Chapter 24- Nilagpasan lang
Nagising ako sa ingay na narinig ko galing sa baba. Siguro ay nag reready na sila para mamaya. Talagang magkakaroon ng party, ah? Napansin kong naka-tulogan ko na palang naka bukas ang laptop kaya isinara ko agad ito. I checked my phone if there's any text message, meron naman, isa lang.
From: Baby Caiden
Luxien, nakaka-inis ka. Akala ko nakahain ka na kagabi, 'yun pala 'di ka umuwi sa condo unit mo. Tsk. :(
Napa ngiti nanaman ako. Napaka manyak talaga nang lalaking ito. Minsan iniisip ko kung bakit ko ba 'to minahal. Napapa ngiti din ako dahil na-iimagine kong naka busangot ang mukha niya habang tina-type ito. Hindi na ako nag reply, dumiretso nalang ako sa banyo para mag hilamos, tapos bumaba na ako.
Pagbaba ko ay tama ang hinala ko. Abala ang lahat ng maids sa pag lilinis, pag lagay ng mini stage sa gawing pool namin at pag luluto. 3:00 PM palang ng hapon, ah? Bakit ang aga naman at nila magluto? Mapapanis lang 'yan. Buti sana kung si Eliza lang ang sakitan ng tiyan pero may mga bisita mamaya, sigurado iyon.
Mukhang hindi pa gising ang mahal na "prinsesa" kaya natuwa ako. Dumiretso ako sa kitchen namin at kinuha ang milk box at nag salin sa baso, tapos kumuha nadin ako ng donut na nasa ref. Bigla ko tuloy na-miss ang luto ni Apollo.
Uminom ako no'ng gatas tapos kumagat ako ng donut habang nag-so-scroll sa news feed ko. Napa tigil ako sa pag so-scroll nang nakita ko ang share ng isang kaibigan ko na nagsa-start na ang interview ni Raven sa Charisse's Gossip. Sa pagtataranta ay mabilis kong Inubos ang kinakain ko tapos ay dumiretso agad ako sa taas.
Agad agad kong binuksan ang flat screen tv sa kwarto ko tapos umupo na ako sa Kama. Napa ngiti ako nang nakita kong hindi pa pala tapos. Gosh! Muntik na 'yon, ah? Nag promise panaman akong papanuodin ko siya,
"So, may time ka pa ba sa love life?" Tanong ni Miss Charisse.
Nagkibit balikat siya, "No comment," then she chuckled. 'No comment', huh? Humanda ka sa akin mamaya.
Tumango tango nalang si Miss Charisse. "Oh!" Tapos nag hiyawan ang mga tao.
"Anyway, can you show us your new album?"
Tumango si Raven tapos pinakita ang album niya, "Hi guys! So, RavenCine is now available! Thank you to all my fans, mom and dad, sa best friend ko, Xien at sa lahat! Thank you! Sana magustuhan niyo po!" Tapos nag flying kiss siya.
Napangiti ako. I'm happy for her. Vey happy. Imagine, may best friend akong sikat! After that, nagpaalam na siya tapos ni-off ko na ang TV. Agad agad akong nag send ng text message kay Raven,
To: Raven
Proud best friend here! Haha! Congrats, Rave! See ya later!
Naka lipas na ang ilang oras pero wala padin siyang reply. I understand naman. She's a celebrity for fuck's sake!
Binitawan ko na ang phone ko at napag desisyonang maligo na. Then, mag cecelebrate kami ni Raven or I'll invite Yen. Ipapakilala ko sila sa isa't isa para maging group naman kami. Kahit papano kasi, masaya din ang may barkada. Tumayo na ako at akmang bubuksan na ang pintuan ng C.R. nang bigla kong narinig ang phone ko.
Pa takbo akong bumalik sa Kama at tinignan ang tumatawag. Pinagpawisan ako ng malamig nang nakita kong si Apollo ang tumatawag. Huminga ako ng malalim ng ilang beses. Bakit ba ganto nalang ang epekto ng lalaking ito sa akin? Tska, tawag lang namna 'yan pero bakit nag huhuramentado ang sistema ko?
Kinagat ko ang labi ko bago ko sinagot ang tawag. "H-Hello?"
"I love you." Bungad niya. Bumilis ang tibok ng puso ko. What the fuck?
BINABASA MO ANG
Broken Boy meets Broken Girl
RomanceShattered Hearts Series: #1 ✔️ (Editing...) "Broken sticks, broken promises, broken hearts. So many broken things in the world, but the world chose the two of us to meet-up." If your family doesn't consider you as a member, what would you do? If the...