sabog-sabog na gamit na nakita noon nung una akong pumasok dito. Simula pagkabata palang kasi, hindi na ako pumasok dito. Kahit noong umalis sila ni Daddy at Trina papuntang Newris.

Napa-ngiti ako nang dinala ako ng sariling mga paa sa tapat ng mini cabinet niya, katabi ng kama niya kung nasaan naka-patong ang lamp shade. Tatlong picture frame na kulay purple ang naka-patong doon. 'Yung isang picture ay sila ni daddy, ang sumunod ay family picture namin. Ako, siya, si daddy at Trina.

'Yan yata ang kaisa-isahang family picture namin. Nakakalungkot lang dahil buti pa siya ay may family picture. Kung ako kasi ang tatanungin gusto ko din ng family picture. 'Yung kumpleto kami. Ako, si daddy at si mommy, pwedeng pwede ko din isama si Eliza. Kaso wala, eh.

Ang humiling picture frame naman na may picture ay kaming dalawa. Mga bata pa kami sa picture, parehas kami naka-akbay sa isa't isa at parehas na naka-wacky pose. Sa tuwa ko ay kinuha ko ang phone ko sa bulsa at kinuhanan ito ng picture, then I posted it on Facebook. Madami daming nag-like at nag-comment.

Madaming nag-tanong kung nagka-bati na kami. Madami naman nag-comment na ang cute daw. At friendship goals. Naku. Kung alam niyo lang. Ni-PM ko nalang ang mga iba kong college and high school friends na nag-tanong kung bati na ba kami. Sinagot ko sila ng tapat at tama.

Umupo ako sa kama ko at nag-Instagram naman. Bumungad sa akin ang bagong post ni Eliza. Nag-picture siya sa airplane, at nakita ko din na nasa tabi siya bintana. Suot suot niya padin ang sweater na suot niya bago umalis. Ni-like ko ito at nakita ko din ang ibang comments tulad ng, wow, Ingat! See you soon, at iba pa.

Lalo akong napa-ngiti. Maganda kasi ang itsura niya sa picture. Wala ng masyadong eye bugs, hindi nadin gulo-gulo ang buhok at hindi na haggard. Nakakatuwa dahil maayos na ang itsura niya. Well, paano banaman hindi aayos ang itsura niyan, eh bago umalis nag-punta muna sa spa at parlour.

No'ng araw na nakipag-usap si daddy kay Apollo ay doon umamin sa amin si Eliza na aalis na siya. Ang akala naman namin, noong araw mismo na iyon. Hindi pala. Pupunta daw siya sa kulongan at bibisitahin si Trina, tapos ay sa spa at parlour siya dederetso. Kaya naman, isang Linggo pa ang pina-lipas niya bago namin siya ihatid sa airport. Kainis kasi. Hindi man lang inexplain sa amin kung kelan talaga siya aalis.

Pagkatapos ko doon ay bumalik nadin ako sa kwarto ko. Natulog muna ako. Dahil nag-iyakan kami kanina nila Eliza bago siya umalis. Kaya medyo masakit pa ang ulo ko. Uminom naman na ako ng pain reliever pero masakit padin talaga.

Hapon na nang magising ako dahil nag-ring ang phone ko.

Humihikab pa ako nang sagutin ko ang tawag galing kay Yen.

"My god! After 10 years, nasagot mo din!" bungad niya sa akin.

Napa-irap nalang ako. Ang sarap sarap ng tulog ko tapos ganito ang ibubungad sa akin?

"What?" I asked in a not interested tone.

"Akin na nga 'yan!" dinig ko sa kabilang linya na parang boses ni Raven.

Kumunot ang noo ko.

"Ano ba 'yon? Wait, magkasama kayo? Ang daya!" pagmamaktol ko ng parang bata.

Broken Boy meets Broken Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon