Chapter 47

60 16 2
                                    

Chapter 47- Best Wishes


Akalain mo nga nama'ng, sa kaharutan namin kagabi ay naka-tulog agad kami. Nagising nalang kami at nakita namin ang mga maleta sa may pintuan. Hindi siguro na-ipasok no'ng mga bellboys dahil ni-lock ito ni Raven pag pasok namin kagabi. Nagulat nga ako dahil tatlo ang kama sa room na ito pero magkakatabi pala kaming natulog kagabi.

7:00 AM palang ay gising na ako. At eto'ng si Yen, ayan, knock out. Kala mo kasi'ng bagong laya sa kulungan. Ang wild kagabi. Kawawa si Greg pag-nagkataon. Maggiging battered boyfriend. Kahit wala naman silang relasyon.

Ewan ko ba. Basta, gusto ko si Greg para sa kaibigan ko.

Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkaka-higa sa kama dahil baka magising 'tong dalawang 'to. Dumeretso ako sa bathroom para magpalit ng dress dahil naka-jeans pa pala ako. Hindi nadin pala ako nakapag-palit kagabi.

Pagkatapos ko magpalit ay inayos ko lang ang buhok ko at lumabas na. Naglakad-lakad muna ako.

"Good morning, Ma'am." bati sa akin ng mga tauhan. Sinuklian ko nalang sila ng ngiti at nag-deretso sa paglalakad.

Manghang-mangha ako sa buong paligid. Akala ko ay sampu lang ang pools dito pero mas madami pa pala. Sa unang tingin, akala mo maliit lang ang resort na ito pero malaki pala. May anim nadin akong nakikitang jacuzzi, kiddie pools at iba pa. Pero ang ikina-tuwa ko talaga ay no'ng makita ko 'yung pinaka-giant pool nila.

Pwedeng pwede ka mag-picture sa gitnang bahagi no'ng giant pool dahil may white-stoned bridge kang dadaanan tapos kapag nasa gawing gitna ka na ay mahahanap mo ang parang dwarf's house ang design. Pwede kang tumambay doon at mag-picture. Sobrang ganda talaga. Tapos katapat naman no'n ay giant blue slide. Na akala mo ay pang-roller coaster.

Umapak ako sa umpisa no'ng stoned bridge. Hanggang sa sunod-sunod na ang apak ko at mapunta na ako sa gitnang bahagi ng pool kung nasaan ang dwarf's house. But, don't get me wrong, ah? Malaki ang dwarf's house pero naka-design siya as dwarf's house talaga. Kulay white ang pinaka-bubong nito at medyo peach at blue naman ang katawan.

Umihip ng malakas ang hangin na siyang nakapag-pasabog ng buhok ko sa mukha ko. Hinawi ko ang buhok ko at laking gulat ko nang may isang lalaki na sa harap ko.

"Ah, ma'am? Pwede po ba'ng, 'wag kayo dito? May event po kasi na gaganapin mamaya. Eh, kailangan napo namin ayusan ito." paliwanag sa akin ng isang manong.

Tumango naman ako at lumabas na sa dwarf's house at bumalik na sa room namin nila Raven.

"Oh my god, there you are!" bungad sa akin ng bagong gising na si Yen. Her hair was still messed up at mapupungay pa ang mga mata niya.

"Oh, bakit? Hindi naman ako mawawala, Yen." I calmly said then sat down.

"Yeah, I know. But... Just... Ugh!" stressed niyang sigaw sabay tabi sa akin.

"Hindi mo kasi maiintindihan, okay? So if I were you, sumunod ka lang sa amin ni Raven."

I raised a brow. "What? Ano ako? Alipin? Ano ba ang nangyayari? Hindi ko kayo maintindihan!"

"Kaya nga. Basta. Maiintindihan mo 'to lahat 'pag pumatak na ang gabi. So just please... Please! Don't leave! Okay?" napa-sabunot siya ng buhok.

Tumango nalang ako habang naka-kunot padin ang noo. Ano ba kasi ang nangyayari? Una si daddy, sunod si Raven kagabi and now si Yen? What the fuck is happening? Gulo'ng gulo na ako to be honest, as in.

Nag-bihis muna si Yen at sinabi niya sa akin'g, 'wag na 'wag na 'wag daw ako aalis sa kinauupuan ko. Ewan ko ba do'n. Kala ko naman, isa akong glass furniture na anytime ay mababasag. Or isang mamahaling alahas na anytime ay madudukot. Ang paranoid niya, and at the same time, creepy.

Broken Boy meets Broken Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon